Chapter One

18.5K 220 1
                                    

"Cha-Cha, my friend!" Tuwang-tuwang niyakap siya ni Jane na biglang sumulpot sa opisina niya.

"Anong nangyari? Nanalo ka sa lotto? Jackpot?" Tumatawang tanong niya dito.

Bumitiw si Jane sa kaniya. She clasped her hands and giddily hopped. "Nagpropose na sa akin si Dash kagabi. In two months time, ikakasal na kami! At siyempre, ikaw ang maid of honor ko. At si Nat-Nat ang ring bearer!"

"K-kasal? Ikakasal na kayo ni Dash at ako ang maid of honor?" Gulat na gulat na tanong niya.

"Para kang sira sa reaksyon mo. Natural, ikaw ang maid of honor. Si Jem, tatanungin ko pa kung papayag siya."

Huminga siya ng malalim. Ito na nga ba ang kinakatakutan niya kapag nagkaroon ng happy ending ang kaibigan niya, masasabit siya sa alanganin. Pagkatapos ay ring bearer pa ang anak niya. "Magkakaroon ba ng mga practice? Pupunta ba ang mga kaibigan ni Dash?"

"Oo sa parehong tanong. Pero isang araw lang ang practice before ng kasal dahil busy ang mga kaibigan ni Dash. At sa pangalawang tanong, oo, pupunta sila sa kasal dahil best man sila."

Oh my! Tumango-tango siya at nagpalakad-lakad sa harapan nito.

"Bakit parang masamang balita ang pagpapakasal ko? Namumutla ka na." May pag-aalalang tanong ni Jane.

Hinawakan niya ito sa kamay. "I'm happy for you. Masayang-masaya ako dahil finally nagka-ayos na kayo ni Dash. Congratulations ! Huwag mo na akong pansinin."

Umiling si Jane at sumeryoso ito. "No! Hindi ito ang inaasahan kong reaksyon mo.  Nakikita ko namang masaya ka para sa akin pero parang may hindi tama sa initial reaction mo na para bang nagdududa kang ikaw ang kukuhanin kong maid of honor. Anong problema? May hindi ka ba sinasabi sa akin? May dapat ba akong malaman?" Umupo ito sa silya sa harap ng lamesa niya at naghihintay na tinitigan siya.

Huminga siya ng malalim, alam niyang persistent si Jane at magpupumilit talaga ito kapag may gustong malaman. Pero hindi niya alam kung paano sasabihin dito ang sikretong matagal na niyang itinatago at ang Mommy at Kuya niya lang ang nakakaalam.

"Naghihintay ako, Cha." Paalala ni Jane sa kaniya.

Muli siyang bumuntunghininga. "Nico Onofre."

Tumaas ang isang kilay nito. "Ano namang kinalaman ng kaibigan ni Dash sa usapan natin?"

"It was Nico Onofre. Siya ang tatay ni Nat-Nat." Mahina niyang bulong.

Napanganga si Jane. "W-what? Pero ang sabi mo'y hindi mo kilala ang tatay ni Nat-Nat! Paano nangyari ito?"

Umiwas siya ng tingin. "Mahabang istorya."

"Mahabang istorya? Ang sabi mo sa akin ay one-night stand lang ang dahilan kung bakit may Nat-Nat. Ano talaga ang nangyari?"

Nagkibit-balikat siya. "Actually, isang linggong pag-ibig."

Napailing ito. "I don't get it. Simulan mo sa umpisa para magkaintindihan tayo. Let me know so I can help you with this. Lalo pa at maghaharap kayo sa kasal ko." Wala na ang pagkagulat sa anyo ng kaibigan, sympathy at curiousity na lang ang nakikita niya sa mga mata nito.

"Masyado kasing kumplikado. Isa pa ay nasa ibang bansa ka kaya hindi ko naikwento sa'yo ng buo. Noong bumalik ka naman ay may problema si Jem at hindi ko na gustong makadagdag pa sa gulo lalo pa at konektado si Dash kay Nico. Naisip ko din na hindi na mahalaga kung sino ang tatay ng anak ko. I tried to forget and then just continued on my life. Hindi ko nga inaasahang magkikita pa kami."

Napailing muli si Jane. "Naguguluhan ako. Kilala mo si Dash, kailan mo pa alam na kaibigan niya si Nico? Nagkita na ba kayo? Nagka-usap?"

"Hindi ko sigurado kung kailan pa nagpupunta sila Dash sa Shadow Sky pero nabanggit niya noong nasa Japan kami na madalas sila doon ng mga kaibigan niya. Two years ago ko lang naman hinawakan ang Shadow Sky simula ng mamatay ang kuya ko at hindi naman ako madalas dito noong buhay pa si kuya. Nalaman kong magkaibigan si Dash at si Nico noong ipagbuntis ko si Nat-Nat.

RANDY's Sweetheart 02: Loving A Stranger (Somebody's Me)Where stories live. Discover now