002.

79 9 6
                                    


Maraming nagtatanong sa akin kung mahirap ba ang trabaho bilang isang call center agent at ang palaging sagot ko naman ay "oo". Bakit at sa paanong paraan ito naging mahirap?

First, you need to be prepared for the physical struggles. Yes, you will encounter a lot of struggles once you enter the field of call center agency.

You need to change your body clock. Kinakailangan mong isakripisyo ang oras ng pag tulog na nakasanayan mo. Bakit? Dahil kadalasan sa mga Call Center companies ay tumatanggap ng tawag galing sa iba't ibang time zone.

Buti nalang at natanggap ako sa isang kompanya na may normal working schedule. Hindi rin naman kasi ako pwedeng magtrabaho sa gabi dahil walang makakasama sa bahay ang aking anak.

Next, you should be open to new learnings. Kung hindi ka bihisa sa pagsasalita gamit ang iba't ibang lenggwahe ng buong mundo, kinakailangan mong aralin ito dahil tulad nga nang sinabi ko kanina, may mga kompanyang tumatanggap ng tawag mula sa ibang time zone. Ibig sabihin nito ay maaaring may tumawag na tao mula sa ibang bansa kung kaya't kinakailangan mong maging handa.

Naalala ko tuloy ang aking naging karanasan sa unang linggo ko sa aming kompanya. Hirap na hirap ako dahil puro mga inglesero't inglesera ang napupunta ng tawag sa akin. Mayroon pa ngang pranses at espanyol. Hindi ko alam ang gagawin ko noon; buti na lamang at binigyan akong payo nang aking ka trabaho.

Pagkauwi ko sa apartment na aming tinutuluyan ni Chichi, nagbabasa agad ako nang diksyonaryo upang madagdagan ang lawak ng aking bokabularyo. Hindi naman kasi ako bihasa sa wikang ingles. Nanunuod rin ako sa YouTube ng mga videos na nagtuturo kung paano magsalita nang espanyol, hapones, koryano, pranses at iba pang mga lenggwahe.

Hindi naman ako masyadong nahirapan dahil tuloy tuloy ay pag aaral na ginagawa ko noon. Hindi kasi ako iniistorbo ni Chichi dahil lagi ko siyang sinasabihan na ang ginagawa ko ay para sa aking trabaho; bagay na naiintindihan naman niya.

Mayroon rin naman training na isinasagawa ang mga kompanya ngunit hanggang isang buwan lang ito. Masyadong maikli para sa akin na walang masyadong alam sa buhay that's why I need to absorb all the things they thought me as soon as possible because I don't want to lose my job.

Then the third struggle that we should be prepared of is the stress from our dear costumers and callers. You should expect that the call you're going to pick up is from a costumer who's disappointed, inconvenient, and sometimes, rude.

Kinakailangan nating tanggapin ang katotohanan na kadalasan sa ating mga kostumer na kailangang pagserbisyuhan ay ay may hindi kaaya ayang pag uugali and only few of them knows the telephone etiquette at kung paano mapagkumbaba.

And the last but not the least, our working environment. Kinakailangan nating iadjust ang ating mga sarili dahil ang bawat tao ay may iba't ibang katangian at pag uugali. Upang maiwasan ang pagkakaroon ng kaaway sa loob ng opisina, kailangan nating pag isipan ang mga salitang ilalabas ng ating bibig; kung ito ba ay makakasakit ng damdamin o hindi.

"Fatima, bibili ka nang kape sa baba?" tanong sa akin ni Diane, workmate ko. Tumango naman ako habang hinahanap ang aking wallet sa loob ng bag. Breaktime namin ngayon kaya bababa ako para bumili nang kape at tinapay. "Pasabay ako. Alam mo naman kung anong favorite ko, diba?" nakangiting tanong niya sa akin.

"French Vanilla," saad ko. Sumilip ako sa unahan ng aking puwesto umaasang makikita ang isa ko pang kaibigan sa trabaho na si Grace ngunit wala ito doon. "Nasaan si Grace? Nauna nang bumaba?" tanong ko kay Diane.

"Ay nako, absent! Naabutan daw siya nang ulan kahapon kaya ayon may ubo't sipon." saad nito. Tinanguan ko nalang siya at tsaka bumaba para bumili nang makakain.

Nga pala, nakalimutan kong sabihin na isa ring malaking struggle nang mga call center agents ang pagkakaroon ng sakit. As much as possible, we, the employees, should maintain a balance diet and get some enough rest to avoid sickness. Absence is a big NO if we want to keep our occupation.

"Hi, ma'am! What's your order?" tanong sa akin ng isang waiter na ang pangalan ay Lucio. Paano ko nalaman ang pangalan niya? Nabasa ko sa name tag niya na nakalagay sa kaniyang kaliwang dibdib. 

"One large cup of French Vanilla, one medium cup of Caramel Macchiato, one piece of Tuna Sandwich and two pieces of garlic bread." sagot ko habang sinusulat niya ang mga order ko. "That's all, ma'am?" nakangiting tanong niya.

Tumago naman ako sakanya. "That would be two hundred and seventy six pesos, ma'am." ani nito kaya agad ko namang kinuha sa loob ng aking wallet ang aking pambayad.

"Dine in or take out?" tanong nitong muli. "Take out." saad ko. Umupo muna ako sa isang bakanteng table at naghintay. Ilang sandali pa ay muling lumapit sa akin si Lucio dala dala ang dalawang kape at isang paper bag na naglalaman ng tatlong tinapay. Nagpasalamat naman ako sakanya at tsaka umakyat na pabalik sa aming opisina.

Pagkatapos ng aming breaktime ay bumalik narin agad kami sa aming kani kaniyang trabaho. Pagpatak ng alas singko y medya nang hapon ay iniligpit ko na ang aking gamit at nag out na.

"Tara, Fatima! Girls night out!" ani ni Diane at tsaka umakbay sa akin.

"Pass. Hinihintay ako ni Chichi." pagtanggi ko sa imbitasyon niya. Malamang ay namimiss na ako nang anak ko, haaay.

"Napakaresponsable namang mommy ni Fatima!" kantyaw ni Sam. "Mag ingat ka pauwi, mommy!" dagdag pa nito at tsaka kumaway sa akin bago kami maghiwalay ng landas. Kumaway nalang ako sakanila pabalik at tsaka napangiti sa kawalan.

Naranasan kong mamuhay ng mag isa. Walang magulang na nag aalaga, walang magulang na masasandalan tuwing may problema, walang magulang na nagasikaso sa tuwing pagpasok ng paaralan at higit sa lahat, walang magulang na nagmamahal.

Lumaki akong palaboy laboy sa daan. Hirap makahanap ng pagkaing makakain at hirap makahanap ng tubig na maiinom. Palagi akong natutulog sa may simbahan; umaasang kahit papano'y may maawa sa akin at ampunin ako. Dumaan ang ilang taon ngunit wala pa rin hanggang sa kupkupin ako nang isang lalaki.

Buong akala ko ay mararanasan ko na ang mamuhay ng maayos at mapayapa ngunit nagkamali ako. Pagtapos ng ilang linggong pagtira ko sa kaniyang tirahan ay naging impyerno ang buhay ko.

Kaya naman nang ipanganak ko si Chichi ay nangako ako sa aking sarili na magiging mabuting ina ako sakanya at magtrabaho nang maigi para maibigay ang lahat ng kaniyang gusto't pangangailangan.

Hinding hindi ko aabandonahin at pababayaan ang aking anak. Hinding hindi ko ipaparanas sakaniya ang mga bagay na naranasan ko noon dahil alam ko kung gaano kasakit at kahirap ang mamuhay ng mag isa. Hangga't nabubuhay ako, hinding hindi mag-iisa ang anak ko.

Magiging responsableng ina ako. Hindi tulad ng mga magulang ko.






The Call Center Agent (JWW) [COMPLETED] Where stories live. Discover now