Chapter Two

9K 169 1
                                    

Inilibot ni Nico ang paningin sa loob ng Amate-Raxi, isang Hip-Hop and R&B club kung saan siya naroroon ngayon. Maraming nightclubs ang naglipana sa paligid ng Shibuya pero out of compulsion ay dito siya pumasok. Lumapit siya sa lounge bar at umorder doon. Ang ingay ng lugar ang kailangan niya ng mga oras na iyon. He was silently nursing his second glass when he saw 'her'.

Nag-iisa ito at malayo ang tingin. She looked vulnerable. Hindi niya mapigilan ang mga mata na titigan ito. Her big rounded eyes looked sad and lonely. Mukha itong talunan. She had long black hair with golden highlights on it and with uneven bangs over perfectly shaped brows. Small pert nose and lips shaped like a bow. Lovely. Iyon ang summary ng description niya dito. Hindi niya alam kung saan galing ang kirot sa dibdib niya habang nakatitig sa babae. Gusto niyang pawiin ang anumang dinaramdam nito. Her sadness was making his chest ache. At hindi niya iyon maintindihan dahil isa itong estranghera. Bahagya siyang lumapit dito pero naunahan siya ng isang lalaki.

"Hi! Care to dance?" Narinig niyang tanong ng lalaki.

Sinimangutan ito ng babae. "No. Just leave me alone!"

Kumunot ang noo ng lalaki at hinawakan nito sa balikat ang babae. "C'mon, just a dance."

Pumiksi ang babae. "I said no! Can't you understand me?"

Tumiim ang labi ng lalaki at magsasalita sana ito pero mabilis siyang lumapit at sinubukang idiffuse ang sitwasyon. Hindi niya gustong makakita ng babaeng pinipilit ng kung sino. Sa pagkakatingin niya sa lalaki ay hindi ito titigil sa pangungulit. Kahit estranghera, basta babae ay hindi niya gustong mapasama o malagay sa alanganin at maagrabyado. "Sorry for the wait," umupo siya sa tapat ng babae at nilingon ang lalaking lalong napakunot-noo. "Is he bothering you?"

"You're with her?" Tanong ng lalaki sa kaniya.

Tumango lang siya at napatingin sa babaeng gulat na nakatingin sa kaniya. Nagtaas ng kamay pasuko ang lalaki at saka ito tumalikod. "Are you alright?" Tanong niya sa babae.

Tinitigan siya nito. "Are you picking me up like what he's doing? I'm not a whore, you know."

            Napalunok siya. That sad, sad voice. Wala sa sariling napahawak siya sa dibdib at hinimas iyon. His damn chest was aching too much. For her.

            Bumuntunghininga ito. "I'm sorry, I should say thank you."

            May kaputian ang babae pero alam niyang Pilipina ito. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin. Ni hindi pa nangyaring napipilan siya sa harap ng isang babae. He's always on the top, aggressive and confident. Pero ngayon ay hindi niya alam ang sasabihin dito. He cleared his throat. "Walang anuman."

            Tumaas ang kilay nito. "Pinoy ka."

            Tumango siya. "I'm Nico. Nico O-"

"Nope!" Singit nito. "Huwag mo ng sabihin ang buong pangalan mo. I like the anonymity of this situation."

Nagkibit-balikat siya. "Okay. Ikaw, sasabihin mo ba kahit ang first name mo?

"Yep, Claire. Just Claire."

Tumango siya. "Nice meeting you, Claire."

Bahaw itong tumawa. "Walang nice sa araw na ito," tumitig ito sa mga mata niya. "Looking at the frown in your face, it seemed you're here to forget as well, right?"

Muli siyang nagkibit-balikat. Nasurpresa siya na naramdaman din ng babae na may pinagdadaanan siya ng mga sandaling iyon.

"So?" Tanong muli nito.

Tumango lang siya.

"Great! Dalawang taong may pinagdadaanang problema ang magkasama." Walang emosyong wika muli ng babae.

RANDY's Sweetheart 02: Loving A Stranger (Somebody's Me)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon