Chapter 14: Torn Between Two Lovers

13 3 0
                                    

"That was such a sh¡tty move from him!" inis na sabi ni Maeve.

"Agreed," humarap si Omie sa kan'yang kasintahan, "My love, I know you know how much I ship Wan and Elodie together pero isang gan'yan pa ni Wan, papalitan ko na ang best friend mo."

"I also didn't expect Wan to do that. It's like he's changed after that trip in Japan," sabi naman ni Kaede.

"Changed?! Anong changed?! Ang sabihin mo nadagdagan lang talaga ng hangin sa ulo 'yang kaibigan mo!" inis na kumuha si Maeve ng fries at galit na nginuya ito, "Hoy, Kaede. Sabihin mo d'yan kay Wan na hindi laruan si Elodie para paglaruan niya lang! May pahalik-halik pang nalalaman tapos hindi niya naman gusto 'tong kaibigan natin?! Pwede ba 'yon?!"

"Maeve, kumalma ka lang. Daig mo pa 'yong best friend kung magreact eh," saad naman ni Rye na siyang ikinapanting ng tainga ni Maeve.

"Masama bang mag-alala para sa kaibigan ko, Rye?! Kailangan bang maging best friends muna bago isiping mali 'yong ginawa ni Wan kay Elodie?! Ha?!"

Hindi na lang sumagot si Rye at napakamot na lang sa ulo.

I silently facepalmed dahil sa nangyayari sa table namin. Sana pala hindi ko na lang kinuwento iyong ginawa ni Wan kagabi. I knew Maeve would overreact but not this kind of overreact. Nagagalit na nga ang mga nasa kabilang table dahil sa lakas ng pagsigaw ni Maeve eh. Buti sana kung sa cafeteria kami kumakain but no, we're eating lunch sa ice cream shop na malapit sa university.

"Guys, let's try to think in a positive way. Paano kung may gusto naman talaga si Wan kay Elodie pero hindi lang siya aware. Na kaya niya ginagawa 'to para masigurado niya 'yong nararamdaman niya," sabi ni Kaede.

"Eh paano naman kung masigurado niyang hindi niya mahal si Elodie? Edi pinaasa niya nga lang!" pagsingit ni Maeve.

"Hindi naman siguro gano'n si Wan. I mean, kaya niya ba talagang gawin 'yon kay Elodie?" nakapalumbabang tanong ni Omie.

"Ewan ko. Basta, kapag narinig kong umiiyak na naman si Elodie dahil d'yan sa lalaking 'yan, makikita niyo na lang ang mukha ko sa TV," pairap na sabi ni Maeve.

I sighed. Sana nga talaga ay hindi ako pinaglalaruan ni Wan. Kung totoo mang special ako para sa kan'ya, sana hindi niya maisip na sadyain niya akong saktan. But if that happens, I'm glad that I have my friends by my side.

Habang kumakain ay naramdaman kong may tumabi sa akin. Pansin ko ang pagdilim ng mukha ni Maeve at ang pagtaas ng kilay ni Omie. Lumingon ako rito at nakita ang lalaking kanina lang ay pinag-uusapan namin na may dalang tray ng mga pagkain.

"Kon'nichiwa, Lodi! One Rocky Road ice cream for you! Treated by the WAN and only!" he said while wearing his usual grin. Iniabot naman niya sa akin ang ice cream na binili niya.

Tinanggap ko naman iyon at binigyan siya ng isang tipid na ngiti, "Thanks."

"Speaking of," madiing sabi ni Maeve, "Parang sumama ang hangin dito, makalipat na nga lang."

Tumayo si Maeve at kinuha ang tray nito sa paglipat niya sa kabilang table.

"RYE! LIPAT!"

Agad namang sumunod si Rye sa kan'ya.

"Are you guys sure that they're not dating? Because it seems like it," taas-kilay na tanong ni Omie habang pinapanood ang dalawa.

Nagkibit-balikat ako, "According to Maeve, the love is one-sided so how will they date?"

She sighed, "Kailan ba magiging successful ang mga love life niyo? Sundan niyo naman ako."

Tila nabulunan ako sa sarili kong laway nang sabihin iyon ni Omie. Kahit si Wan ay napaiwas na lang ng tingin habang si Kaede naman ay natatawa lang.

If He's The One [COMPLETED]Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz