History

859 39 0
                                    

WINTERINS ACADEMY
CHAPTER 29 : HISTORY

Araw ng Martes ay maaga akong gumising upang gawin ang daily routine ko.

Nang matapos ay sabay-sabay kaming umalis ng building ng Higher Elites.

'Nagtataka ako bakit may posi-position pa? Eh lahat naman dito mahina, dapat magsimula sila sa Commoner, baka nga mas magaling pa iyung commoner eh' sabi ni Jea

'Teh, wala ka na daw paki don'

'curious lang'

Natawa naman ako sa sinabi ni Jea. Nagtataka rin ako, I mean pangNovice and Commoner ang kanilang power, hindi porket may Guardian ka na, okay ka na sa Higher Elites o Royalties.

Kami nga pang Elite lang eh pero sila? Oo may napatay silang Dark Magicians pero kailangan pa nilang magtulung-tulungan, before nila mapatay iyon.

Ang mga Elders ay may lakas rin, kaya naman nila pero ang students? Oh God, palakasin nyo po sila.

Habang naglalakad ay nakita naming magkakasama ang Five Elements at ang tatlong babae, oo kasama si Sheena, Fiona and Yara, puro 'a' ang dulo.

Nakita naman kami agad nila Hydle.

"Yo Four Goddesses" bati nya samin habang pataas-baba ang kanyang kilay.

"Yo Five Elements with the power pop girls" balik na bati ni Jea sa kanila.

Muntik pa kaming matawa sa sinabi ni Jea, buti na lang napigilan namin.

'shuta ka Jea HAHAHAHA'

'bakit? Bagay naman ang name nila ah?'

'baliw'

Tiningnan ko si Czade at tinanguan lang ito.

Tumango lang pabalik sa akin ito at ngumiti.

Oh bakit ka ngumingiti ngayon? Tsh

"Papasok na kayo? Sabay na tayo" sabi ni Jasper.

"Geh"

"Kasama nyo si Allequiane? Papasok na sya?" Tanong pa nito.

Itong lalaking to, madaming tanong sa buhay

Tumango naman ako sa kanya at yung mukha nya parang shock na shock sya.

"Bakit? I mean trainer ka diba?"

"Kasi History subject ngayon, I can't missed this subject"

I mean I'm curious lang sa history, although may alam na ako ay hindi pa iyon buo.

Nang makarating sa room ay umalis na sila Czade at Hydle kasama si Fiona at si Sheena ay Yara naman ay Section B kaya hindi sila kasama sa aming A.

Anyway, nandito na ang teacher namin sa History. Nagulat pa nga sya nang makita ako pero kumaway lang ako dito at ngumiti.

"Goodmorning Class, mukhang may mga bago tayong estudyante ngayon, so ang ididiscuss natin ngayon ay tungkol sa Winterins Kingdom" eto na ang inaantay ko.

Napahawak ako sa kwintas ko at tiningnan si Miss Myla, History Teacher.

"Itinayo ang Winterins Kingdom noong 58 years ago, matagal na rin no? Dati na rin kasing may mga taong may kapangyarihan pero iilan lang. Ang Winterins Kingdom ang naging number 1 sa ibang kingdoms dahil sa angking galing nito, may magaling na tagapamalakad, may magaling na mga tauhan, may magaling na mga kawal, lahat sila ay may angking talento doon at isa na roon ang mga may angking kapangyarihan na marami ang kanyang pwedeng gawin. Weather Manipulation, Gravity and Voids, 5 elements at iba"

WINTERINS ACADEMY: SCHOOL OF MAGICIANS (COMPLETED)Where stories live. Discover now