Epilogue

8.3K 230 34
                                    

Epilogue

Grace

"Russell?" Kinapa ko ang kama sa side ni Russell pero malamig na iyon na para bang matagal na siyang bumangon. "Russell?" Iginala ko ang mata ko sa loob ng kuwarto, wala man akong nakikita, nararamdaman ko naman ang presensya niya sa loob. It was the morning of the first night of us being husband and wife. Dahan-dahan akong bumangon at sumandal sa headboard. "Nasaan ka?"

"I'm just here, sweetheart." Naramdaman ko ang paghalik niya sa noo ko at ang pagtabi niya sa akin.

"Good morning..." kinapa ko ang pisngi niya at mahina ko iyong tinapik.

"I have never seen a more beautiful sight than you, Grace. I love you," wika niya.

Maluwang akong napangiti. Walang pinapalampas na sandali si Russell ng pagsasabi sa akin I love you simula ng magkaayos kami. Napakunot-noo ako ng marinig ko ang tunog ng gitara at hindi nagtagal ay pumailanlang ang boses ni Russell. Napahawak ako sa bibig ko. Kinakantahan niya ako! And he was singing me our wedding song!

At last...My love has come along...My lonely days are over...And life is like a song...Oh yeah yeah...At last...The skies above are blue...My heart was wrapped up in clover...The night I looked at you...I found a dream, that I could speak to...A dream that I can call my own...I found a thrill to press my cheek to...A thrill that I have never known...Oh yeah yeah...You smiled, you smiled...Oh and then the spell was cast...And here we are in heaven...for you are mine...At last...

Hindi ko mapigilang mapaiyak habang kumakanta siya. The words were so sweet they are melting my heart. Si Russell pa mismo ang pumili ng kantang iyon na sinabi niyang saktong-sakto para sa aming dalawa.

"Don't cry, Grace. Tapos na ang mga araw ng pag-iyak mo. I promise you that," naramdaman ko ang masuyong pagpupunas ni Russell ng mga luha ko. Kinapa ko ang kamay niya at mahigpit iyong pinisil.

"Ang ganda-ganda kasi ng pagkakakanta mo, tagos na tagos sa puso ko. Hindi ko alam na maganda pala ang boses mo."

Tumawa siya at hinaplos niya ang buhok ko. "May banda kasi kaming magkakaibigan noong college. Si Ace ang lead singer, paminsan-minsan ay nagba-back-up ako pero guitar talaga ang hawak kong instrumento."

Tumango-tango ako. "Hindi ko alam iyan ah. Siguro ang dami-dami ninyong fans. Lalo na siguro sa mga babae,"

Malakas siyang napahalakhak. "Hindi naman masyado," tumigil siya sa pagtawa. "I don't care how many fans I have before. You're the only fan that I want."

Muli akong napangiti. "Fan mo ako for life. And you are really the dream that I can call as my own. The spell was indeed cast and you are definitely mine as I am yours."

Naramdaman ko ang paghalik niya sa labi ko, saglit lang iyon at muli niyang hinaplos ang pisngi ko.

"Yes, I am absolutely yours." Bulong niya. "I love you so much, Grace. Mahal na mahal kita."

Yumakap ako sa kaniya ng mahigpit. Tinanggalan man ako ng paningin, habang-buhay man akong mamumuhay sa kadiliman, sigurado akong kahit kailan ay hindi ako bibitawan ni Russell. Magkasama naming haharapin ang bukas ng masaya at puno ng pagmamahal sa isa't isa.

At last, my love has come along. And it will be forever.

The End

Lace

RANDY's Sweetheart 03: From Hongkong with Love (At Last!)Where stories live. Discover now