First Class in W.A.

1.3K 43 11
                                    

WINTERINS ACADEMY
CHAPTER 5 : FIRST CLASS IN W.A.

Maaga akong nagising dahil na rin sa habit. Ganoon na rin ang iba ko pang mga kasama, si Phia ang nagluto ngayon at naghanda ng pagkain namin. Lahat kami ay bihis na, ready na pumasok sa klase.

"Goodmorning mga chikiting gubat, kain na kayo" sabi ni Phia at umupo na sa upuan.

It's already 7:20 so may oras pa naman.

"Ang sarap ng tulog ko ngayon grabe, now ko na lang ulit naranasan ang ganoong tulog"

"Same here, bwisit kasing mga Dark Magician, dalawin ka ba naman tuwing madaling araw"

"Umaakyat yata ng ligaw HAHAHA"

"Mga baliw"

Nagkwentuhan pa kami bago kami nag toothbrush at nag ayos ng gamit namin. Ewan ko kung sino nagpadala basta may kumatok tapos nasa harapan na namin ang mga gagamitin namin for this class.

Ang sabi ko sa kanilang apat, gamitin nila ang space bag na ginawa ko noon para kung sakali mang may mangyari, dala dala nila ang dagger nila na ginawa naman ni Jea.

Kahit papaano may ambag rin kami sa mga gamit namin hahahaha.

"Let's go girls!" Nath shouted.

Natawa kami at inilock ang pinto. Hinigpitan ko ang paglolock dito at nilagyan pa ng kung ano-anong spells before umalis. Sanay nanaman sa akin itong tatlo. Overprotective daw ako haha.

Marami kaming nakikitang Higher Elites na kagaya namin at napapatingin naman ang iba sa amin at nagbubulung-bulungan.

"Seriously, unang labas, peymus agad, huwaw" - Jea.

"Kesyo higher elites daw tayo kahit na unang pasok palang natin dito"

"Hay nako, wag na lang natin silang pansinin"

"Agree" I agree at hindi na lamang namin pinansin ang mga ito. Nang makarating sa room ay napapatingin naman ang iba sa amin.

Nakakaasiwa yung tingin nila, parang sira.

Magkakatabi kaming umupo sa likod at natawa pa dahil may itinira kaming isa pang row, hindi pa isinagad ang pagkahuli.

"Laging tinatawag mga nasa likuran teh, kaya dito tayo"

"Baliw ka Nath"

Natawa kami.

Ako ang nasa tabi ng bintana, katabi ko si Nath, sunod si Jea at ang huli ay si Phia, parang dating sitting arrangement lang.

May tumabi naman sa tabi ni Phia, may bakante pa kasi, isang babae rin.

"Uhm hi! My name is Sapphire Alizha, nice to meet you!" Bati nito sa amin.

"Nice to meet you rin Saphi, ako si Nathalie, ito si Jea, ito naman si Phia yang katabi mo tapos yung ayun sa tabi ng bintana ay si Allequiane" pakilala ni Nath dito.

Ngumiti naman sa amin si Saph at napatingin sa pintuan dahil mukhang may paparating, masyadong maingay sa labas eh.

"Omg! Jaspeeer!!"

"Kyaaaaaa Klaedeeeen!!"

"Klaedeeeen!!"

"Hydle!!!"

WINTERINS ACADEMY: SCHOOL OF MAGICIANS (COMPLETED)Where stories live. Discover now