Chapter Six

5.2K 108 4
                                    

Grace

"Oh! Ang ganda!" Hindi ko mapigilang mapabulalas habang pinapanood ang fountain show sa main lobby ng Galaxy Macau. Sa labas pa lang ay humanga na ako sa lugar, para iyong napakaliwanag na kastilyo katulad ng sinabi ni Russell noong nasa St. Paul Ruins kami. The casino is breathtakingly magnificent. Parang kastilyo sa Disney world.

At noong pumasok nga kami sa loob ni Russell ay nagsimula na nga ang fountain show na nagaganap sa bawat oras. May isang malaking fountain sa gitna na paiba-iba ng kulay ang tubig sa saliw ng mga pamaskong kanta. Nagiging isang malaking roulette wheel ito. At habang tumatagal ay tumataas ang tubig at mula sa itaas ay may parang mga hanging displays na kumikislap na parang maliliit na diyamante ang pababa naman pasalubong sa papataas na tubig.

"Fortune Diamond ang tawag diyan," wika ni Russell. "It's a metaphor for wishing casino goers eternal luck and prosperity according to the designer. Just wait for the surprise."

Tumango ako pero hindi ko inaalis ang paningin sa fountain habang kinukuhanan ko iyon ng video. "Oh!" I just gasped. Iyon lang ang nasabi ko ng makita ko ang surpresang sinasabi ni Russell. Isang malaking diamond ang lumabas mula sa water fall, kumikislap at napakaganda noon.

"Beautiful, right?"

Wala sa sariling napalingon ako sa kaniya, nakatitig siya sa akin. His eyes were sparkling. Tinaasan ko siya ng kilay. "Bakit ka sa akin nakatingin?"

"Kasingganda ka ng diamond na iyon," seryosong wika niya.

Naiiling lang ako na napangiti. "Bolero!"

Tumawa lang siya, nang muli kong lingunin ang fountain ay pawala na ang diamond at pababa na ang tubig ng fountain. Parang gusto kong panoorin muli ang Fortune Diamond. Ang laki-laki at ang ganda-ganda ng diamond. Kaya nga siguro sinasabing girl's bestfriend ang diamond dahil sobrang nakakatulala ang kagandahan noon. Lalo na kung higanteng diamond ang ibibigay sa 'yo.

"Let's go. Doon naman tayo sa Wishing Crystals." Iginaya ako ni Russell sa kabilang banda ng lobby pagkatapos ng fountain show.

"Wishing Crystals?" Nilingon ko pa siya habang naglalakad kami.

"Yep. Maraming mga giant crystals na motion activated na nagflo-float sa isang pool ng tubig. May visual effects at music kapag may taong lumalapit. Nag-ooffer din daw iyon ng blessings ayon sa designer. There," turo niya pagkaraan sa mga naglalakihang crystal.

"Ang dami at ang ganda rin nila. Ang galing din ng designer nito. Puro pang-blessings ang sights dito, sabagay casino nga naman." Wika ko saka ako nagsimulang kumuha ng videos sa mga crystals saka ko ibinaling kay Russell ang video camera. "Punta ka doon sa ilang crystals, and then say cheese at kumaway-kaway ka sa video cam ko." Utos ko sa kaniya.

Tumawa lang siya pero sumunod naman sa utos ko. Maluwang siyang ngumiti at kumaway-kaway sa video. Hindi ko rin mapigilang mapangiti. Russell is too gorgeous for my peace of mind. Napakasarap niyang titigan, hindi nakakasawa. Masyadong kaakit-akit.

"Grace?"

Napakislot ako, nasa harap ko na pala si Russell at kumakaway-kaway pa siya sa mukha ko.

"You zoned out again." Wika niya.

Ngumiti lang ako. Tuwing matititigan ko si Russell ay talagang nagzozoned out ako. Katulala-tulala naman kasi siya. His build is so manly enough with his wide shoulder, compacts abs, lean hips and hard muscles. He was sensual, graceful, alluring. Yep, so manly, so yummy. Hindi ko mapigilang humagikgik. Naitakip ko ang kamay ko sa bibig ko. Para akong tanga!

RANDY's Sweetheart 03: From Hongkong with Love (At Last!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon