Chapter 41: Those Magic Words

867 33 24
                                    

Chapter 41: Those Magic Words

AIZIE'S POV

"Good morning Noonaaaaa!" Hinila ako ni Yo-yong palabas ng kwarto. Excited ata siyang mag-breakfast ngayon?

"Nasaan sina Omma?" Dapat kanina pa sila nandito, ang lungkot tuloy tignan ng lamesa.

"Si Omma nasa Haelie's bakeshop. Si Appa may work sa ospital, yung dalawang old man umalis."

"Old man?! Ikaw ah, isusumbong kita!" Tumawa kaming pareho.

"Eh totoo naman, older sa akin sina Hyung, kaya ang tawag sa kanila old man." Nag-explain pa talaga siya!

"Mamaya marinig ka nila kakaganyan mo." Umupo kami nang magkatabi, ang pwesto niya kasi sa kabilang side. Mukhang naintindihan niya yung facial expression ko.

"Dito muna ako pleeeease? Tayong dalawa lang naman kakain." Wala na akong nagawa sa kanya. Okay lang naman sa akin, love ko naman siya eh. Little brother na rin turing ko sa kanya.

"Eh paano noong wala pa ako, eh di ikaw lang kumakain mag-isa kapag wala sila?" Sinerve na sa amin yung food, siya unang kumuha ng rice.

"Nope. Nagpapasundo ako sa mga friends ko, tapos nakikikain sa kanila. Kapag naman uuwi na ako, nagpapasundo ako kay Jae Hyung." Kumuha na rin siya ng juice at nilagyan yung baso namin.

"Ang sweet naman ni Oppa." Kumuha ako ng sunny side up and longganisa.

"Of course! Wala naman si Hae Hyung dati." Dinagdagan niya yung rice niya, nangalahati na yung malaking lalagyan.

"Alanganin na siguro nakakauwi si Hae Young kaya si Oppa na lang." Iresponsableng kuya!

"Wala kasi siya dito. Pag-graduate niya ng highschool, nagpunta na agad siya ng States. 19 siya tapos ako, 12 lang nun."

"High school graduate! Paano siya nakapunta ng States? Ang galing naman niya!" Halos mabitawan ko na yung hawak kong tinapay!

"1 week lang siya dito sa bahay simula nung galing kami sa Korea tsaka siya umalis. Ang alam ko student visa gamit niya. Galit na galit sa kanya si Appa, hindi kasi nagpaalam sa amin. Ayun, nung umalis siya, wala nang pakialam sa kanya si Appa. Winithdraw naman niya lahat ng pera sa bank accounts niya. Alam ko namang ginawa niya yun kasi gusto niyang mawala sa track ni Appa." So yun pala yun. Walang ibang gusto si Hae Young kundi freedom niya.

"Ano ba naman yang kuya mo! Bata pa lang, rebelde na." Kumuha na rin ako ng rice at ketsup.

"Ayaw niya kasing kino-control siya. Gusto niya, siya nasusunod sa buhay niya." Kumuha naman siya ng ketsup at longganisa.

"Pero minsan, kailangan niya din ng guidance." Lalo na't isip bata yung impaktong yun!

"Hindi niya naiisip yun! Feeling niya, nangingialam ka na pag ganun." Huh?

"Ikaw na nga concern sa kanya, ikaw pa masama! Napakaimpakto pala ng lalaking yun eh!" Kung nandito lang siya, kakalbuhin ko yun ng hindi oras!

"Wala tayong magagawa, si Hae Young Lee siya eh. Buti pa si Seung Young Lee, mabait." Nag-smile siya sa akin with peace sign. Nakurot ko tuloy yung pisngi niya, ang cute kasi!

"Noona naman eh!" tinigilan ko na yung pag-kurot ko. Mukha na siyang may blush-on! Lalo siyang naging cute!

"Kain na tayo ng mabilis tapos date tayo." Halos mabulunan ako sa sinabi niya! Date? MAGDE-DATE KAMI NI YO-YONG?!?!

Doctor Prince Charming Where stories live. Discover now