Chapter 16: Past in a Flash

15 3 0
                                    

Wan and I have arrived at the orphanage kung saan makikita agad ang mga decorations para sa birthday ng batang tinuturuan ni Wan. Kita ko rin mula sa bintana ang mga in charge sa pagbabantay ng mga bata. Malawak ang mga ngiti nilang nagpapalakpakan habang ang ibang mga bata pati na rin ang mga teenagers ay galak na nakikihalubilo sa isa't isa.

I can already feel my palms sweating. Hindi ako sanay makipag-usap sa mga taong hindi ko pa lubos na kakilala, let alone children. Simula no'ng magkaisip ako, si Elsie pa lang ang nakakausap kong mas bata sa akin so I can't really remember how to interact with children.

Nadama ko ang paghawak ni Wan sa kamay ko. He squeezed it which helped me calm down a little.

"Daijoubu, Lodi. I'm sure they'll love you," nakangiting ani nito. Sinuklian ko lang din siya ng ngiti.

Lumabas naman ito ng sasakyan at binuksan ang pintong katabi ko. Inabot niya sa akin ang kan'yang kamay na siyang tinanggap ko. Matapos ay nagsimula na kaming maglakad papunta sa loob ng orphanage. Lahat ng mga mata ay nalipat sa amin pagkapasok naming dalawa. Bigla namang tumakbo ang mga bata patungo sa lalaking katabi ko.

"Kuya Wan!" sabay-sabay nilang sigaw at pilit na niyayakap ang lalaki. Sumunod din naman ang paglapit ng mga nagbabantay.

"Masaya kaming nakapunta ka, ijo," nakangiting bati ng isang babaeng mukhang mas matanda sa amin.

"At sino naman itong magandang dalagang kasama mo? Girlfriend mo?" tanong naman ng lalaking katapat ni Wan.

Wan chuckled, "Hindi pa po. Kaibigan ko lang siya."

"Ah hindi pa pero may balak," mapanuksong sabi ni ate, "In fairness, bagay kayo," napayuko na lang ako nang kumindat sa akin si Wan. Narinig ko lamang ang pagtawa nila.

"Ay oo nga pala, Wan, hinahanap ka ni Ravi. Nandoon siya sa kusina," sambit ni kuya.

Tumungo rin naman doon sina Wan at naiwan akong kasama ang mga bata. Lahat kami ay nakatitig lamang sa isa't isa. I honestly don't know what to say. Like I've said, I'm not good with kids. Baka may masabi akong hindi nila magustuhan at umiyak pa sila.

Hindi naman nagtagal ang titigan sapagkat lumapit sa akin ang isang batang babae na may hawak na doll. Hinila nito ang laylayan ng aking dress kung kaya't dahan-dahan akong yumuko to be on the same level as her.

"Miss pretty, ano pong pangalan niyo?" tanong niya.

"Elodie. Elodie ang pangalan ko," sagot kong may ngiti sa labi.

"Are you the one that Kuya Wan likes?" tanong naman ng batang lalaki na dahilan kung bakit nawala ang aking ngiti.

Alam ng mga bata na may taong gusto si Wan. Ibig sabihin ay kinukwento niya sa mga ito ang babaeng iyon ngunit hindi pa nila ito nakikita. Pero ako nga ba? Ako nga ba ang gusto ni Wan? O hanggang ngayon ay si Philomena pa rin ang mahal niya? Paano ko malalaman ang sagot kung wala man lang kahit isang kalinawan tungkol sa mga ginawa ni Wan sa akin ngayon?

"Wait! 'Di ba may picture si Kuya Wan ng girl sa cellphone niya? Si ate Elodie kaya yun?" tanong ng isang bata sa batang lalaki.

Picture? Anong picture? Does Wan have a picture of Omie?

"Hmm," tila nag-iisip ang lalaki sa sinabi ito ngunit napakamot na lang din sa ulo, "I don't remember. Should we ask kuya about it?"

"Sige! Kunin natin yung cellphone ni kuya tapos ibigay natin kay ate!" excited na sigaw ng batang may hawak na doll.

Nang akmang susundan nila si Wan ay saktong lumabas ito mula sa kusina na may kargang maliit na cute na batang lalaki. I suddenly felt the urge to pinch his cheeks at iuwi na sa bahay but of course, hindi ko pinahalata iyon.

If He's The One [COMPLETED]Where stories live. Discover now