Chapter Ten

6.6K 116 6
                                    

Grace

Hindi ako makapagsalita sa naging outburst ni Russell. Ito ang kauna-unahang pagkakataong nagtaas siya ng boses sa akin. Sa kabila noon ay nawala ang bigat sa dibdib ko. Pakiramdam ko ay nilipad ng hangin ang natitirang takot na nakabalot sa puso ko. Madami na iyong band-aid mula sa mga nakaraang sugat pero pinapagaling iyon ng bawat salitang naririnig ko mula kay Russell. Every word is a healing salve. Naramdaman ko ang banayad niyang paghaplos sa pisngi ko.

"Accept me, Grace and I promise you pure happiness. Hinding-hindi ka na rin kailanman mag-iisa pa. I will love and treasure you always."

Hindi pa rin ako makapagsalita. Bumibikig ang emosyon sa lalamunan ko at naramdaman ko na ang sunod-sunod na pag-agos ng mga luha ko. Naramdaman ko rin ng masuyong punasan ni Russell ang pisngi ko.

"I love you, Grace. I love you so much. You taught me how to love. Matagal na akong naghahanap ng pag-ibig na panghabang-buhay pero hindi ko iyon natagpuan sa mga babaeng nakarelasyon ko. That made me jaded in love. Hindi ko inaasahang makakatagpo pa ako ng isang pagmamahal na katulad ng nararamdaman ko ngayon. You made me smile and happy because of the simplest things in life.

"Ibinalik mo sa akin ang paniniwala ko sa true love. It's just not only little girls who dream about meeting their own prince charming. Lumaki ako sa mga magulang na punong-puno ng pagmamahal sa isa't isa at iyon ang dahilan kung bakit bata pa lang ako ay pinangarap ko ng makatagpo ng babaeng mamahalin ko ng habang-buhay. My own princess charming."

"Paano ang sasabihin ng ibang tao? Ng mga magulang, ng mga kaibigan mo?" I knew that's a weak argument. Kahit kailan naman ay wala akong pakialam sa sasabihin ng ibang tao. Pero hindi lang kasi ako makapaniwala na abot-kamay ko na ang kaligayahang matagal ko ng hinahangad. All I just needed to do is say yes.

"My parents are excited to meet you. My friends even helped me in searching for you. At wala akong pakialam sa sasabihin ng ibang tao. Ikaw lang ang importante. Will you accept me, Grace?"

Iniangat ko ang mga kamay ko at kinapa ko ang mukha ni Russell. "A-akala ko, hindi ko na mahahawakan ang mukha mo. Salamat sa paghahanap mo sa akin. Sorry sa pagiging duwag ko. At salamat din sa pagmamahal mo. Pakiramdam ko, ikaw na ang kapalit ng paningin ko. At buong puso ko iyong tinatanggap at ng walang pag-aalinlangan. Sigurado na kaya kong mabuhay ng walang nakikita pero hirap na hirap ako sa mga nakakaraang lingo na wala ka sa tabi ko." Pag-amin ko sa kaniya.

"Siguro, kaya ako iniwan at hindi tinanggap ng mga lalaking minahal ko noon ay dahil darating ka. Ikaw lang pala ang hinihintay ko. Ikaw ang inilaan sa akin, ang lalaking tatanggap at magmamahal sa buong ako, kasama na ang kapansanan ko. Mahal din kita, mahal na mahal. Lalo lang iyong tumindi ng mga panahong magkalayo tayo."

Hindi pa man ako tapos magsalita ay sinakop na ni Russell ang mga labi ko. I was suddenly delirious when his tounge touched mine and did a little dance of their own. The kiss suddenly went from timid to full blown erotic in seconds. He kissed me so wantonly, so intensely, full of need and full of love. At iisa lang ang pinakatamang gawin ng mga oras na iyon. And that was to kiss him back with equal fervor and equal fire.

He drew me so close against his body and my every curve securely fit in his every planes and edges. Russell was melting my bones with his every kiss and with his every touch. Natagpuan ko ang sarili kong tumutugon sa kaniya ng buong puso. I returned every kiss and every licks of Russell's mouth on me. And I can't really help the tremor of yearning that went through my body. Bahagyang lumayo si Russell sa mga labi ko. Ramdam na ramdam ko ang mabango niyang paghinga na parang umiihip sa buong mukha ko.

"Grace?" Mahina niyang tanong.

Tumango ako. Alam ko na ang gusto niyang sabihin kahit pa pangalan ko lang ang binanggit niya. I also wanted him. I want to consummate our love. And I only want to make love with him, only with him.

RANDY's Sweetheart 03: From Hongkong with Love (At Last!)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang