007.

31 7 8
                                    


"Palimos po... pangkain lang..." nandito ako ngayon sa tapat ng simbahan; nanlilimos upang kahit papano'y makabili nang panglaman sa aking kulakalam na tiyan. "Kahit magkano lang po... maawa na po kayo, ilang araw na akong walang makain..." pagmamakaawa ko sa mga taong dumaraan sa aking harapan.

Sabi nila, ang mga taong nagdarasal at dumadalaw sa Kaniyang tahanan tuwing linggo ay mababait na tao. Sabi rin nila, ang mga taong sumasamba at nananalig sa Kaniya ay may malambot na puso at tumutulong sa mga taong nangangailangan.

Umaasa akong totoo nga ang sinabi ni Rochelle, pareho kaming palaboy laboy sa daan at wala nang pamilyang mauuwian.

Tandang tanda ko pa ang naging pagtatalo ni mama at papa noong nakaraang linggo. Pinagpapasa pasahan nila ako, parehong walang balak na kupkupin ang isang tulad ko. Ako na bunga nang isang kasalanan. Rinding rindi ako sa mga boses nila. Parehong nagpapalitan ng sigaw at nagduduruan kung sino ang may tunay na kasalanan.

Tinatanong ko ng sarili ko noon kung bakit kinakailangang ako ang magdusa sa kasalanang silang dalawa ang gumawa. Bakit pagkatapos nilang lasapin ang katawan ng isa't isa, iiwan nalang nila ako rito sa gitna nang kalsada, mag-isa, walang masisilungan at walang kasama?

Narinig ko pa ang dahilan nilang dalawa kung bakit ayaw nila sa akin. Ang sabi ni papa, magagalit daw si Belinda. Ang sabi naman ni mama, magagalit daw si Rogelio.

Doon ko napagtanong... may kani kaniya na pala silang pamilya. Hindi ko maintindihan kung bakit... kung bakit nagawa nilang pagtaksilan ang kanilang mga sariling asawa... kung bakit nila nagawa nilang magkita nang patago at magsiping gayong takot naman pala sila sa maaaring maging kalabasan.

Siyam na taon nila akong tinago sa loob ng isang maliit na bahay. Akala ko nung una kaya bibihira ko lang silang makita ay dahil abala sila sa kanilang mga trabaho, yun pala, bumibisita lang sila sa akin tuwing sabado't linggo upang iabot sa akin ang mga pagkain at damit na gagamitin ko.

Siyam na taon nila akong niloko. Sabi nila ay mahal nila ako. Kung mahal nila ako... bakit iniwan nila ako? Bakit inabandona nila ako? Bakit... bakit hindi na nila ako binalikan dito?

Lumipas ang mga taon at ngayon ay dalaga na ako. Tulad ng dating gawi, nandito parin ako sa tapat ng simbahan, nanlilimos. Wala naman akong ibang alam na gawin, eh. Hindi ako nakapag-aral at hindi rin gaanong marunong sumulat at bumasa. Napakawalang kwenta ko, hindi ba? Sabi nila, kaya tayo nabubuhay sa mundo dahil may misyon tayong kailangang gawin at isakatuparan. Minsan ay tinatanong ko tuloy ang sarili ko kung anong misyon ko. Misyon ko ba ang maging isang manlilimos? Manlilimos ako hanggang sa yumaman? Hahaha, nakakatawang isipin na nabuhay lang ako sa mundong ito upang maging mas mahirap pa kaysa sa daga.

"Kuya, kuya! Maawa na kayo sa akin, oh. Kahit magkano lang," pagmamakaawa ko sa isang lalaking kalalabas lang sa simbahan. Tinignan niya ang aking buong katawan. Habang nagsasalita ay nakatingin lang siya sa aking binti't hita. "Ikaw nalang mag-isa sa buhay mo, hija?" unti unti niyang itinaas ang kaniyang tingin ngunit huminto siya sa aking dibdib.

"O-Opo... Sige na, kuya. Kahit magkano lang ho... Kahit tirang tinapay ay ayos lang ho sa akin... Dalawang araw na ho akong walang kain." saad ko.

"Gusto mo nang pangkain?" tanong niya. Dahil sa sunod sunod na pagkalam ng aking tiyan, agad akong napatango sakaniya. Sabi niya'y sumunod ako sakaniya na siyang agad ko namang ginawa. Huminto siya sa isang itim na kotse at pumasok doon. Sinenyasan niya akong pumasok kaya naman sumunod ako; walang pakialam kung saan ako mapunta basta magkaroon lang ang laman ang aking sikmurang gutom na gutom.

Huminto kami sa isang bahay. Pinapasok niya ako't pinaupo sa isang malambot na upuan. Pagkalabas niya sa isang silid ay iniabot niya sa akin ang isang kulay pulang bestida at tuwalya. "Naroon ang palikuran, maligo ka muna bago tayo mananghalian." saad niya habang nakaturo sa dulo nang kusina.

Pagkalabas ko sa banyo ay may mabango akong naamoy. Nakita kong may nakahain sa mesang isang buong litsong manok at kanina. Naramdaman kong may humawak sa aking baywang kaya medyo nataranta ako at napalingon sa aking likuran. "Kumain ka na, hija..."

"S-Sige po... K-Kain na rin p-po kayo..." nauutal na saad ko. Tila nakadikit na ang aking katawan ang kaniyang naging paghawak. Kinakabahan ako sa tuwing mapapalapit siya sa akin dahil baka muli niya akong hawakan. Ang kaniyang kamay ay nakakapaso at nakakatakot.

Makalipas ang isang linggong patira sa bahay ni Mr. Vargas, akala ko ay magkakaroon na ako nang mapayapang buhay. Tinanong niya sa akin ang mga bagay na gusto ko at sa tuwing sinasagot ko siya ay ang mga bagay na pinapangarap kong mahawakan noon ay nasa aking mga kamay na.

Ngunit, ang buhay na akala ko'y isang magandang panaginip ay naging bangungot.

Binaboy niya ako... Pinagsamantalahan niya ako... Gustong gusto ko nang tumakas at lumayo ngunit paano? Nakakulong ako sa isang kwartong iisa lang ang daanan palabas.

Sa kalagitnaan ng aking pagtulog ay naramdaman kong may humihipo sa aking hita. Agad akong napamulat ay nakita ko ang kaniyang mukha. Nakangisi at tila tuwang tuwa sa kaniyang ginagawa. "Wag po... Maawa ka sa akin..." lumuluha kong saad. Ilang araw na ba niya ako minomolestiya? Hindi malabong... mabuntis niya ako.

Ilang beses na akong nagmakaawa sakaniyang tigilan na ako ngunit wala pa rin. Patuloy parin siya sa paghipo sa aking binti hanggang sa mapunta ang kaniyang palad sa aking dibdib. "Wag... Wag..."

Hindi pa siya nakuntento sa paghipo sa maseselang parte nang aking katawan dahil itinulak niya ako pahiga sa kama at saka pinunit ang aking suot suot na damit. Pilit kong tinakpan ito gamit ang aking mga kamay ngunit sadyang mas malakas siya. Hinawi niya lang ito at saka sinimulang babuyin ang aking buong katawan.

Patuloy lang ako sa pagsigaw hanggang sa narindi na siya. Kinuha niya ang isang panali mula sa isang drawer at saka itinali ang aking mga kamay sa ibabaw ng kama. Pagtapos ay sunod niyang hinubad ang kaniyang mga damit hanggang sa wala nang saplot ang matira sa kaniyang katawan. Itinutok niya sa aking bukana ang kaniyang ari at pwersahang ibinuka ang aking hita. Wala akong magawa... hindi ko maipagtanggol ang aking sarili dahil ako'y kaniyang tinalian. Ang aking mga luha'y walang sawa sa pag agos ng simulan niyang ipasok ang kaniyang ari sa aking pagkababae.




"Wag!" napatayo ako sa aking higaan. Ang masalimuot na alaalang iyon... bakit bumabalik na naman?

"Mimi, are you okay?" napalingon ako sa aking anak na nagaalalang nakatingin sa akin. "You're crying... What happened, Mimi? Did you have a nightmare po?" pinunasan ko ang aking luha at saka marahang tumango sakaniya.

"Yakapsule for you, mimi..." malambing na pagkakasaad ni Chichi. Niyakap ko siya pabalik at naramdaman ko ng aking unti unting pagkalma.



-

The Call Center Agent (JWW) [COMPLETED] Where stories live. Discover now