003.

53 7 10
                                    


Ika-lima ng Setyembre ngayon. Ilang araw nalang at maglilimang taon na ang Chichi ko. "Honey, anong gusto mo sa birthday mo?" tanong ko sakaniya.

Kasalukuyan kaming kumakain ngayon ng hapunan. Simple lang ang aming ulam dahil nagtitipid ako. Noong first birthday kasi ni Chichi ay nagtake out lang ako sa Jollibee nang isang chicken with rice. Noong second at third birthday niya ay ganoon rin. Nadagdagan nga lang ng ice cream at niregaluhan ko siya nang manikang fairy. Noong fourth birthday niya naman ay nagluto ako nang pansit at bumili nang sliced bread sa bakery.

Wala pa kasi akong maayos na trabaho noon at hindi rin kalakihan ang nagiging sweldo... Pero ngayon, dahil may stable job na ako at malaki laki ang sahod, may naipon akong pera para sa fifth birthday ng anak ko.

"I want cake, mimi! Julia said that cake is super yummy daw!" masayang sabi niya. Nakaramdam ako nang awa sa aking anak. Ni isang beses ay hindi ko man lang nagawang bilhan ng cake ang aking Chichi sa mga nagdaang kaarawan niya. "What flavor do you want, love?"

"Is it okay if we buy a chocolate cake, mimi? Promise, I won't eat a lot..." nakangusong sambit niya. "Okay, love. One chocolate cake for my Chichi." isang malaking ngiti ang sumilay sa mukha nang aking anak. Niyakap niya ako at saka pinupod ng halik ang aking labi't pisngi. "Thank you, mimi."

Sa takot na baka masira ang ngipin ng aking anak, bibihira ko lamang siyang pakainin ng mga matatamis kung kaya't ganire na lamang katuwa ang Chichi nang marinig ang aking pagpayag na bumili nang chocolate cake sa kaniyang kaarawan.

Nang makatulog na siya, lumabas ako sa aming munting kwarto at agad na nagtungo sa sala. Kinuha ko sa ibabaw ng cabinet ang aking alkansya. Napansin kong mabigat na ito kaya naman napangiti ako; mukhang magkakaroon ng marami raming handa sa kaniyang birthday si Chichi!

Binutas ko ang latang alkansya gamit ang isang kutsilyo. Pagkabukas ko ay aking nakita na malapit ko na palang mapuno ang lata! Unti unti kong itinaktak sa sahig ang mga perang papel at barya.

Pag uwi ko galing sa trabaho ay agad kong kinukuha ang mga barya sa aking bulsa at deretsong hinuhulog sa alkansya. Ang aking mga sukli sa pamasahe't tindahan ay inihuhulog ko rin dito. Bukod doon ay naghuhulog rin ako nang bente araw-araw.

Sinimulan ko nang magbilang at laking tuwa ko nang umabot ito sa dalawampung libo. Kung pagsusumahin ang lahat ng aking gagastusin para sa kaarawan ni Chichi, may matitira pa rito.

Agad akong kumuha nang isang ballpen at papel upang gumawa nang listahan ng mga bibilhin ko sa Linggo. Sa ika-labing isa nang Setyembre ang kaarawan ni Chichi. Lunes ito kaya naman magfafile ako nang dalawang araw na leave sa aking boss.

Kinabukasan, maaga ulit akong nagising upang ipagluto nang agahan si Chichi. Nagprito ako nang isda at naglaga nang okra. "Nak, invite your friends sa birthday mo ha? Alas dos ng hapon and tell them our address, okay?"

"Okay, mimi. Don't forget my chocolate cake ha." sagot niya habang ngumunguya. "Chichi, ano ang sabi ni mimi every time na kumakain?" agad siyang nagpacute sa akin at ngumiti. Pagkalunok niya sa kaniyang kinakain ay agad siyang humingi nang paumahin sa akin. "Don't talk when your mouth is full... Sorry, mimi."

"Okay, you're forgiven, love. Continue eating na." saad ko at saka pinunasan ang kaniyang amos sa mukha.

Tulad ng dating gawi, inihatid ko muna si Chichi kay Rita bago pumasok sa trabaho. "Don't forget what mimi told you earlier... Be a good girl, Chichi." pinatakan ko nang halik ang kaniyang noo at saka kinausap si Rita.

"Malapit na ang birthday ni Chichi, ah. Any plans?" pambuungad na tanong niya sa akin. "Iyon nga ang dahilan kung bakit nais kitang makausap. Magpapasama sana ako sa iyo sa mall sa Linggo para mamili. Ganoon narin sa pagluluto..." nahihiya kong sambit. Batid kong hindi ko magagawang mamili, magluto at magdekorsyon ng mag-isa. Dadalawa lang ang aking kamay, ano!

"Ay, nako! Iyan lang pala. Go ako dyan, Fatima! Basta makikikain ako, ha?" nakangiting sambit niya. "Malamang! Ang kapal naman ng aking mukha kung papagurin kita tapos di kita pakakainin." ani ko habang tumatawa. "Oh, mauna na ako, Rita... Maraming salamat, ha? Susunduin ko si Chichi mamaya." dagdag ko pa. Malapit nang mag alas otso, baka malate na ako sa aking trabaho.

"Ingat!" saad ni Rita nang makalayo layo na ako.

Pagkadating ko sa aming kompanya at agad akong naupo sa aking table at nagsimula nang magtrabaho. Maraming kliyente ang natawag kaya ngkakaubusan ng bakanteng linya. Maraming tawag tuloy ang nahohold muna hanggang sa makahanap ng available na agent na kakausap sakanila.

"Thank you for calling Sultyna, where customer service is our priority. My name is Fatima, how can I help you?" magiliw na bati ko sa aking caller.

[I'm Wilfred. Can you help me contact my wife?]

"No problem, sir. I can absolutely help you with that. May I have your wife's phone number?"

[I... don't know her number. She told me she'll just go outside to buy something but she haven't come back yet. I'm worried...] nangunot ang aking noo nang marinig ang sinabi niya. Papaanong hindi niya alam ang numero nang kaniyang asawa?

"I am very sorry, sir. But, if we don't have her number, it is very impossible that we can contact your wife..."

[Is there no other wa—]

Hindi ko na narinig ang sinabi ni Mr. Wilfred dahil parang inagaw ito sakaniya. Naririnig ko pa ang kaniyang boses na pilit hinihinging pabalik ang kaniyang teleponong hawak dahil humihingi raw siya nang tulong upang makontak si Cecelia.

Nang tumahimik ang ka bilang linya ay nagsalita ako upang icheck kung nakaconnect parin ba sila. "Hello? Are you still there, Mr. Wilfred?"

[Hi, I'm his son. May I know who's in the line?]

"Oh, I'm Fatima from customer service. Your dad is asking for a help. He wanted to contact his wife, Ma'am Cecelia. Do you know her number?"

Pakiramdam ko'y talagang nangungulila na si Mr. Wilfred sa kaniyang asawa... Ilang oras na kayang wala iyon si Ma'am Cecelia? Napatawag pa tuloy si Mr. Wilfred dahil nag aalala na ito sakaniya.

Gayon na lamang ang unti unting pagkawasak ng aking puso nang marinig ang sagot ng lalaking nasa kabilang linya. [Please disregard. My dad's already 87 years old and... my mom already passed away seven years ago. Thank you for your time and have a great day ahead.]

"T-Thank you.."






The Call Center Agent (JWW) [COMPLETED] Where stories live. Discover now