Chapter Four

5.9K 114 0
                                    

Grace

"Saan mo naman ako dadalhin ngayon?" Tanong ko kay Russell habang naglalakad kami sa Central Bus Terminus. Sumakay kami sa isang shuttle bus doon.

"We'll take one romantic peak journey," sagot niya noong makaupo kami at magsimulang umandar ang shuttle bus.

"Romantic peak journey?" Tinaasan ko pa siya ng kilay.

Tumawa si Russell. "Actually, that's what I saw in the ad. Maglilibot tayo sa Victoria Peak. Isa siya sa mga attraction dito sa Hongkong. Marami tayong makikita doon."

Tumango-tango ako. "Okay, bahala ka. Ikaw ang may alam dito. Sumusunod lang ako,"

"Don't worry. You'll enjoy the trip." Wika niya at kinindatan pa niya ako.

Napangiti na lang ako. Totoo talagang nag-eenjoy ako sa mga lugar na pinagdadalhan sa akin ni Russell. Kung ako lang mag-isa ay baka hindi ako makapamasyal, lalo pa at wala si Leslie. Baka mangyari na naman ang nangyari sa Macau na naging hudyat sa pagkakakilala namin ni Russell. Mahirap ng mahilo muli ako ng nag-iisa. Nagpapasalamat ako at may isang Russell na handang sumama sa akin.

Pagdating sa Garden Road Peak Tram Lower Terminus, bumili si Russell ng Peak Tram Sky Pass. Sumakay din kami sa Peak Tram na siyang daan para makapunta sa Peak. Na-enjoy ko rin ang pagsaky sa tram. Napakataas nito kaya kitang-kita ang natural wonders ng Hongkong. Una kaming dumaan sa Peak Tram Historical Gallery. Para itong isang time tunnel na napakaraming memorabilia mula19th at 20th century ang naka-exhibit, iyon ay ayon kay Russell.

Pagdating naman sa Peak Tower, napakarami doong mga restaurants, shops and entertainment venues. Dumaan din kami sa Peak Market at namili ako ng ilang pasalubong. Dinala din ako ni Russell sa Sky Terrace 428. Iyon daw ang pinakamataas na 360° viewing terrace sa Hongkong. At dahil din kay Russell, first time kong kumain sa isang restaurant na nasa mataas na lugar. We dined in an elegant and chic restaurant that offers a panoramic views of Central, Victoria Harbour and Kowloon because of its floor-to-ceiling glass walls. It was also a candlelit dinner. Romantic nga talaga katulad ng unang sinabi ni Russell.

Russell

"Ito ang Tsim Sha Tsui. Isa ito sa major tourist hub dito sa Hongkong. Maraming mga hotels, shops, museums at restaurants ang nakapaligid dito." I encompassed the area to Grace. Itini-tour ko siya sa Hongkong tulad ng ginagawa namin ng mga nakakaraang araw.

"Ano ang parang egg-shaped dome structure na iyon?" Turo ni Grace.

Nilingon ko ang itinuturo niya. "It's the Hong Kong Space Museum. More on interactive exhibits for astronomy and space science geeks,"

Tumango-tango siya at bahagyang sumimangot. "Mahina ako sa Science."

Napangiti ako sa reaction niya. She really is cute. Minsan ay natatawa ako sa sarili ko. Ni hindi man lamang pumasok sa isip ko kahit minsan na magiging tour guide ako ng isang babae. Isang babaeng wala akong anumang relasyon. Isang babaeng kasa-kasama ko sa pamamasyal bilang isang kaibigan. And that was a revelation for me. Hindi ko na nga alam kung ano pa ang mga bagay na puwede kong gawin para kay Grace. But not knowing what will happen next excites me for some reason.

"Ang ganda din pala dito. Malinis at napakalapit sa shore ng Victoria Bay," inilibot ni Grace ang paningin niya sa lugar. "Ano ang meron sa banda doon?"

I extended my hand towards her. I wanted her to take my hands, I didn't really know why. Hindi naman ako ang klase ng lalaki na touchy, pero pagdating kay Grace lagi ko siyang gustong hawakan. Grace is really showing me things I didn't know about myself. "Halika, puntahan natin."

RANDY's Sweetheart 03: From Hongkong with Love (At Last!)Where stories live. Discover now