Chapter 48: That Should be Me

597 18 6
                                    

HAE'S POV

"Kailan pa?!" Wow, sinigawan niya ako? Di nga?

"Bago siya manligaw sayo. At tsaka, type mo naman siya di ba?" Kinikilig ka ngang amazona ka kapag nagte-text siya.

"Matutulog na ako, goodnight." Inayos na niya yung laptop niya. Binuksan niya yung pintuan at pumasok si bear.

"Tapos na kayong mag-usap? Dito ako matutulog goodnight noonaaaaa." Hindi siya pinansin ni Aizie.

Problema nung babaeng yun? Nagsabi lang naman ako ng totoo eh. Matutulog nga pala dito si bear, kasama pa yung teddy bear pillow niya.

"Goodnight hyung." Binuksan niya yung bedside lamp ko, automatic na namatay yung room light.

"Yo-yong bear, sinong may sabing pwede kang matulog dito?" Hindi niya ako sinagot. Kung hindi lang kita kapatid Seung Young Lee! Nagpout na lang ako, kaasar kasi.

Nakakaantok na, tinanggal ko na yung t-shirt ko at nilagay sa bedside table. Kinuha ko yung remote aircon at nilakasan.

I guess, it's time to say goodnight.

••••••

"Hindi nga?! Pinasama lang tayo ni Jae hyung dito sa date nila ni noona, para lang bantayan sila?!"

"Seung Young, ilang beses ko bang sasabihin sayong 'oo' maniwala ka lang?" Nagcross-arms akong lumayo sa kanya.

Kay kulit naman kasi ni Yo-yong bear! Kahit nandito kami sa cemetery ngayon, iiwan at iiwan ko talaga siya. Mamaya pa niyan, may makita pa akong hindi kanais-nais. Takot pa naman ako sa mu-

"Awooooh! Aw-aw-awooooh!" Tinignan ko ng masama si bear, nginitian niya ako at sinabayang maglakad. Nakita na naman niya sigurong nagulat ako.

Ngayon lang ako nakakita ng 'date in cemetery'. Si amazona kasi, namiss raw niya yung papa niya kaya pupuntahan niya. Since plano ni hyung na mag-date sila, sinamahan niya si amazona dito. Kami naman ni bear, bantayan raw namin 'sila'. The heck! Sa tingin ba niya may kakilala kaming pupunta dito? Alam ko every November pumupunta yung mga yun HINDI JUNE.

Nagplano pa sila ng picnic kaya nagbaon rin kami ni bear. Kalalakad namin nagutom na ako, ang init-init pa naman baka mangitim ako.

"Kain tayo dito." Umupo kami sa gilid ng puno. Shady yung place tapos tamang-tama lang para makita sina hyung.

"Kain naaaa!" Nilagay ko yung daliri ko si gitna ng closed lips ko. Mamaya niyan marinig pa kami.

Buti pa si hyung, pinakilala na siya ni amazona sa appa niya. Ako na employer, nagpapa-aral, at nagpapashare ng room sa kanya, hindi. Actually wala naman akong pakialam doon, pero ewan. Parang gusto ko rin nung ginagawa nila ngayon. Gusto ko ring maki-picnic doon sa grave.

"Hyung, bakit naka-pout ka diyan? Gutom lang yan." Inabot niya sa akin yung doshirak (Korean-style bento).

Pinanonood ko silang kumain ngayon. Nagkukwentuhan sina hyung at hindi ko alam kung tungkol saan, basta nagtatawanan sila.

Sana laging ganyan si amazona, lagi siyang masaya. Ang cute niya kasing tignan kapag masaya siya. Ang swerte niya, napapatawa siya ni hyung. Hindi katulad ko, nagkakawrinkles lang yung noo niya.

"Tissue?" Tinuro ko yung inaabot na tissue ni Yo-yong. Bakit naman ako binibigyan ng tissue nitong batang ito? Hindi pa nga ako kumakain eh.

"Umiiyak ka kaya." Pinunasan ko yung eyes ko. Oo nga, bakit ako umiiyak? May nakakaiyak ba?

"Ikaw ah, nagseselos ka noh?" aba't!

"Anong ikaseselos ko?" Wala akong karapatang magselos kasi hindi naman kami. Employee ko lang siya at may rule kami- never.fall.in.love. Kakain na nga ako, hindi ko na sila titignan.

Pagkatapos naming kumain ni Yo-yong, nakita kong umalis muna si hyung. Bakit niya iniwan si Aizie?

"Bear umalis si hyung. Sundan mo dali!" Tinutulak ko na yung balikat niya, ayaw pa ring umalis.

"Tara na!"

"Hindi kita pwedeng samahan ano ba! Babantayan ko pa si Aizie." Sinundan niya si hyung ng walang nakakakita. Saan naman kasi pupunta yun? Iniwan niya yung ka-date niya.

Ngayon nakatingin ako sa amazona, ang layo-layo niya. Tahimik siya habang hinahawakan yung tombstone ng Appa niya.

Naramdaman ko na naman yung irregular heartbeat ko. Kasi naman eh! Hindi ko na pwedeng maramdaman ito, kahit kanino. Dati, dahil dito nasaktan ako, paano pa kaya ngayon?!?

Hae Young Lee, yan yung nililigawan ng cousin mo. Kahit hindi uso ligawan sa vocabulary mo, tanggapin mo nang nanliligaw yung pinsan mo. Inuulit ko, NILILIGAWAN YAN NG PINSAN MO KAYA PLEASE PIGILAN MO YAN HEARTBEAT NA YAN! Magkakaproblema pa tayo diyan sa fake wife mo, tandaan mo NEVER.FALL.IN.LOVE.WITH.HER!

Spank, spank, spank- ouch! Ang sakit naman ng pagkakasampal ko. Tingin-tingin, good! Very good, walang nakakita nung pagkakasampal ko sa sarili ko. Ang sakit naiiyak na tuloy ako.

Woah! Wait, kanina hinawakan niya lang yung tombstone. Ngayon, umiiyak ba siya? Nakapagpa-surgery naman na ako for my blurry eyes, look closely.

Confirmed, she's crying! I can see those tears flows down her cheeks. Mapunta- bad idea. Kapag pinuntahan ko siya, malalaman niyang binabantayan namin sila!

Kailangang may mag-comfort sa kanya siya, but its not me. It's him. Tinawagan ko siya para puntahan niya si Aizie.

Hyung! Puntahan mo na agad siya. I can't stand to see her cry, kasi napaiyak ko na siya dati. Ayoko nang maulit yun, I feel sad too. Kapag nakikita ko siyang umiiyak, argh! Sinuntok ko yung punong nasa harap ko.

At last dumating na rin siya! He wiped Aizie's tears and hugged her. She hugged him back too.

"Hyung! May sugat yung-" Kinuha ni bear yung wounded hand ko.

"Seung Young let's go." Nilayo ko yung kamay ko sa kanya at naglakad.

"Hyung."

"I said let's go. Wala namang ibang tao, hindi na nila tayo kailangan."

"Hae hyung, sabi ni Jae hyung di ba bantayan natin sila? Wag mo na lang silang tignan kung nagseselos ka."

"Nagseselos?"

"Eh bakit kasi naiiyak ka na diyan?"

Hindi ko na sinagot yung tanong niya. Dapat ngayong maaga pa lang, iwasan ko na si Aizie, masama ito eh. Sobrang sama.

★★★★★

Hey hey hey!

"Mianhae mianhae hajima

Nega chorahe jijana

palgan yepun ipsulo

oso narul jugigo ga

Nanun gwen chana"

Ay! Ano ba yan napakanta na ako ng Eyes, Nose, Lips ni Taeyang. Kasi naman, kahit ako naiinis na rin sa self. Paano naman kasi, pinag-antay ko kayo ng matagal tapos konti pa yung chapter. Natagalan rin yung pag-update kasi, I dunno. Eto na naman yung feeling na hindi ako makasulat. I guess I should divide things (ano daw?). Kumbaga paghati-hatiin ko yung work sa school at sa story, walang focus eh T_T

Anong masasabi ninyo sa chapter na ito, I MISS YOUR COMMENTS NA T_T

-Han

Doctor Prince Charming Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon