CHAPTER 08: The Arrival

143 3 1
                                    

•••••••

Luna Hecate Sheridan's POV

LIWANAG. Isang liwanag ang bumungad sa aking mata. Naaamoy ko ang kakaibang simoy ng hangin na pumapasok sa mula sa labas ng bintana. Itinaas ko ang kamay ko sa tapat ng bintana at iniharang ko ang sa liwanag mula sa araw. Sa una, akala ko isang panaginip lang ito at nakakulong pa rin ako. . . Pero hindi. Iba ang vibe ng lugar na ito at hindi ko matukoy kung nasa ibang bansa ba ako dahil sa ganda ng tanawin sa labas.

Naisipan ko bumangon at sumandal sa headboard ng kama. Masakit ang buong katawan ko. Pakiramdam ko ay sumabak sa gera ang katawan ko. Pinilit ko maalala kung ano ang nangyari bago ako magising.

"Si Corrie!"

Sandali, napatay ba siya ng katawan ko? Bigla akong hindi mapakali dahil sa iniisip ko. Gusto ko kumalma ngunit mas nanginig ang mga daliri ko. Ilan ang nasaktan? Mayroon kaya-namatay?! Napahilamos ako sa mukha ko dahil hinayaan ko mangyari lahat ng iyon. Bigla ako napatingin sa gilid at napansin ko doon ang isang clover keychain.

"Butler. . Kazu."

Inipit ko ang clover keychain sa kamay ko. Bigla nalang akong napahagulgol nang maalala ko kung ano ang nangyari sa kanya. Pati na rin ang pamilya ko at mga tao sa mansion namin. Isang sunog ang nangyari at may isang halimaw ang nagtangka sa akin. This feeling of emptiness. . I can't handle this. Something is weird. . Parang may isang bagay ako na nakalimutan. Hindi ko alam kung ano pero kapag sinusubukan ko alalahanin mas bumibigat ang nararamdaman ko.

Napatigil lang ako sa pagiyak nang may humaplos sa ulo ko. Halos mapatalon ako sa gulat. Isang babae at may edad ang nasa harapan ko. Kulay tsokolate ang balat niya, mapungay na mata, bilog na hugis na mukha at makapal na labi.

"I'm sorry. Nagulat ba kita?" Nakakapag salita siya ng language ko? Akala ko ay iba ang lahi niya.

"S-sino po kayo at nasaan po ako?" Tanong ko at halata sa boses ko na kagagaling ko lang sa iyak. Ngumiti ang babae.

"I'm Headmistress Ka'al. Sigurado ako na ang pangalan mo ay Luna."

"How did you know my name? Headmistress? Kung ganon nasa paaralan po ako?" Sunod-sunod kong tanong sa kaniya.

"Alam kong naguguluhan ka sa nangyayari, Hija. But first, you need to eat. It's been three days bago ka nagising."

"P-po?! Tatlo?" Natawa lang si Headmistress Ka'al sa reaction ko.

Sinunod ko muna ang sinabi niya. Her name is unique though. Bigla siyang pumitik at may dalawang babae ang pumasok sa silid. Sandali-totoo ba ang nakikita ko?! Yung itsura kasi ng isa ay parang isang sirena, may scales sa gilid ng mukha niya, kakulay ng dagat ang kaniyang balat at may gill siya. 'Yung isa naman may pakpak ng isang fairy, apat ang mata nito at medyo kumikinang ang kaniyang aura.

"Don't be scared, Hija. They won't hurt you. Tutulugan nga nila magayos. And yes, they are real. Sasabihin ko sa'yo lahat pagkatapos mo maghanda."

Napatango nalang ako kahit parang natatakot ako doon sa dalawa. Magaganda sila ngunit hindi sanay ang mata ko sa nakikita ko. Umalis na si Headmistress Ka'al at naiwan kaming tatlo dito.

Valkrymore Academy: Blood MoonWhere stories live. Discover now