Chapter 66: The Party

1.1K 24 16
                                    

AIZIE'S POV

Pagdating namin ni Oppa sa bahay, sinalubong na ako ng hair and make-up stylist. Bigla na lang niya akong hinila sa loob ng guest room. Yung impakto kasi inunahan na akong mag-ayos, kainis! Hindi naman na mababago yung itsura niya, baka nga kahit gusgusin pa siya gwapo pa rin. Eh! Ano ba yung pumapasok sa utak ko, yun? Gwapo?

Okay. Gwapo nga siya, pero ang sama naman ng ugali. Pero kahit ganun siya, may unexplainable feelings ako kapag kasama siya. Masaya ako kapag kumakain kami sa Streetfoods Ave. Natutuwa ako kapag nakikita yung smiling eyes niya kahit parang nang-aasar.

Inis na inis ako sa kaimpaktuhan niya! Kaya lang, hindi ko maintanggi na- na mahal ko na siya. Parang may kulang kapag wala siya sa paligid ko.

Hindi pwede yung ganito, kami na ni Oppa. Lagi niyang pinaparamdam sa aking mahal na mahal niya ako, parang kanina lang. Dapat sinusukli ko sa kanya kung anong pinapakita niya. Hindi naman siya mahirap mahalin eh.

Naalala ko tuloy, nung una pa lang dapat sasagutin ko na siya. Tuwang-tuwa ako nun kasi nanliligaw sa akin yung crush ko. Yun pala, nakuha na ni Hae Young yung chance na makapasok sa puso ko.

"Waaah! Ang ganda-ganda naman ng daughter-in-law ko." Nakita ko yung reflection niya sa salamin. Red yung kulay ng damit niya at ang elegante tignan. Naka-up do yung mahabang buhok niya at nakaipit ng kulay black na clip.

"Mas maganda ka sa akin Omma." Tinignan ko yung sarili ko. Hay, naalala ko na naman yung time na pinaayusan ako nung impakto. Ganito rin yun, halos hindi ko makilala ang sarili ko.

Lumapit sa akin si Omma at may nilagay siya sa leeg ko. Heart yung design ng pendant tapos may mga diamonds yung gilid.

"Omma."

"Bagay yan sa dress mo. Lalo tuloy lumalabas yung ganda mo." Tinignan niya ako sa salamin. Nakasuot ako ng pink tube dress. Plain sa taas pero pagdating sa baba, puro design ng pink roses.

Wala na yung kulot sa dulo ng buhok ko. Ginawa na lang wavy hair para bagay sa design nung dress. Light lang yung make-up ko para mag-compliment yung style.

"Omma, hindi ko po kayang magsuot ng ganitong silver necklace. Mamaya mawala ko mahirap na." Tatanggalin ko na sana yung pagkaka-lock nang hawakan niya yung kamay ko. Inikot niya yung upuan kaya nakaharap ako sa kanya.

"Anak, minsan lang naman iyan. Don't worry, hindi mo maiwawala yan. Bagay kaya sayo!" Tuwang-tuwa siya habang nakatingin sa kwintas. Kapag pinilit ko pa, baka ma-disappoint siya. Ayoko namang mangyari yun dahil sa akin. Iingatan ko na lang yung bigay niya.

"Sisiguraduhin ko pong hindi mawawala yung necklace. Ibabalik ko po ito mamaya." Hinawakan niya yung kamay ko at ngumiti.

"Gift ko yan sayo! 'Thank you' gift ko sa pagiging mabuting asawa mo sa anak ko." Naku Omma, kung alam mo lang. Gustong-gusto ko na siyang ibalik sa lupa, napakaimpakto eh! Nagtiya-tiyaga lang ako doon.

"Sorry din kung nagiging pasaway siya sayo, kahit sa aming mga magulang niya ganun din eh. Hindi ko alam sa lalaking yun, tama naman yung pagpapalaki namin sa kanya." Natawa naman ako! Ang cute niya kahit lukot na yung noo niya. Nakahawak pa siya sa ulo niya na parang na-i-i-stress. Hindi na ako magtataka kung kanino namana ni Yo-yong yung ka-cute-an niya.

"Wala na po siguro tayong magagawa, ganun na siya eh." Forever impakto na.

"Hay siguro nga. Pero alam mo ba kahit ganun yun, mahal ka niya."

"Ho?!?"

"Magtiwala ka sa akin, kilalang-kilala ko ang anak ko." Kinuha niya yung sandals ko sa lalagyan. 3 inches yung heels at kulay white siya.

Doctor Prince Charming Donde viven las historias. Descúbrelo ahora