Chapter Six

7.4K 145 0
                                    

"Oh! That's Mount Fuji? Fascinating!" Bulalas niya habang nakasilip sa scope. Kahapon ay galing sila sa Odaiba at iba na ang itinerary nila ngayong araw.

Nasa Special Observatory sila ng Tokyo Tower – na may 360 degree view ng Tokyo - ng mga oras na iyon na habang papalubog ang araw. Ang Tokyo Tower ay isang communications at observation tower dito sa Minato, Tokyo. Ang sabi ni Nico ay ipinattern iyon sa Eiffel Tower at may pinturang white at orange. Bago sila umakyat kanina ay naglibot din sila sa FootTown, 4-story building iyon na nasa baba ng tower kung saan may mga shops at mga restaurants.

May mga house museums din katulad ng Museum Tokyo at ang The Tokyo Tower Wax Museum. Mayroon ding open terrace na may playground at attractions para sa mga bata, aquarium, haunted rooms at iba pang souvenir and gift shops. Bago sila umakyat ng Special Observatory ay galing na sila sa Main Observatory kung saan ay may tinatawag na look down windows. It allows visitor to stand over a small clear window and look to the ground 145 m below.

Bago iyon ay nagshopping sila sa Mitsui Outlet, kung saan puro discounted ang tinda kaya marami siyang nabiling pasalubong. Pagkagaling doon ay dinala rin siya ni Nico sa Yokohama Red Brick Warehouse. Historical place daw iyon na ginawa ng shopping center ngayon at may mga restaurants din pero may kamahalan ang mga tinda. Well, tinawag siyang Red Brick dahil isa iyong malaking building na red. Matapos silang umikot ay sa Chinatown naman siya dinala ng lalaki kung saan may mga Chinese-owned/themed shops at restaurants ang nagkalat.

Ayon kay Nico ay may apat na gates iyon at ang sabi-sabi ay kapag nakumpleto mo ang apat na gates ay magdadala daw iyon ng good luck. Kaya naman kinaladkad niya si Nico para hanapin ang apat na gates. Sa kakagala nila ay masasabi niyang bilib siya sa transportation at disiplina ng mga tao dito. Nakapila ang mga tao habang naghihintay ng tren at hindi sila sasakay hangga't may bumababa pa. Lagi ring nasa oras ang mga train at ang mga buses naman ay aircon at nasa oras din lagi ang alis.

Magaganda ang mga trains nila at sinabi ni Nico na kapag winter ay may heater ang mga upuan ng mga tren. At ang mga train stations, karamihan ay mukhang mall or incorporated yung station sa mall. Napansin din niyang independent masyado ang mga tao, kahit maliit na bata ay pwedeng bumiyahe basta may Suica. At bilib din siya sa pagiging consistent ng mga Hapon pagdating sa oras. Bawal ang late at hindi ka makakalusot na iba ang setting ng oras mo dahil standard ang time nila na makikita mo sa mga malls, train stations at iba pang public area.

Bilib din siya sa kalinisan ng paligid dahil wala talagang nagtatapon ng mga kalat sa mga kalsada, super organize at segregated ang mga basura nila. Nasabi naman ni Nico na ang pinakabibiliban nito ay ang weather update dahil bawat oras daw ay may update at sobrang accurate at kahit ang weekly ay super accurate daw. Maplaplano mo talaga ang mga lakad mo.

Pero kung may inaayawan naman siya ay ang usapang hygiene. Nakasakay kasi sila ni Nico sa train at rush hour at hindi talaga niya makaya ang amoy sa tren. Nabanggit ni Nico na hindi naman daw kasi naliligo sa umaga ang mga Hapon, sa gabi lang. Mas malala daw iyon kapag winter lalo pa at malakas uminom ang mga Hapon. Napansin din niyang sanay at mabilis maglakad ang mga tao dito. Nasabi ni Nico na hindi daw uso dito ang mga hintayan at hindi sila palakaway kapag may nakitang kakilala maliban na lang kung sadyang may usapan kayo.

"Oo, kita nga diyan dito. Mamaya pumunta rin tayo sa Tokyo Skytree. Isa rin iyong broadcasting, restaurant, and observation na nasa naman. Itinuturing nga raw iyon na pangalawang pinakamatayog na structure sa buong mundo. Kakabukas pa lang noon pero fully booked na agad. Nagbook ako para dalhin si Mama pero hindi na nga nangyari." Sagot ni Nico.

Tumango-tango siya at iniba ang usapan para hindi na muling malungkot ang lalaki sa pagkakaka-alala ng Mama nito. Hinila niya ito palapit sa scope na hindi lumilingon. "Silipin mo, bilis! Ang ganda!"

RANDY's Sweetheart 02: Loving A Stranger (Somebody's Me)Where stories live. Discover now