Chapter Eight

8.4K 165 4
                                    

Present Day

"Babalik ka na naman sa Tokyo?"

Napabuntunghininga siya sa sinabi ni Dash, kasalukuyan silang nasa Randy's Sweetheart, ang yate na pag-aari nilang limang magkakaibigan. Equal sharing sila sa Squadron 78 CUSTOM luxury yacht na ipinangalan nila sa initial ng bawat isa – R for Russell, A for Ace, N for his name, D for Dash and Y for Yael. It was the night before his flight tomorrow morning. "Don't worry, aabot ako sa kasal mo. Sa simbahan na ako didiretso pagbalik ko."

Napailing si Ace. "You've been doing that for four years without even knowing why."

"And that's the biggest mystery of your life. Malalaman pa kaya natin kung ano talaga ang dahilan ng pagbalik-balik mo sa Japan?" Tanong naman ni Russell.

Muli siyang napabuntunghininga at hindi sumagot. Tuwing sasapit ang June ay isang linggo siyang naglalagi sa Japan at pang-apat na taon na ngayon ang nakakalipas pero hindi pa rin niya alam kung ano o sino nga ba ang hinahanap niya doon. He's always coming back more empty and hollow than the previous year.

"Are you still having the dreams?" Tahimik na tanong ni Yael.

Napapikit siya at isinandal niya ang ulo sa rail ng yate. "Yeah, those damn nightmares. Hindi ko alam kung sino ba ang babae sa panaginip ko. Lagi ko siyang hinahabol, tinatawag pero hindi siya lumilingon, hindi ko siya maabutan kahit gaano ako kabilis tumakbo. Those recurring dreams never left me at all ever since I came back here."

"Ano ang sabi ng doctor mo?" It was Dash who asked.

"Nothing, no medication, no hypnosis that can make me remember what exactly happened four years ago," nagmulat siya ng mga mata at helpless na napatitig sa mga kaibigan. "Wala ba talaga akong babaeng ipinakilala sa inyo, nabanggit o kung ano pa man noong nasa Japan ako?"

"Ang huli mong sinabi ay noong mamatay ang Mama mo at nagpunta kami doon para sa libing," sagot ni Dash kasabay ng pag-iling nila Ace, Russell at Yael. "The next time we heard from you was after the accident."

Yeah, that damned accident one Sunday morning in Shibuya four years ago. Apat na araw siyang walang malay sa ospital at noong magising siya'y hinahanap niya ang Mama niya. Only to found out that his mother died almost two weeks ago. Hindi niya iyon alam, hindi niya iyon maalala pati na ang lahat ng nangyari pagkatapos noon. Everything was wiped out in his memory.

After a series of test, he was diagnosed with Lacunar Amnesia due to a severe head injury. Ang Lacunar amnesia ay isang selective na pagkawala ng memory tungkol sa isang specific na event ng buhay ng isang tao. It is a type of that leaves a gap in the record of memory where certains areas of the head are traumatized. Kasama sa maaaring makalimutan ay ang mga relationships, special talents and abilities, events like concerts and shows.

It creates blind spots and gaps or holes. Nakalimutan niya mga pangyayari matapos ang pagkamatay ng Mama niya. It was that traumatic emotion that his mind tried to forget. Masyadong masakit sa kaniya ang pagkamatay ng Mama niya. His mind was trying to shield him with that pain according to his doctors. It made sense lalo pa at twenty eight years niyang pinanabikan ang ina pero isang taon lang niya itong nakasama bago ito mamatay.

"Akala ko, ang pagkamatay lang ng Mama ko ang nalimutan ko pero hindi ko alam kung sino ang babae sa panaginip ko. And it was making me crazy. Pakiramdam ko ay hindi ko maipagpatuloy ang buhay ko dahil may isang bagay akong iniwan at kailangang balikan." Iniuntog niya ang ulo sa rail at muling mariing napapikit. "This sucks, you know." Hinaing niya.

RANDY's Sweetheart 02: Loving A Stranger (Somebody's Me)Where stories live. Discover now