Chapter 24: Hae's Mean Move

1.2K 30 8
                                    

Chapter 24: Hae's Mean Move

HAE'S POV

Malapit nang magpasukan at pinapaasikaso na sa amin yung requirements. Sabi kasi ni Appa, may kakilala daw siya sa Alejo University. Doon daw kami mag-aaral dahil prestige yun at top 1 sa Philippine universities. Since may kakilala siya, hindi na namin kailangang mag-exam. Wala na raw kaming problema, basta ibigay na lang yung mga requirements.

The heck, ang hirap namang mag-ayos ng requirements! Kailangan ko pang kunin yung mga records ko sa Cambridge University. Ang hassle naman kung pupunta pa ako doon. What if I send them an e-mail? Mamaya naman kasi hindi ako asikasuhin nun. Sulatan na nga lang sila by mail, tapos ipaparush ko. Sana mapansin nila- oh! What's the use of my connections? Magha-hire na lang ako ng kukuha ng documents ko doon.

Hindi alam nina Omma na pagkagraduate ko ng Microbiology sa Harvard, nag-aral ako sa Cambridge. I wanted to fulfill my dreams, study at Harvard and ended up being a graduate of Pediatrics in England. Unfortunately, two years lang ako doon. May mukhang hito na English gangster boy doon na pinaghahanap ako. Eh kasalanan ko bang mas type ako nung slut niyang girlfriend? Sabi niya sinulot ko daw yung chick niya, wow! Kung alam lang niya yung mga pinagsasabi sa kanya nung babaeng yun. Ayan tuloy, sana alumni na ako ng Cambridge.

"Sir! Pinapatawag po kayo ni Ma'am Chae Mi kain na po." Bastos yung katulong na yun! Bigla ba namang nagbukas ng pinto ng KWARTO KO! Pasalamat siya at nakatalikod ako, kundi fired siya!

Hmm..may narinig akong kumatok sa pinto. Pagbukas ko ay tumambad sa akin si Yaya Hilda.

"Sir, sa susunod po eh isara niyo yung pinto. Hindi na ako kumatok kanina kasi bukas." Teka...nababasa ba niya ang iniisip ko? Ayoko pang kumain I'm doing something!

"Sir baba na po, mamaya na po yang ginagawa niyo." Hinila niya ako at inalalayan pababa ng hagdan.

Nakakatakot pala itong isang ito, marunong mag telepathy!

Nakakahiya naman, lahat sila nandito na sa kainan. Bakit kasi hindi ako tinawag ni Aizie? Humanda siya sa akin!

"Amen." Natapos na palang maglead ng prayer si Omma.

Hmm...napatingin ako sa babaeng katabi ko. Nakasulat sa agreement na scholar ko siya. Tapos dahil sa kahayupang ginawa ng hitong yun, balik 1st year na naman ako! Ibig sabihin, pareho kaming gagastos ng pangtuition. Pero...oo nga naman bakit hindi ko naisip yun?

"Appa." Tumingin siya sa akin at binigyan ko siya ng napagandang ngiti. Hay! Hindi ko tuloy alam kung paano sisimulan ito.

"Para saan naman yang ngiting aso mo?" Hayop na Yo-yong yan! Pinipilit ko magpaka-good mood TAPOS?

"At kailan ka pa naging si Appa?" Ngumiti siya sa akin at nagpeace sign.

"Palibhasa kasi PANGET!" Binulong ko at hindi naman niya napansin.

Huminga ako ng malalim at ngumiti na parang walang nangyari. Binigyan ko muna si Yo-yong ng death glare bago nagsalita. Magsasama kayo mamaya ni Aizie Noona mong bata ka!

"Appa." Tumingin siya habang ngumunguya. Paano ko ba sasabihin? Bahala na!

"Uhmm...pag-aralin mo ako sa pasukan." Haay! Hindi niya ata nagets, napatingin din sina Omma sa akin...

"Naisip kong may responsibility ka pa rin sa akin." patuloy ko. Naku naman sana pumayag siya!

"What are you talking about?"

"As you can see, nasa puder mo pa rin ako. Siguro naman, hindi masama kung sasagutin mo ang tuition ko. Wag mong isipin si Aizie, I can handle her."

"Kahit nasa pamamahay kita, kaya mo na ang sarili mo. Nakakahawak ka na nga ng sarili mong pera."

"Tama ka, pero wag mong kalimutang anak mo pa rin ako! Wala ka na ngang ginastos sa bachelors degree ko. Wait! Pinagdadamutan mo na ba ako? Pag nakatapos na ako ng med. studies, wala ka na ulit gagastusin sa residence ko." nagpout pa ako para effective. Kailangan niyang maawa sa akin.

"Oo nga naman Appa! Minsan na nga lang maglambing yang panganay mo, kaya pagbigyan na. Babawi siya paggraduate niya." suhol ni Omma. She's my savior!

"Chae Mi, matanda na yang anak mo. He can already support himself."

"Yes Jun Su he can, pero minsan lang siya maglambing ng ganyan. Bakit si Yo-yong sasagutin mo tuition niya? He can also support himself already. It's unfair for Hae if you won't do the same. Tuition lang naman niya sasagutin mo eh." Hindi na sumagot si Appa.

"Silence means yes so aasahan ko yan. Tinuloy lang ni Appa yung pagkain niya. I succeed, yehey!!!!

"Omma, gomapda!" Nagthumbs-up siya sa akin. Bakit ganito ka-cool ang nanay ko?

"Hmp! Malapit na kasing maubos ang kaperahan niya." look whose talking, badtrip talaga!

"At least nagkapera. Hindi katulad ng IBA DIYAN, hindi man lang makapuno ng alkansiya." Tinignan niya ako at ngumiti ng abot tainga.

"So totoo ngang naghihirap ka na! Bwahaha! Poor-lubing ba-" Hindi na niya natapos yung sinasabi niya kasi sinubuan siya ni Jae Hyung.

"Napakadaldal na bata! Manang mana ka talaga sa Hae Hyung mo. Sige kain pa." Ngumunguya pa si Yo-yong nang sinasandukan na siya ni Omma ng kanin.

"Anak gutom lang yan, kain ka pa ng marami! Malay mo lumaki ka pa." Lahat kami nagtawan maliban dun sa bansot na nilalang.

Hindi naman kaliitan yung kapatid ko. 5'10 naman siya, pero naliliitan pa rin ako sa kanya. I'm 6 flat, ka-height ko si Jae Hyung. Kaya kapag pinatabi sa amin si Yo-yong, nagmumukha siyang maliit.

==========================

A/N: My lovely readers! Wow, I can't believe 2,900+ na reads. Sobrang thank you sa support, kahit medyo mabagal ang UD ko nandiyan pa rin kayo. Sana huwag kayong magsawa. I love you Saranghae ng bonggang bongga! <3

Next week start ko na ng second sem. 3rd year college pa lang po ang inyong lingkod, may 1 year pang bubunuin. As usual, pasulpot-sulpot ang UD haha! Share ko lang XD

Naiiyak din ako sa tuwa dahil may demanding readers na ako. I feel appreciated, wow!

Pasensiya na sa maikling UD. Hint na yan para hindi na kayo magulat kay Hae.

Ever wonder why 'bear' ang tawag kay Yo-yong? May hint pero sasagutin next UD *spoiler*

Bago magkalimutan, basahin niyo naman yung first short story kong Pretzel Love Story. Tapos na yun so feel free to read. Genre? Rom-Com-Drama. Oh di ba? 3-in-1 ang peg!

Oo nga pala! Special thanks kay AFVergara sa napakagandang book cover.<3

Back to the story..

ABANGAAAAAN! Bwahaha!

Doctor Prince Charming Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon