CHAPTER 02: Mysterious Bunny

346 18 1
                                    


••••••••••••

I STAYED at the playground for a while. Maaga natapos ang exam kaya nagpunta muna ako dito para mag pahangin. It so peaceful. I grab my book and decided to read first, dito muna ako dahil gusto ko makita ang sunset. Habang nagbabasa ay may naramdaman akong malambot sa paanan ko kaya napatingin ako agad sa baba. It's a bunny. So cute, binuhat ko iyon at hinimas ang ulo nya. Mukhang nagustuhan naman nya. Kanino kaya ito?

Hey, why are you here? Are you lost? Wait, what's this? May bakal akong nakapa sa kamay nya.

Oh, a ring. Mukhang may nagmamay-ari nito. It's made by a metal at meron syang small black stone sa gitna. Is this real or fake? Napatayo naman ako dahil bigla itong tumalon. Hinilamos nya yung mukha nya at tumingin sa akin. Tumalon sya at tumingin ulit sa akin. Is he saying na sumunod ako? Bigla naman tumango-tango yung rabbit. What the? Umalis na nang tuluyan yung bunny. May sariling buhay yung katawan ko na sumunod sa kanya. Kulay itim sya kaya nahihirapan akong tignan ito ng mabuti dahil dumidilim na rin.

Napansin ko na pumasok kami sa isang gubat. I know this place. Kung tuluyan akong didiretsyo at pupunta sa dulo ay baka maligaw na ako. Kumaliwa sya kaya sinundan ko sya. Humangin ng malakas at parang may nasinghot ako na buhangin. Napaubo pa ako. Isang crow ang biglang lumitaw sa harap ko kaya napatili ako ng wala sa oras. Letche yun ah.

Wait, nasaan na yung bunny? Napatingin ako sa taas at mukhang madilim na nga talaga. Naglakad ako pero bigla nalang akong natapilok at muntikan na akong masubsob. Damn! Why am I wearing a dress- a dress?! But I'm wearing a uniform. What the hell just happened? I started to panic. I bit my lower lips and my heart is beating so fast. Am I hallucinating? Or maybe I'm just dreaming? Natapilok ako kanina, baka nawalan ako ng malay? I pinched my hand but it hurts. So I'm not dreaming? My nose started to bleed. Oh no. .

“Hey, are you going to die? That's good.

“Shut up. You're not real.”Ayan nanaman sya. Nagsimula na ulit sumakit ang sintido ko at ulo ko.

Aww, I'm glad you're talking to me now. Don't be scared.

Who said I'm scared? Isa ka lang imahinasyon.

But I'm not. Unleash me, you'll see. Wake your higher powers. You have no idea how powerful you are.

Don't make me laugh. Stupid.” I don't understand what she's saying. At wala akong balak intindihin ang mga sinasabi nya dahil hindi naman s'ya totoo.

Mabuti nalang ay wala na akong naririnig. I forgot my medicine, naiwan ko sa backpack ko. I just used my hand to wipe the blood. Ang malas ko. Sana hindi ko nalang sinundan yung bunny. I'm so dumb. Pinilit ko nalang maglakad at umaasa na makalabas ako. May kumaluskos sa gilid at mabuti nalang nakita ko na ulit yung bunny. Mabilis ko 'tong dinampot at hinarap sa akin. Wala naman kakaiba sa kanya.

Dahil nagpapanic ako ay niyakap ko sya. Malambot sya at ang satisfying hawakan ng balahibo nya kaya kahit papaano ay kumalma ako. Doon ko nalang napansin na nakauniform na ulit ako. Hindi ko maintindihan ang nangyayare. Kinukulam ba ako o inaatake nanaman ako ng schizophrenia?

Napayuko ako bigla dahil inatake ako ng isang crow. Bigla kong nabitawan yung bunny at mabuti nalang malambot ang binagsakan nya. I want to go home. Ayoko na dito. May narinig ako malakas na kaluskos sa likod ko. Kinabahan ako bigla at dahan-dahan kong nilingon yung ulo ko.

Mga pulang mata ang nakatingin sa akin at sa itsura palang ay nakakatakot na. Maliliit lang ito ngunit kahit ganon natakot pa rin ako. Napalunok nalang ako at naglakad. Nakatapak ako ng isang tuyong dahon kaya nagkaroon ng ingay.

Valkrymore Academy: Blood MoonWhere stories live. Discover now