Chapter Five

7.5K 142 0
                                    

"Oh! Hello Kitty shop!" She can't help but exclaimed. Hinila niya si Nico papasok sa loob ng Hello Kitty's Kawaii Paradise, ang pangalan ng shop na iyon. Gusto niyang maglaway sa dami ng merchandise na nakikita niya. Nasa Venus Fort sila sa Palette Town sa Odaiba. Ang Odaiba ay isang malaking artificial island na intended dati bilang security fort pero ngayon ay shopping district at tourist destination na. Una nilang pinuntahan at nilibot pagdating ay ang Aqua City Shopping Center. Pagkagaling doon ay lumibot sila sa labas.

Sa tabi ng Aqua City ay ang Fuji TV station. Isa itong office and media tower na pinagdudugtong ng tatlong enclosed pedestrian bridges at mayroong spherical observation platform. Kasunod naman ng Fuji TV ay ang Diver City, isang malaking mall at shopping center kung saan may higanteng Gundam robot statue sa bukana. Sumilip din sila sa Panasonic Centre, isa iyong Science and Technology showroom. Pagkatapos nga ay pumunta sila sa Palette Town. Ang Palette town ay isang malaking shopping at entertainment complex kung saan naroroon ang Venus Fort, Toyota Megaweb, Tokyo Leisure Land at Daikanransha Rainbow Ferris Wheel.

Galing na sila kanina sa Tokyo Leisure Land, isa itong 24-hour video gaming karaoke at bowling complex. Nagpunta rin sila sa Toyota Megaweb, showroom iyon ng mga bagong sasakyan, may test driving area na open lang sa may mga Japanese Driver's License at may museum para sa mga old and antique cars. Pagkatapos ay dumiretso nga sila dito sa Venus Fort. Ang Venus Fort ay isang 18th century south European town-themed shopping mall. Pagpasok pa lang kanina ay humanga na siya sa grandeur ng lugar.

May isang malaking fountain kung saan ay may mga babaeng estatwang nakatayo at nakaluhod. Namangha din siya sa ceiling dahil imbes na normal na bato at semento ay ulap ang makikita mo kapag tumingala ka. It's like being outside though you're inside a room. Sa paglibot kanina ay nakakita siya ng Barbie Shop na ang tinda ay mga apparels at clothing lines para sa totoong tao. Pagkagaling nga doon ay itong Hello Kitty's Kawaii Paradise ang nakakuha ng pansin niya.

"Your favorite?" Tanong ni Nico.

"Oh yeah! So love Hello Kitty!" Bulalas niya.

Ngumiti si Nico at tumingin sa paligid. "Wait," saka ito humakbang sa kung saan.

Hindi niya ito pinansin. Nanlalaki ang mga mata niya sa dami ng nakikita niyang merchandise at kung pwede lang niyang bilihin ang lahat ay gagawin na niya. Umikot-ikot siya at naghanap ng pinakagusto niya dahil hindi naman niya pwedeng bilihin ang lahat ng nakikita niya. Hindi na niya namalayan ang oras kaya nagulat pa siya ng biglang magsalita si Nico sa tabi niya. Wala sa wisyong napatingin siya dito at napanganga siya sa nakita. Isang malaking-malaking Hello Kitty stuff toy ang iniaabot nito sa kaniya.

"For you." Nakangiting wika nito.

She giddily clapped her hands and smiled widely. Saka siya mabilis na yumakap kay Nico at mabilis na hinalikan ito sa pisngi. "Oh! Thanks so much! I love it!" Saka niya niyakap ang malaking stuff toy.

Natatawang hinaplos ni Nico ang buhok niya. "Dapat pala lagi kitang bigyan ng Hello Kitty stuff para lagi akong may kiss at hug."

Tumawa siya at sinilip niya ito mula sa pagkakayakap niya kay Hello Kitty. "Thank you talaga!"

"Anytime!" Maluwang ang pagkakangiti nito.

"Wow! Para na rin akong nakarating sa US nito ah!" Wika niya habang nagpapapicture sa replica ng Statue of Liberty. Dito sila pumunta pagkagaling sa Palette Town. Iniwan muna nila ang mga napamili nila kasama na ang Hello Kitty stuff toy sa kotse bago sila pumunta dito. "Bilis! Picturan mo ako!" Nagjump shot siya sa harap ni Liberty.

RANDY's Sweetheart 02: Loving A Stranger (Somebody's Me)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon