Birthday 3

836 37 0
                                    

WINTERINS ACADEMY
CHAPTER 33 : BIRTHDAY 3

[CZADE]

Simula umaga ay hindi ko nakita si Allequiane kaya nagtaka ako kung nasaan sila. Tinatry namang lumapit ni Yara sa akin pero tinataboy ko sya. Wala naman si Allequiane and yet nilalapitan nya ako? Tss.

Nang sumapit ang PE ay nagpalit muna ako at papunta na sana sa Field namin nang makita ko ang mga nagkukumpulan na mga estudyante at naririnig ko na may chinicheer pa sila. Kahit si Hydle ay nagtataka na rin.

"Hydle! What's going on?" I asked him.

"Ah, may nagcocompete yata sa loob, naririnig ko ang name nila Allequiane, Jea and the other girls. Pati na rin ang name nila Jasper. Tara tingnan natin" sabi nya at hinila ako.

Nakiexcuse naman sya at pumunta kami sa harapan at sa gilid.

Nakita ko ang buong Class ng Higher Elites na hinahabol si Allequiane at mukhang sira na rin ang buong field ng section nila samantalang mukhang nag eenjoy ang teacher nila.

"Astig ng Allequiane mo bro, ang dami nila kasama pa yung tatlo nyang kaibigan tapos sya iniiwasan lang na parang ang easy easy lang, bilib na ako sa kanya. Ligawan mo na sya" sabi nya sakin.

Natawa ako sa kanya at umiling-iling.

Soon Hydle, soon.

......

Ngayon ay papunta kaming lima, kasama sila Jasper, sa dorm nila Allequiane.

"Bakit ba tayo pupunta doon?" Tanong ni Jasper.

"Kahapon kasi, nung free time natin, nagmall si Allequiane, sakto namang nag iikot ako sa mall kasi bibili ako ng ballpen, t shirts etc diba? So habang namimili ako, nakita ko si Allequiane, pumasok sa isang store kaya sinundan ko, nakita ko syang bumili ng pangbirthday na props. Number 16 pa nga ang lobong binili nya eh. Pagtapos non ay lumabas na sya at namili sa school supplies, nagulat nga ako, kumuha ng notebook na high tech eh, meron naman silang notebook na sarili, tapos bumili pa ng stun pen, ewan ko basta marami syang binili then ayon, paglabas nya, bag lang nya ang nakita ko. Hindi naman nila ginamit ang props na binili nya kahapon so baka ngayon niya gagamitin, sino kaya may birthday?" Mahaba nyang kwento.

Kibit-balikat lang naman ang sinagot namin. Umakyat na kami papunta sa dorm nila Allequiane at nagdoorbell.

Masyadong tahimik kaya akala namin walang tao pero may nagbukas nito at ito ay si Xaphia, I think? The one Klaeden who are into.

Kita sa mata nya ang gulat, napatingin naman kami sa suot nya at madami ito.

Icing yata?

"A-Ah.. ano p-pasok kayo" nauutal na sabi nito at binuksan ang pinto.

"Excuse me.." sabay-sabay naming sabi at pumasok.

Nakita namin na may mga props na pangbirthday ang nandito at nakita namin si Jea, Allequiane and Nathalie na may hawak na wine at baso habang gulat na gulat silang nakatingin samin.

WINTERINS ACADEMY: SCHOOL OF MAGICIANS (COMPLETED)Where stories live. Discover now