Epilogue

15 2 0
                                    

"Elodie! How are you running your business?!"

"Mrs. Iekami! Paano niyo po nagagawang umarte kasabay ng paghandle ng hospital?!"

"Hindi ba't mahirap iyon?! Wala ka bang balak na ibigay na lang ang hospital sa kapatid mo?!"

Jeez. The paparazzi needs to calm down. Kanina pa ako tapos magtrabaho pero maggagabi na at hindi pa rin ako makakauwi sa bahay.

Tama bang nag-artista ako? Parang gusto ko na lang bumalik sa tahimik kong buhay no'ng hindi pa ako sumisikat.

Maya-maya pa'y may isang kotseng pumarada sa hindi kalayuan. Kaagad na huminto ang mga paparazzi sa pag-iinterview sa akin upang tingnan ang bagong dating. Lumabas na ang taong nasa loob ng sasakyan at naglakad ito papunta sa akin.

I took his arm and made our way back to the car. Pagkaupo ko sa shotgun seat ay hinabol ko ang aking hininga.

"What took you so long?" inis kong bulong sa aking asawa.

"Gomennasai, itoshii. Marami rin kasi ang nag-abang sa akin sa eskwelahan," sagot nito, "I'm already 32 pero habulin pa rin ako. Tsk tsk."

Hinampas ko naman ito sa braso, "Hihilahin ko 'yang bibig mo 'pag hindi ka pa tumigil!"

Ngumuso naman ito, "Ang sama mo talaga sa'kin, itoshii!"

"Ako na naman ang masama!" inis kong sigaw.

"Oh ma, kalma ka lang po. Hindi ka pa ba sanay kay papa?," sabi ng isang lalaki. Humarap ako sa passenger's seat at nakita roon ang dalawa kong anak.

"Hay nako, Ravi. Ewan ko rito sa papa mo. 7 years na kaming kasal pero gustung-gusto pa ring hinahabol ng mga babae. Huwag niyong gagayahin ni Enrou ang papa niyo ha?! Kung hindi, may kaltok kayo sa'kin pareho!" saad ko.

Natawa lamang ang dalawa kong anak.

If you're WANdering, what happened, Wan and I got married 6 years after dating. Hindi naman kami nagmamadali sa pagpapakasal kaya pagka-graduate namin ay inintindi muna namin ang pagtupad ng mga pangarap namin.

When we graduated sa acting class ay kaagad kaming nag-audition ni Wan sa movie na sinasabi ng agent ko. Fortunately, we were casted as the main lead of that romance movie. Hindi man iyon naging sikat, naging daan naman iyon para mas dumami ang offers at opportunities para makapasok kami sa limelight. Eventually, isa na rin kami sa mga infamous actors dito sa Pilipinas.

Bukod doon, Wan worked very hard para makapasa sa board exam, and now he is working as a professor sa isang kilalang university.

And when my father died, Elsie and I each inherited both of the hospitals dahil hindi na rin kaya ni mama ang magtrabaho pa. I guess it's safe to say that my sister and I are doing really well.

Kung sa love life ang tatanungin, between the two of us, siya ang mas may madramang proseso.

Anyway, after getting married to Wan, we decided to adopt Ravi. Una, ay dahil ginusto ko 'yon at pangalawa naman ay wala ring umaampon sa kan'ya kaya kami na ang umako. Hindi naging madali para sa aming tatlo ang sitwasyon sapagkat ilang beses na ring hinusgahan ang anak ko dahil sa pagiging ampon nito. But luckily, we managed to get past those challenges and had Enrou, our youngest baby boy. He's already 6 years old, while Ravi is already 15.

Oh and Omie and Kaede also got married. Sinuway kasi ni Kaede ang mga magulang niya kaya in the end, sila ang kinasal. They also have their own kid named Callista and she's 5 years old.

About Silas, hmmm, we haven't talked a lot since he left the country. But what I do know is that he has become a successful lawyer. If it's about his love life, well I have no idea. I guess, kung mayroon man siyang iniibig, he's keeping it lowkey.

Sina Maeve at Rye naman, ayon wala na akong balita. Sa sobrang busy kasi namin ay hindi na kami nagkaroon ng oras upang magkuwentuhan but rest assured, we're still friends. Hindi naman basta-basta mawawala ang pagkakaibigan.

And so, before I end everything, there's one thing I have to say.

Iba man ang nagsimula ng istoryang ito, ang mahalaga ay si Wan ang wakas.




After all, he is the WAN for me.

If He's The One [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon