012.

64 6 27
                                    


Dalawang araw ng wala si Chichi. Dalawang araw narin akong patay.

Ang pagkawala ang aking anak ay tila naging katapusan ng aking buhay.

Hindi ko alam kung bakit biglaang nagkaganito... masaya naman kami, walang kaaway at kagalit. Hindi ko maintindihan kung bakit sa dinami dami nang tao sa mundo, anak ko pa talaga ang napagdiskitahan ng mga taong loko loko.

Dalawang araw na akong nangungulila sa anak ko... dalawang araw na nangungulila sa kaniyang mga ngiti, mga yakap, mga halik...

"B-Bakit ba kailangan kong magdusa nang ganito sa mundo?! Hindi pa ba sapat ang labing pitong taon na nagpalaboy laboy ako't halos mamatay na sa uhaw at gutom?! Hindi pa ba sapat ang ginawa sa akin ng lalaking iyon upang mas dagdagan Mo pa ang pasakit ko?!" nakaluhod kong saad. Hindi matigil ang aking pag iyak. Mugtong mugto na ang aking mga mata at buong araw na akong lumuluha.

"Naging masama ba akong tao, ha?! Sinunod ko ang lahat ng kautusan Mo! Nanalig ako Sayo! Lagi kong ipinagdarsal Sayo ang kaligtasan ng anak ko, pero bakit?! Bakit?!" napasabunot ako sa aking sarili.

Galit ako. Galit na galit ako.

Hindi ko na magawang asikasuhin si papa dahil sa pagaalala ko sa anak ko. Kagabi, muntikan na siyang mawalan ng malay dahil sa pagod. Awang awa na ako sa papa ko. Maging siya'y hindi mapalagay sa loob ng bahay, gusto niyang sumama sa paghahanap kay Chichi at panagutin sa kaniyang mga kamay ang taong dumukot sa kaniyang apo.

Graduation ngayon ni Chichi... aakyat dapat kami ngayon sa stage at sabay naming isasabit ni papa sakaniya ang kaniyang mga nakamit na medalya... Gagala dapat kami sa mall upang icelebrate ang graduation niya pero wala... nauwi sa isang trahedya ang lahat.

Hindi ko maiwasang tanungin ang Diyos kung bakit ko nararanasan ang lahat ng ito. Nagsisimula nang lumayo ang loob ko sakaniya na batid kong hindi tama. Unti unting nawawala ang tiwala ko sakaniya. Masaya na ako, eh... Masaya na kami... Bakit... bakit binawi niya pa?

"Nagmamakaawa ako sayo... Ibalik mo na ang Chichi ko..." halos ingudngod ko na ang mukha ko sa sahig. "Hindi ko alam ang gagawin ko kapag nawala sa akin ang anak ko..."

Pagsapit ng alas tres ng hapon ay nakatanggap ako nang tawag mula sa police station. Tila nabuhayan ako nang loob dahil sa sinabi niya. Dali dali akong nag ayos at inihanda ang wheelchair ni papa. May natangpuan daw na bata sa kabiang bayan. Sana si Chichi na iyon... Sana, sana ang anak ko na yon.

"Makaka...sama na natin... ang apo ko... anak..." ngiti ni papa. "Opo, papa. Pagdating ni Chichi ay dapat magpagaling na kayo ha? Hindi magugustuhan ni Chichi ang ganitong kalagayan mo, oh," saad ko. Tumango tango naman siya sa akin at saka inayos ang kaniyang buhok.

"Namumukhaan niyo ho ba ang bag na ito, ma'am?" tanong sa akin ng isang police officer. Tumango agad ako sakaniya at bahagyang ngumiti. Kilalang kilala ko kung kanino ang bag na ito! Kay Chichi to!

"Eh, eto?" pinakita niya sa akin ang isang polseras. Tumango ulit ako. Ito ang polseras na ginawa nang kaniyang tatay Gregorio para sakaniya! "Pwede ko na po bang makita ang anak ko, sir? Miss na miss na po namin siya nang lolo niya at gustong gusto na po namin ulit siyang makasama,"

Biglang tumahimik ang buong paligid. Ang lahat ng pulis sa loob ng silid ay nakatitig lang sa aming dalawa ni papa. "Sir?"

"S-Sumama ho kayo s-sa akin, m-ma'am," nauutal nitong sagot.

Sumakay kami sa police car at nangunot ang aking noo nang sa isang morgue kami nagpunta. Hindi ako akapagsalita. Maging si papa ay nagtataka rin kung bakit kami rito nagpunta.

Nakita ko sa loob ang isang pamilyar na mukha. Teka... ito yung... nanay ni Jenny... A-Anong ginagawa niya rito?

"Ma'am, iyong nasa dulo po ay maaaring ang batang hinahanap niyo..." garalgal ang boses ng pulis at saka yumuko noong dumaan kami ni papa sa harap niya.

The Call Center Agent (JWW) [COMPLETED] Where stories live. Discover now