CHAPTER 07: Rampage

193 3 1
                                    

*********

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

*********

THIRD PERSON'S POV

MALAKAS na hangin ang tumama sa balat ng isang babae na nakaupo sa swing. Malalim ang iniisip nito habang pinagmamasdan ang lumang playground. Kasalukuyan itong nasa mundo ng mga tao at nagpapahinga muna sa swing. Ilang oras na ang nakakalipas nang manatili siya sa mundo ng mga mortal.

"Fuyu,"

Isang lalaki ang lumitaw bigla habang nakapamulsa.

"Why did you follow me?" Tanong ni Fuyo.

Hindi ito sumagot ngunit umupo ito sa swing na katabi niya.

"Let's find him."

"You should go back, Kurapika. You know nothing about this place." Malamig nitong tugon sa kasama niya.

Tumawa lang nang sarkastiko si Kurapika. Tumayo na ito at marahan na nagunat ng katawan. Suddenly, they heard a loud explosion from a far. Tanaw nila ang makakapal na usok na umaakyat patungo sa kalangitan. Nagkatinginan ang dalawa at mabilis na tumakbo.

They sense somone.

"I felt something." Sigaw ni Fuyu.

"I felt it, too. There is also a large massive of dark energy. This is bad."

Sinundan lang nila ang nararamdaman na kakaibang itim na enerhiya hanggang sa matunton nila ito.

"W-what the?" Halos manlaki ang mata ni Fuyu dahil sa hindi inaasahan na makikita.

Nakalutang ang isang babae na balot ng itim na enerhiya. Wala itong saplot ngunit nababalutan ng itim na liwanag at parang nagbabaga na parang apoy ang kaniyang braso hanggang kamay.

"Where did she came from?! Paano siya napunta sa mundo ng mga mortal?" Tanong ni Kurapika.

"Well, let's find out."

Kitang-kita sa mata nito ang galit at poot. Patungo ito sa isang paaralan- ang Luna Academy. Nagliwanag lalo ang katawan ni Luna at handa na upang gawin ang binabalak. Hindi kontrolado ni Luna ang kaniyang sarili at kahit ano ang gusto niyang gawin ay kinokontrol na lamang siya nang kaniyang galit.

"Destroy them."

Wika ng isang tinig na si Luna lamang ang nakakarinig.

Valkrymore Academy: Blood MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon