Chapter 7: Pack Your Bags

25 4 0
                                    

"Wan! Tigilan mo nga 'yan!" saad kong maluha-luha.

"I can't, Lodi! You look so cute while cutting onions!" natatawa niya pagtanggi habang kinukuhanan ako ng litrato. At nakabukas pa ang flash niyan.

Sinamaan ko lamang ito ng tingin.

"Oh, baka naman magsaksakan pa kayo riyan ha? Magluluto kayo, hindi kayo nanghahamon ng pulis," sabi naman ni mama.

It's been 3 months since the celebration party. After that, mas lalo pa kaming naging close ni Wan. Actually, siya na nga ang pumalit kay the-name-that-shall-not-be-mentioned.

Madalas na rin siyang bumibisita dito sa bahay simula no'ng gabing 'yon. Pinakiusapan kasi siya nina mama na bantayan ako dahil umuwi akong lasing na lasing noon. I mean, I only drank four glasses of wine pero malakas talaga ang epekto sa'kin ng mga alcoholic drinks. Dahil doon ay inuwi ako ni Wan dito sa amin at inalagaan ako.

He also met my dad, but their first meeting wasn't ideal at all. Kabababa lang sa'kin ni Wan noon sa kama nang pumasok si papa, so he thought that Wan was taking advantage of me. Kahit nga pinaliwanag na ni mama ang nangyari, he was still skeptical about Wan. Not until Wan cooked breakfast for the whole family.

Yes, he stayed the night pero sa guest room siya natulog.

Nang matikman naming lahat ang luto niya, namangha kaming lahat, lalo na si papa. That was the time na tinalikuran ako ng buong pamilya ko para sa lalaking iyon.

I can't complain though, masarap talaga siyang magluto. Nalaman na lang namin na ang tatay niya pala ay isang sikat na cook sa Japan at namana niya ang galing sa pagluluto. Since I was awed by the recipes he had done so far, I lowered my pride and asked him to teach me.

And of course, the idiot didn't think twice and agreed. Now we've been having cooking sessions for a while, but I still can't fight my tears from falling while cutting these stupid onions. At pinagkakatuwaan pa ito ng master chef.

"Wan, why don't you help me kaysa ubusin mo ang battery ng phone mo kaka-picture mo sa'kin, ano?" inis kong sabi.

"Fine, I'll help you," I sighed in relief, "But after nito," nakangiti niyang dagdag na lalo kong ikinairap.

Itinapat ko sa kan'ya ang kutsilyong hawak ko at sinamaan siya ng tingin, "Isa!"

Hindi siya nagpatinang at nagpatuloy sa ginagawa niya.

"Dalawa!"

I still hear camera shutters.

"Wan, huwag mong paaabutin ng tatlo!"

Agad naman niyang ibinulsa ang cellphone niya't itinaas ang kan'yang dalawang kamay, "Eto na! Wala na! Ibaba mo na 'yan."

Dahan-dahan naman siyang lumapit sakin at hinawakan ang kamay kong bitbit ang patalim. Unti-unti niyang tinanggal ito mula sa'king kamay at huminga ng maluwag matapos niyang magtagumpay.

Narinig ko ang pagtawa nina mama't Elsie, "Gan'yang-gan'yan din kami ng papa mo noon, anak. Kaya nabuo kayong dalawa nitong si Elsie. Hay, nakakamiss ang panahon."

"Ma!" suway ko pero tumawa lang silang tatlo.

Seriously?! Ako lang ba ang nagseseryoso sa bahay na ito?!

Matapos naming magluto ni Wan ay kumain na kaming lahat. Maya-maya pa, habang naghuhugas ng pinggan ay tumunog ang telepono ko. Kinuha ko naman iyon at nakitang si Maeve ang caller.

Sinagot ko ito, "Hello, Maeve?"

"Hi, Elodie! Can we meet up? I have a great news for you!" dinig ko sa boses niya ang pagka-excited niya sa balitang iyon.

If He's The One [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon