Chapter 43: *part 2

669 29 12
                                    

Chapter 43 *part 2

AIZIE'S POV

"WHAT ARE YOU DOING!"

Nagtinginan kami ni impakto habang nakahawak sa pack ng hopia. Tinago niya agad sa bag ko.

"I'm asking you, WHAT.ARE.YOU.DOING!" Galit na galit na yung professor nila! Nandito na siya ngayon sa harap namin, nakakatakot!

"Mr. Lee, care to explain why you're always creating annoyance in my class?" Ngayon lang ako naka-encounter ng ganitong terror prof sa buong buhay ko! Hindi sumagot si impakto, kinabahan siguro.

"And you?" Ako ba yung tinutukoy niya? "Why you're not wearing your proper uniform, miss?" Tinatanong niya ako, please naman po-

"Cervantes" Huh? Sinagot ng impakto?

"Ms. Cervantes, bakit naka-black slacks ka?!" Hindi na lang ako sasagot, aatakihin ako sa puso ng hindi oras!

"Hindi pa po niya nalalabhan yung white slacks niya." Matutuwa ba ako sa kanya o hindi? Sumasagot siya para sa akin. Dapat lang yan, kinain niya yung hopia ko.

"That's not an excuse Dr. Lee." Ang lame naman kasi ng excuse na yun, pwede namang bumili ng marami.

"I won't tolerate your public display of affection in my class. The two of you, get out!" Pinapanood na kami ng mga blockmates niya, lupa kainin mo na ako!

"Ako na lang lalabas." Patayo na ako nang hinila niya yung suot kong coat.

"Hindi mo ba narinig, 'the two of you' nga eh." Binubulong niya lang para hindi kami marinig.

"Hindi naman kasi ako estudyante talaga. Wag ka nang sumunod, bitawan mo na ako." Kinuha ko na yung bag ko.

"I.SAID.GET.OUT!" Nagmadali na akong lumabas ng classroom. Pahamak kasi itong impakto!

BSBA student ako, black yung slacks namin tapos white yung blouse with yellow linings. May blazer pa nga kami, hindi ko lang suot ngayon. Hindi halata yung lining ng blouse ko kasi suot ko yung white coat!

All-white naman kapag medicine student, yung kulay ng I.D ang nagkakaiba sa major, blue yung kina impakto kasi pediatrics siya.

"Napalabas tayo, tsk-tsk-tsk! So sad kasama pa kita." Umiiling pa siya habang kinakain yung nag-iisang hopia ko! Ang kapal, wala nang mas kakapal!

"Kasalanan mo lahat." Kinuha at kinain ko yung kalahati ng hopia, akin yun eh.

"Nakakainis ka! Nakita mong kinakain ko eh," May gana pang magalit?

"Amazing ang self confidence mo. Ikaw na nga ang dahilan kung bakit ABSENT ako sa klase ko ngayon, napagalitan pa ng professor MO, plus halos ikaw na ang umubos ng favorite kong hopia ube, sasabihin mong nakakainis ako? Kung hindi ka ba naman garapal." Piningot ko siya sa inis. Wala nang mas kakapal sa kanya.

"Don't touch me, you forest-girl!" Binitawan ko siya dahil baka mawalan siya ng tainga. Anong sabi niya?

"Paki-ulit nga yung sinabi mo?" Tinanggal niya yung pagkakapingot ko sa kanya, binuksan niya yung bag ko tapos kinuha yung tubig. Binawi ko nga!

"Di ba amazona ka? Nakatira ka sa gubat kaya forest-girl, taong gubat!" Ah ganun?

"Nagsalita ang impakto, lamang lupa!"

"Excuse me, at least hindi amoy lupa."

"Impakto ka kahit kailan!"

"Amazona ka kahit kailan, painom nga." Kinukuha niya yung inuman ko, hampas ko kaya sa kanya?

"Ano ka, sinuswerte?" Tinanggal ko yung kamay niya, nakahawak kasi sa inuman ko.

"Oo." Napakabilis sumagot! Naglakad ako ng mabilis hanggang makarating sa C.R. Marami pa namang tao dito, subukan lang niyang sumunod.

"Napakaramot mong amazona ka!" Nasa may entrance siya! Machallenge nga.

"Talaga! Subukan mo lang pumasok dito, bubuhusan kita." Tinitignan kami ng mga babaeng nananalamin. Mabuti na rin ito, malalaman nila ang tunay na kulay ni Hae Young Lee.

"Painom lang naman, ililibre kita ng taro." May something sa ngiti niya, hindi ko yun nagugustuhan. Wala rin namang sense ang lahat, pupunta na lang ako sa rooftop.

Wow, nakabuntot sa akin hanggang makarating sa taas. Tinapon ko yung laman ng inuman, wala akong pake sa pagra-rant niya! Umupo ako sa gilid, nakakabingi si impakto! Naglagay na lang ako ng earbuds at nagpatugtog ng music.

"Sana binigay mo na lang sa akin yung tubig! I'm thirsty, kiss mo na lang ako." Nagpout pa siya na parang suso, ang kapal.

"In your -" Nagriring yung phone ko, buti na lang good vibes ang nagtext.

From: Jae Hyo Oppa

Mabuti na lang nakahanap ako ng time magtext, i'll call you later okay? I love you...

Kyaaaaaaah! Feeling ko tuloy napakaganda ko, tatawagan niya ako mamaya? Ano naman kaya sasabihin ko? Ngayon pa lang kinikilig na ako.

"Anong tini-tingin-tingin mo diyan?" Kung makatingin naman kasi, parang papatay ng tao. Nakikibasa na nga lang ng text, may pa- 'fierce look' pang nalalaman.

"Kung nagseselos ka, sabihin mo lang." Hindi ko alam kung nagbla-blush siya o namumula sa galit, biniro ko lang naman.

"Assuming!" Nagmamadali siyang lumabas ng rooftop. Ako pa ngayon? Defensive much.

==========================

A/N: 180 degrees bow! Inyong pagpasensiyahan ang napaka-lame na part na ito. Naging super busy sa patong-patong na OJT-pasok sa school-gawa report.

Anyway, thank you sa mga votes at pag aantay ng next update..I lab yu veri mats!

Yung next chapter...haha!

-Han

Doctor Prince Charming Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon