Chapter Two

7.4K 139 17
                                    

Grace

            "Congratulations, Mrs. Wong!" Tuwang-tuwa akong nakipagbeso kay Leslie. Araw ng kasal niya ngayon. Ginanap ang kasal niya at ng ngayon ay asawa na niya na si Thomas Wong sa Four Seasons Hotel Hongkong. Nirentahan nila ang Four Seasons Grand Ballroom na may capacity na halos walong daang katao, tamang-tama lang para sa three hundred guest lists nila Leslie at Thomas. Mayroon itong wall-to-wall windows na tanaw ang panoramic views ng Victoria Harbour at Kowloon.

            Napakaganda at elegante ng ornate décor ng ballroom, pillarless ito at may mga chandeliers at wall scones. It was a beautiful wedding. Masaya ako para kay Leslie. Sa wakas ay nakahanap na rin siya ng lalaking makakasama niya hanggang sa pagtanda. Isang lalaking tumanggap sa kaibigan ko sa kabila ng lahat ng nakaraan nito. Halos limang taon na rin silang magkasintahan kaya plinano na nila ang kanilang kasal. Close na rin naman ako kay Thomas dahil ilang beses na rin namang siyang dinala ni Leslie sa Pilipinas para ipakilala sa akin. "I'm so happy for you. Sabihan mo kay Thomas na huwag ka niyang paiiyakin, kung hindi lagot siya sa akin."

            Malakas na tumawa si Leslie. "Naku! Alam na niya iyon! Matagal mo na siyang pinagbantaan, una mo pa lang siyang nakilala."

            "Dapat lang, 'no!" Maluwang ko siyang nginitian. "I wish you all the best in your marriage."

            Nginitian niya ako saka siya mahigpit na yumakap sa akin. "Masayang-masaya ako ngayong araw na ito. Gusto ko rin sanang maranasan mo ang kaligayahang nararamdaman ko ngayong araw na ito."

            Gumanti ako ng yakap sa kaniya. "Ano ka ba? Kasal mo ito, huwag na ako ang isipin mo."

            Naramdaman ko ang pag-iling niya. "Sorry, huwag mo na akong intindihin. Medyo emosyonal lang ako." Binitiwan niya ako at saka tinitigan. "Pero gusto ko lang na siguraduhing okay ka lang na maiwang mag-isa dito sa Hongkong?"

            Tumango-tango ako. "Don't worry. Okay lang ako. 'Ala nga namang sumama ako sa Carribean Cruise ninyong mag-asawa!"

            Tumawa si Leslie at muling napailing. "Sabi ko nga eh. Pero kapag nagkaproblema, tumawag ka lang ha. Alam mo parehas ang number namin ni Thomas."

            Itinaas ko ang kamay ko bilang panunumpa. "Promise, anumang problema, mang-iistorbo ako sa honeymoon ninyo."

            Mukhang nakahinga ng maluwag si Leslie saka siya tumango. "Sige, aasahan ko iyan."

Russell

            "Thank you for your time. We appreciate it very much! We're excited to be working with you all." Punong-puno ng sigla akong nakipagkamay sa mga executives ng TV 3. Kakatapos lang ng business meetings ko sa kanila. Masayang-masaya ako sa itinakbo ng transaction namin. Nakangiti kong tinignan si G na nakikipagkamay din sa mga big bosses ng TV 3. The deal was closed. Ka-partner na rin namin ang TV 3 at excited na sila sa mga programs na ieexport namin.

            "It's nice to be doing business with you, Mr. Madrigal, Mrs. Collins." Nakipagkamay sa amin ni G ang may-ari ng TV 3 na si Mr. Joseph Cheung. "But I have to go. Today was my nephew's wedding and I still need to attend it."

            Mabilis akong tumango at yumuko. "There's no problem, Mr. Cheung. Please extend our best wishes to your nephew."

            "Thank you, thank you. Good bye!" Yumuko din si Mr. Cheung bago tuluyang umalis kasabay ng entourage niya. Naiwan kami ni G na parehas na maluwang ang pagkakangiti.

RANDY's Sweetheart 03: From Hongkong with Love (At Last!)Where stories live. Discover now