1st Day For Being a Trainer 2

829 41 1
                                    

WINTERINS ACADEMY
CHAPTER 28 : 1ST DAY FOR BEING A TRAINER 2

Nandito ako ngayon sa training room kung saan nakamasid sa mga students kong nagtetrain.

Kanina kasi parang naliligaw pa sila, buti na lang tinawag ko sila kung hindi, dere-deretso sila sa isang building. Anyway, pinatakbo ko muna sila kasama ako at ang tatlo kong kaibigan syempre.

30 laps ang tatakbuhin nila while 50 laps ang amin. Nilamigan ko ang paligid namin kaya makikita mo na may usok habang hinihingal kami.

Hindi nyo pala makikita.

Anyway, nasa 10 laps na sila while nakaka20 naman na kaming apat na magkakaibigan.

"Ako ang naaawa para sa kanila eh kahit ilang ulit ko silang panoorin" sabi ni Nath

"Ganyan rin naman naranasan natin dati diba? Ano pa bang magagawa natin?"

"Bakit kasi ginawa pang trainer si Ali eh"

Reklamo nilang tatlo.

"Kapag hindi kayo nagstop kakareklamo, uulit kayo sa umpisa" sabi ko sa kanila at inunahan sila sa pagtakbo.

Hindi ko na sila pinansin pa at tumakbo na lang ng tumakbo while thinking about Czade and Yara being together. It motivates me to train so I can kill them both and they will live happily ever after in the afterlife.

Ilang oras rin bago natapos ang lahat. Pinagpahinga ko sila ng 30 minutes, lahat ay sinulit ang oras dahil alam nilang magiging sunud-sunod na ang training nila.

"May tubig ka dyan? Painom"

"Bili tayo ng pagkain sa Cafeteria, bilis!"

"Tutulog muna ako"

"Magpapalit lang akong damit saglit"

"Kailangan ko ng kape!"

Lahat sila ay nagsikilusan habang ako nama'y kumakain lang ng sandwich habang umiinom ng juice.

Tiningnan ko sila Nath at nakitang nagkukulitan nanaman.

Nevermind them.

Nang matapos na ang 30 minutes ay pinapili ko muna sila ng weapons before kami magstart.

"From now on, you are my baby now!"

"A pickaxe is your baby? You gotta be kidding me"

"Got a problem? Ikaw nga pana, ano ka si kupido?"

"Oo, papanain ko puso mo para mahulog ka sakin"

"OHHHHH bumabanat ang Jace nyo oh"

"G*go"

Napailing naman ako sa kulitan nila.

Nagclap ako para maagaw ang atensyon nila at successful naman.

"Maghiwalay ang mga wala pang guardian sa meron na! Move!" Sabi ko sa kanila.

Nagkagulo ma'y naayos rin agad.

So kaunti palang ang meron? Still it's okay.

"Okay, yung may guardian, makipagcommunicate kayo dito dahil isa iyon sa importante, try nyong utusan at kapag naging successful kayo, try nyo namang maglabas parehas ng power nyo at ipagcombine ito or kung hindi naman ay patamaan nyo ang target na iyon, kailangan makontrol ng guardian nyo ang power nila para hindi kayo mahirapan and kayong mga wala ay sa weapon muna tayo focus, kagaya ng ginagawa nyo dati, hanap kayo ng kapartner nyo at kung sino man matalo ay tatakbo ng 10 laps doon, now move!"

WINTERINS ACADEMY: SCHOOL OF MAGICIANS (COMPLETED)Where stories live. Discover now