CHAPTER 04: Sol & Luna

259 11 1
                                    

••••••••••••

NAKAUPO lang ako sa teacher's faculty habang inaantay si Ms. Matilda. Hanggang ngayon hindi 'ko pa rin maintindihan kung ano talaga ang nangyare kay Corrie. Bigla nalang s'yang nagwawala na parang ako ang may kasalanan.

"Ms. Sheridan."

Napalingon agad sa taong tumawag sa akin. Si Ms. Matilda. Ang seryoso ng mukha nya. Sana hindi n'ya ako pagbintangan sa nangyare. Nakakapikon na kase si Corrie. Sana pala tinulak ko nalang s'ya sa chair ko para sa kanya dumikit yung glue.

"What do you wanna talk about, Ms. Matilda?" Nilingon ko ang mga papers na tinabi n'ya. Inalis muna ni Ms. Matilda ang salamin na suot n'ya bago ako tuluyan kausapin.

"About Ms. Emerson. She's not in herself right now. What just happened?"

"I don't know. I-I mean the reason why she lost herself. But she pissed me off. I can't take her anymore. She is putting sticky glue in my chair. I'm sure na nakita mo yung chair ko." Wow, Luna. Ang tapang. Saan ko kaya nahuhugot yung lakas ng loob ko.

"Okay, but are they bullying you again?" Tanong n'ya. Bahagya ako umiwas ng tingin. Tumango nalang ako. Kung sobrang sama ko lang baka sinigawan ko na si Corrie ng 'you deserve it.

I don't want to explain everything. Baka magkaroon ako ng panic attacks. Kase naalala ko ulit yung bullying nila Corrie noon.

"C-can I go home now? I'm not in the mood to talk about it." Tumayo nalang ako agad, pakiramdam ko ay bibigay ang tuhod ko.

"Sure. Go home early, I'll call your parents about what happened." Tipid na ngiti nalang ang ibinigay ko. Mukhang nahalata nya na hindi ako okay.

Tuluyan na akong lumabas ng teacher's faculty. Napansin ko na nakatingin sa akin lahat. Pinagbubulungan nila ako. Hindi nila alam naririnig ko sila. Nagmadali nalang ako maglakad. Tanghali na at ilang oras pa bago maguwian yung iba. Kami lang muna ang pinauwi agad. Ang disturbing rin kase nu'ng nangyare kay Corrie. Kaya yung mga nakakita ay hindi na rin makapag focus dahil natatakot. Naisip ko kung sa nangyare ba kanina sila takot or sa akin.

"Hey! You b*tch!" Nagulat nalang ako dahil may humila sa siko ko at iniharap ako sa kanya. Bago pa ako makapag salita ay isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ko.

"What did you do with Corrie?! You monster!" Isang malakas na tulak naman ang nakuha ko kaya bumagsak nalang ako sa sahig.

Si Vhina at Karly. Tulala lang ako sa nangyare. Masakit ang sampal ni Vhina tapos tinulak pa ako ni Karly. Hindi rin okay yung pagkabagsak ko sa sahig. Napansin ko na wala ng estudyante sa hallway dahil tapos na ang break time. Kahit makita nila kami ay walang pipigil sa kanila o kaya magtatangka na tumulong sa akin.

"Ah, hindi ka sasagot? Eto ang bagay sa'yo!" Hindi na ako makalaban dahil pareho nila akong sinabunutan at pinagsasampal.

Kinaladkad naman ako ni Karly hanggang marating namin yung hagdan. Gusto ko lumaban pero parang hindi ko magawa. Sa lahat nang pang-bu-bully na ginawa nila sa akin ay ngayon lang nila ako sinaktan.

"S-stop. Bitiwan n'yo ako. ."

"Talagang bibitiwan kita kapag hindi mo sinabi kung ano ang ginawa mo sa best friend namin!" Bigla akong itinapat ni Vhina sa hagdan. Bigla akong kinabahan dahil pwede akong mabagok kapag binitiwan nila ako. Medyo nahihilo ako dahil sa sampal na ginawa nila sa akin.

Valkrymore Academy: Blood MoonOnde histórias criam vida. Descubra agora