Chapter 57: What? *part 1

483 18 5
                                    

HAE'S POV

"Appa! As in seriously, aattend tayo ng party? Yey partyyyy!" Ayan na naman si Bear, nakarinig lang ng party. Umagang-umaga ang ingay-ingay! Hindi tuloy ako makapagbreakfast ng maayos.

"Dr. Jang is our good friend, nakakahiya naman kung hindi tayo pupunta." Yeah, that Dr. Jang. Hindi naman siya yung may event, yung anak niya!

"Ilang taon na ba si Charlie, Appa?" Psh, interested si Omma. So Charlie pala yung pangalan ng anak nun. Whatever, hindi ako pupunta.

"21 na siya sa birthday niya." So what?

"Debut niya! Excited na talaga akong pumunta. Ano kayang ireregalo ko?" Gift wrap mo yung sarili mo Bear, magandang gift yun.

"Okay! Lahat tayo aattend, pati sina Jae Hyo, Hae at Aizie." Argh Omma!

"HINDI KAMI PWEDE." Sabay pa kaming nagsabi ni hyung, we hate boring parties.

"Mga anak, minsan lang naman yun eh." Ayan na naman si Omma sa pag-convince niya.

"Boring yung party na yun. Dito na lang kami ni hyung sa bahay." Hindi talaga talaga ako aattend.

"Anong boring doon eh ang daming tao Social gathering yun so dapat kumpleto tayo." Ma-challenge nga si Omma.

"Kapag umattend si hyung, aattend din ako." I'm very sure na hindi siya aattend.

He doesn't like parties at all. Kahit doktor siya, napaka-introvert naman. Mas gusto niyang magstay sa room niya, kaysa makisama sa mga ganyang party.

"Kahit ano man yang mga dahilan ninyo, my decision is final. Kumpleto tayong aattend ng party." Hmp kainis! May final word na si Appa.

"Hindi umaattend ng mga ganyang party yung asawa ko. At tsaka hindi siya sanay sa mga ganun. Di ba, honeybunch?" Tinignan ko si Aizie. Kahit hindi ko pa itanong, im sure na hindi pa siya nakaka-attend sa mga ganun. Wala naman kasing party sa gubat.

"No problem! Starting tomorrow, patuturuan ko siya ng social gathering etiquette. What do you think?" Tinanong pa ni Omma si Appa. Hindi ko sila mapigilan!

"Good idea. Call Vanna, she knows what to do." Who's that Vanna?

"Oh yes Vanna! Ang tagal na rin natin siyang hindi nakita." Hmp! Kung sino man yung babaeng yun, siguradong panget siya.

•••••

AIZIE'S POV

Grabe naman! Anong tingin nila sa akin? Walang etiquette? Walang manners? Sa totoo lang kahit ako, ayoko ring umattend ng party.

"Noona! Excited ka na rin ba sa party?" Kasama ko si Yo-yong papunta sa school ngayon, may gagawin daw kasi sila. May duty naman si Hae Young kaya driver yung naghahatid sa amin.

"Bakit kailangan ko pa ng social gathering etiquette?" Nakakainis kasi, hindi ko naman kailangan yan.

"Ah yun ba? Tuturuan ka lang naman nun ng kilos-mayaman." What?

"Kilos mayaman? Sabagay iba kasi ang kilos naming mga mahihirap." Totoo talaga yung mga nasa drama, walang pwesto kaming mga mahihirap. Sa kilos pa lang namin, iba na pala sa mga mayayaman.

"Hindi naman sa ganun. Uhmm let's say, para kang umattend ng party kasama ang mga artista, multimillionaire at mga royalties. Ganun kasosyal yun! Kaya nga ayaw pumunta nina hyung eh." Sosyal nga yung mga ganun.

"Hindi na ako sasama. Hindi ako para doon." Simpleng tao lang naman ako, yung mga ganung event, hindi para sa akin.

"Ano ka ba! Kahit ako ayoko rin pumunta." Lumapit siya at kumapit sa braso ko.

"Kaya lang ang sasarap ng mga pagkain buffet! Isipin mo na lang kung gaano karami yung mga pagkain doon. Magpaparty yung tummy natin yey! Aww, nakapila silang lahat sa harap natin tapos lahat sila kakainin natin. Parang ang hirap-hirap namang magdecide kung anong uunahin." Nagniningning pa yung mga mata niya, sineryoso talaga yung pag-iimagine.

"Pagkain na naman yung nasa isip mo." Hinawakan yung mukha niya at niyugyog. Tuwang-tuwa naman siya sa ginagawa ko, baliw talaga itong lalakeng ito.

Bumaba na kami sa tapat ng school campus. Sasamahan ako ni Yo-yong sa classroom ko, ang bait!

"Sa tingin mo, ano kaya yung mga pagkain sa party?" Hanggang dito ba naman? Tinignan ko siya at parang nabasa niya yung nasa isip ko, natawa siya eh.

"Ang tagal-tagal naman kasi bago mag next week." Pasakay na kami sa elevator nang may napansin ako sa loob.

"Hyung! Akala ko duty mo, bakit ka nandito?" Sumakay na si Yo-yong kaya sumunod na rin ako.

"Hi Yo-yong! May gagawin kasi kaming research ni hyung mo kaya hindi ko muna pinag-duty. " Nakakapit pa siya kay Hae Young, hindi naman mawawala yan.

"Oppa sorry talaga kanina ah, nakisabay pa ako sayo." Sinabay niya si Janella? Tama ba narinig ko? Siguro kaya hindi niya kami sinabay ni Yo-yong.

"Okay lang yun, gusto mo mamaya ipaayos na natin yung car mo?" Wow, sasamahan pa niyang magpaayos ngayon.

"Mukhang marami kayong gagawin ngayon ah. Sige Hae Young samahan mo muna siya, magpapahatid na lang kami sa driver mamaya." Pagbukas ng elevator, hinila ko si Yo-yong palabas. Tumakbo ako ng tumakbo hanggang makarating sa classroom namin.

"Noona, anong problema?" Sinundan pala niya ako ni Yo-yong dito.

"Problema? Wala naman." Nilagay ko sa katabing upuan yung bag ko. Dito na lang ako sa may third row uupo.

"Eh bakit ganun yung sinabi mo kay hyung?" Inayos ko yung upo ko at tinignan si Yo-yong.

"Hindi ba obvious? Hindi niya sinabi sa ating pupunta rin siya dito! Pwede naman niyang sabihin yun eh." Wala namang problema kung hindi siya pupunta sa duty niya eh. Isa pa, hindi niya kami sinabay ni Yo-yong, pero si Janella sinabay niya.

"Ano ba yung kinagagalit mo? Yung hindi sinabi ni hyung sayo na hindi siya magdu-duty, o yung kasabay niya si Janella?" Hindi ko alam.

"Don't tell me pinagseselosan mo si Janella." Ako?

"Bakit ko naman pagseselosan yun? Pagbuhulin ko pa sila nung impakto eh!" Bagay na bagay pa naman sila.

♥♥♥

A/N: Sobrang sorry talaga! Shems I don't know what to say, ginutom kasi ako ni Yo-yong eh haha! Sana matanggap ninyo ang apology ko UD...

Miss ko na yung reaction ninyo! Comment na po ahaha :p

Thank God at on track ko na uli now yung story. Sana magtuloy-tuloy na...

Salamat sa walang sawang comments ang votes.

-Han

Doctor Prince Charming Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon