Chapter 8: Who is Who?

17 4 0
                                    

"Chop chop, everyone! This is our last rehearsal bago tayo pumunta sa airport!" pasigaw na utos ni Maeve.

Tumayo naman ang lahat at naghanda para sa kan'ya-kan'ya naming role. Simula no'ng araw na nabalitaan namin na isinali ang club namin sa isang international contest, mas lalong naging seryoso at abala ang lahat sa pag-eensayo. Kung professional nang pakinggan si Maeve noon, mas lalo pa itong naging istrikta ngayon.

Sa play na napili namin, si Omie ang gaganap na bida habang ako naman ang kontrabida at ang siyang magpapahirap sa buhay ng character ni Omie. Malaki ang kahalagahan ng isang kontrabida pagdating sa isang istorya kaya't nang makuha ko ang role na 'to, ay walang araw akong pinalampas sa pagsasanay.

But there is still one thing that I couldn't do.

And that is to slap Philomena.

"ENOUGH!" mariin akong napapikit sa lakas ng sigaw ni Maeve. Maski ang iba naming club members ay napadaing, dahil na rin sa pagkahinto ng rehearsal. Kung tutuusin, pulido na dapat ang pagkakasunud-sunod ng istorya pero nang dahil sa akin ay hindi ito matapos-tapos.

"Elodie, may I remind you that this is not the time for games! We are entering a contest! Walang kaibi-kaibigan dito!" saad nito, "You better perfect this! Don't drag us down!"

Humarap naman sa akin si Omie at ngumiti, "Elodie, you don't have to worry about me. Hindi naman ako magagalit sayo eh."

I sighed. No matter what she says, mahirap pa rin para sa akin ang saktan ang kaibigan ko. I was always the one who protects her and keep her safe so this scenario is a huge turn for me.

Humarap ako kay Wan na kasalukuyang nanonood sa amin. He mouthed the words 'kaya mo 'yan'.

"I'll try again," maikli kong sabi.

When I was about to walk away, isang malikot na club member ang malakas na bumangga sa akin, causing me to lose a footing. Because I was standing near the edge, hindi na nakahanap ang mga paa ko ng support so I closed my eyes and waited for the impact.

"Lodi!"

But instead of pain, warmth embraced my whole body. I opened my eyes and saw the guy who's been helping me move on. His eyebrows are pushed against each other, his eyes filled with worry, but his touch caressed me gently.

Then I realized that I never really noticed Wan properly. He has this slender dark brown eyes that disappears when he smiles. His face shaped like a perfect sculpture, making him look innocent. His straight long nose and pinkish lips. And his tousled, soft parted dark brown hair.

No wonder most girls drool for him. It's very clear now.

"Oh my! Guys, tumulong naman kayo! Nahulog na si Elodie kay Wan!"

"Lodi, daijōbu?" tanong ni Wan sa akin na may tono ng pag-aalala.

Mahina ko siyang itinulak upang ibaba niya na ako. Kamuntikan pa akong mahulog ulit dahil sa sakit ng ulo ko. Mukhang hindi pa rin ako nakaka-get over sa pagkahulog ko.

Nagsilapit naman sina Omie at Maeve sa amin. Bakas din sa kanilang mga mukha ang pag-aaalala.

"Are you okay, Elodie?! May masakit ba sayo?!" tanong ni Omie.

"Thank God nasalo ka ni Wan! Baka kung ano nang nangyari sayo kung wala siya," Maeve said in relief.

"Ayos lang ako. No need to worry. Medyo gulat pa rin ang katawan ko pero kaya ko," sagot kong hawak ang aking ulo.

Tumango naman si Maeve at muling bumalik sa stage, "Okay, guys! Let's end our rehearsal! Magsiuwi na kayo't magready na para sa flight! Remember, ang male-late ay maiiwan! Understood?"

If He's The One [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon