Chapter Nine

5.8K 133 11
                                    

Grace

The day has finally came.

Ilang beses akong kumurap pero wala akong makita. Itinaas ko ang kamay ko at ikinaway-kaway ko iyon sa harapan ng mukha ko. Wala akong nakikita, nararamdaman ko lang ang paggalaw ng kamay ko. Naramdaman ko ang pag-agos ng mga luha ko. Akala ko ay kaya ko na, handa na ako. Pero ngayong nangyari na, pakiramdam ko ay pinagbasakan na ako ng langit at lupa. Mariin akong pumikit at napahagulgol. What did I ever do to deserve this? Ngayon ko napagtanto na napakalungkot mamuhay ng mag-isa sa mundong walang liwanag at walang kulay.

Kaya siguro laging naghahanap ang tao ng makakasama sa buhay. Ganoon nga yata talaga. May mga pagkakataong naghahanap ka ng companionship o pag-ibig, umaasang may kamay na hahawak sa 'yo. Having someone to hold your hand through the bad times, and to keep grasping it as you move toward the future together. Hanapin ang lugar mo sa mundo na matatawag mong tahanan. Na masasabi mong sa 'yo lang at walang ibang makakakuha.

Trying to find that one person you can call your own, who will stay beside you through it all. At matagal ko nang tinalikuran ang bagay na iyon. Alam kong tatanda akong mag-isa at walang kasama. I was really meant to be alone. Mag-isang mamumuhay sa isang madilim na mundo. Patuloy ang pag-agos ng mga luha ko pero hindi ko iyon pinupunasan. I was crying my heart out. Pagkatapos nito, hindi na ako iiyak. Haharapin ko na ang mundong pinaghahandaan ko. Noong malaman kong wala ng lunas ang sakit ko at tanging pagkabulag lang ang patutunguhan ko, nag-aral na ako ng lahat ng dapat kong malaman.

Sinaulo ko na ang pagkilos kahit walang nakikita. Naka-speed dial na rin ang number ni Leslie sa phone ko. Ang paggamit ng mga appliances sa bahay, pagkilos mag-isa, pagluluto at iba pa. Lahat ng kailangan kong malaman. Saulado ko na rin ang lay-out ng maliit kong bahay sa Pilipinas para hindi ako maaksidente sa pagkilos-kilos. I learned how to count steps and walk with a guiding stick. Pinaghandaan ko na iyon lalo pa at ang sarili ko lang naman ang aasahan ko.

May sapat na rin naman akong ipon para mabuhay hanggang sa pagtanda ko. Lahat ng iyon ay naplano ko na.Madali kong napag-aralan ang mga iyon dahil isa akong teacher ng mga bulag. Katulad ni Leslie, graduate rin ako ng Education. Imbis na magturo ako sa mga normal na paaralan, pumasok ako sa isang eskuwelahan ng mga bulag. Gusto kong makasama ang mga taong parehas ko ng kalagayan. And somehow, I'm getting my inspiration with them. Kahit pa nawalan man sila ng paningin, hindi naman noon nabawasan ang halaga nila sa mundo.

Ang pagdating ni Russell sa buhay ko ang isang bagay na hindi ko napaghandaan. I didn't mean to fall in love again. Pero nangyari pa rin. And that was the most painful part of all. Hanggang sa kahuli-huling sandali bago ako mawalan ng paningin, ipinatikim pa rin sa akin ng mundo ang isang kasawian. Pagkatapos kong hindi sagutin ang mga text at tawag ni Russell sa loob ng isang linggo, sumuko na rin siya. Sabagay, sino ba naman ang magtyatyaga sa isang katulad ko? Siguro ay napag-isip-isip niyang wala naman siyang mapapala sa akin, magiging alagain lang niya ako.

Inabot ko ang cellphone at kinapa ko ang speed dial ni Leslie. Voicemail niya ang sumagot sa akin. "Hi, Leslie, it happened. Babalik na ako sa Pilipinas." I saved my message and ended the call. Nangako ako kay Leslie na tatawagan ko siya, kahit saan pa siya naroroon, kapag nawalan na ako ng paningin.

Alam kong hindi niya ako gustong pauwiin ng Pilipinas at gusto niya ay malapit lang ako sa kaniya. Pero hindi naman iyon puwede lalo pa at tourist lang ako sa Hongkong. Nangako naman ako sa kaniya na kaya ko na ang sarili ko at siya ang unang-una kong tatawagan kung magkaroon man ako ng problema. Lumabas sa isip ko ang itsura ni Russell. And I knew that it was really goodbye for the two of us.

Russell

"Any luck?" Dash asked me.

Nagtaas ako ng paningin mula sa pagkakayuko ko sa cellphone ko. Nasa loob ng penthouse ko ang mga kaibigan ko. The gang was complete, even Yael who's living a hermit life was here for me. At labis ang pasasalamat ko sa kanila sa pagtulong nila sa akin sa paghahanap kay Grace.

RANDY's Sweetheart 03: From Hongkong with Love (At Last!)Where stories live. Discover now