Chapter Four

7.9K 157 2
                                    

"Hi, Ma. Kamusta? I have a friend with me. She's Claire," wika ni Nico sa puntod ng ina. Ipinatong nito ang dalang bulaklak doon saka umupo sa damuhan.

"Hello po," bati niya sa Mama nito at nag-indian sit siya sa tabi ng binata.

Nginitian siya ni Nico. "I think she sent you to me. An angel to help me get over the pain of losing her."

Maluwang siyang ngumiti. "Anghel? Ewan ko lang ha. May pagkamaldita ako, itanong mo pa sa Mommy ko at sa kuya ko."

Ngumiti ito. "Speaking of. Ikaw, anong ikukwento mo tungkol sa pamilya mo, sa buhay mo sa Pinas?"

Nagkibit-balikat siya. "Wala na akong father, namatay siya sa liver failure noong thirteen ako. Mommy ko at kuya ko na lang ang kasama ko. May-ari ang kuya ko ng club sa Manila, dinarayo iyon ng mga sikat na tao, tambayan nila." Proud niyang wika para sa kapatid na dugo't pawis ang ipinuhunan para mapaunlad at makilala ang club.

"Really? Anong pangalan?" Interesadong tanong ni Nico.

"Shadow Sky,"

Kumislap ang mga mata ng lalaki. "Before, I usually go there with my friends. What a small world."

"Hindi rin naman tayo magkikita doon dahil hindi naman ako madalas doon. May trabaho ako sa gabi."

"Anong trabaho mo?" Interesadong tanong ni Nico.

"Team Lead ako sa isang call center sa Makati."

"I see. And you're how old?"

"Twenty-three. Ikaw, kwento ka naman."

"Anong gusto mong ikwento ko?"

"Ikaw, kung anong gusto mo. Kung okay lang sa'yo gusto kong malaman kung bakit nagkahiwalay ang parents mo at napadpad dito ang Mama mo."

Huminga ito ng malalim at hinaplos ang nitso ng ina. "Masyadong ma-pride ang Papa ko. Hindi siya tumatanggap ng pagkakamali. And his pride cost me a mother. Ang akala niya, nanlalaki ang nanay ko. Hindi siya nakinig sa mga paliwanag ng mother ko. Nagbingi-bingihan siya at pinaniwalaan niya ang bintang ng ibang tao.

"Hindi gusto ng pamilya nila ang mother ko dahil mahirap lang ang mother ko at may ibang babaeng inerereto ang pamilya sa father ko. Anak ng business partner ng lolo ko. Pinalabas nilang niloloko lang ni Mama si Papa. Umupa sila ng lalaking magpapanggap na kalaguyo ni Mama at sa galit ni Papa ay pinalayas niya ang mother ko. I was just a baby then.

"Sumailalim ako sa DNA testing. Iyon ang dahilan kung bakit naiwan ako sa Papa ko dahil napatunayang anak niya ako. Habang lumalaki ako, naghahanap ako ng isang ina pero ang sinabi sa akin ay namatay ang mother ko sa panganganak sa akin. I never had a mother. Hindi ako trinatong anak ng madrasta ko."

"Nag-asawa uli ang Papa mo?" Ipinatong niya ang siko sa hita niya at nangalumbaba siya habang nakatitig sa lalaki.

"Yep, iyong gusto ng pamilya niya. Pero hindi niya ako gusto dahil anak ako ng babaeng sa isip niya'y umagaw sa atensyon ni Papa kaya hindi siya ang unang pinakasalan. Lalo pa siyang nagalit sa akin dahil hindi niya mabigyan ng anak ang Papa ko dahil may problema pala siya sa pagbubuntis."

Karma much. Iyon ang pumasok sa isip niya pero hindi na lang niya sinabi ng malakas. Man, she can really be a bitch sometimes. At kahit hindi niya pa nakikita ang madrasta ni Nico ay naiinis na siya dito. "Buhay pa ang step-mom mo?" Kakalbuhin niya. Tumango lang ito. "Hindi ka ba pinilit ng mother mo na kuhanin sa Papa mo?"

RANDY's Sweetheart 02: Loving A Stranger (Somebody's Me)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora