Chapter 10

626 22 0
                                    

“Hi, Athena!” the cook greeted me when he saw me coming into the kitchen. I only wave my hand and smile at him.

I'm not in the mood to socialize with people, kasalanan 'to ni Sancho Etienne.

I go to the table where the workers eat and sit down. Wala pang kumakain, ako pa lang. Maaga pa naman kasi para mag lunch. Sancho kasi parang buang.

Tumayo ako at iniwan ang aking pouch sa upuan. The food is set out on a buffet, we're the ones who serve ourselves. Ang social naman kung may pa-waiter pa ta's free na nga 'yung food.

Pagkatapos kong mamili ng pagkain, bumalik na ako kung saan ako naupo kanina at nagsimula ng kumain.

Mabilis lang akong natapos kumain kasi wala naman akong gana. Napili kong tumambay nalang muna sa kitchen, magpapalipas ng oras. Ayaw ko pang bumalik sa itaas, thinking that they are still inside the office, I can feel the pang in my chest.

Oh, I can see Sancho Etienne coming towards me. Tapos na pala silang mag-usap though I doubt kung usap lang.

“You have eaten your lunch already,” he said, I can sense the sadness in his voice but I just shrugged it off. Tinanguan ko siya.

The staff greeted him and he just nodded, without taking his attention away from me.

“I was looking forward to eating lunch with you,” dagdag niya nang hindi ako nagsalita.

“Akala ko kasi sabay kayong kakain ng kausap mo kanina,” I said with bitterness in my voice.

“No, she left already.”

So kung hindi umalis, sila ang magsasabay? What am I? A second option? Sakit naman, pareng Sancho.

“Okay. Pupunta muna ako ng CR,” pagpapaalam ko.

Hindi ko na hinintay ang sagot niya at tumayo na. Hindi naman talaga ako pupunta sa Comfort Room, rason lang para takasan siya. I headed to the Elevator and I was directed to my table. What a tiring day. Gusto ko ng umuwi pero 5 pm pa ang out ko. 

Huminga ako ng malalim at sinimulan ko ng mag trabaho. I was busy scanning the documents when I realize that Etienne is in front of my table. Tiningnina ko siya.

“Do you need something?” I inquired, syempre kahit naiinis ako sa kanya ay boss ko pa rin siya. He shook his head kaya binalik ko nalang ulit sa ginagawa ang tingin.

“Are you okay?” concerned niyang tanong at tumango ako bilang sagot.

“You sure?” I nodded again without looking at him.

“Tell me when you want or need something, okay?” sabi niya at tumango ulit ako ng hindi siya tinitingnan. Nabalikatad yata. I'm the one who's supposed to say that 'cause he's the boss! But whatever.

Hindi siya umalis agad, nakatayo pa rin siya sa harap ko. Habang ako patuloy na nagbabasa kahit walang naiintindihan, pinipigilan ang sarili na tingnan siya. Wag marupok, Athena. Kayanin mo, gusto ka lang pero iba ang mahal.

Ilang minuto pa ay pumasok na siya sa office niya. Nakahinga ako ng maluwag, hindi na pala ako humihinga kanina eh.

I was about to read and focus again on the documents when the telephone rang.

“Make a cup of coffee for me?” hindi tuno ng nang-uutos. It was like he was asking for my permission if can make a coffee for him. Ang cute. Cute lang pero hindi ako marupok.

“Sure.” I ended the call.

Oh, ha! First time na ako ang nag end ng call. Good job, Athena!

Tumayo na ako at pumasok sa office. Without glancing at him, dumiretso na ako sa kwarto niya. I can feel his stare pero atapang ako.

Great Taste coffee 'yung tinimpla ko. No gatas with kape sa mainit na ulo ni County.

Pagkatapos kong mag timpla, lumabas ako. Lumapit ako sa kaniyang table at nilagay ang kape ng walang salita at walang lingon-lingon.

“Are you mad at me?” he asked, umiling ako.

“May i-uutos ka pa?” This time, tiningnan ko siya. Nagulat siya kaunti nang pag tingin ko sa kaniya pero ngumiti rin kalaunan.

Ba't ang hilig niyang ngumiti ngayon? Ahh, nakita niya pala 'yong Erish. Sabagay, nakakabuo kasi ng araw ang awra niya, akin lang 'ata pumapangit. Ang bitter dae ha.

“Wala.” he answered still smiling at me. Nakakabaliw ba kausap si Erish? Bakit siya ngumingiti! Nakakatunaw!

“Okay. Lalabas na ako.” I told him at tumalikod na.

“No. Stay, County.” Sancho Etienne said.

“Ayoko.” Lumabas na ako at dumiretso sa table.

Again, I focus on reading the documents to prevent thinking about Sancho Etienne's sudden changes.

5 minutes have passed, and the telephone rings.

“Make a cup of coffee, the usual one,” he commanded and ended the call afterward.

Ubos niya na ba 'yung tinimpla ko? Ang bilis ah. Tumayo na ako para gawin ang inutos niya. Gaya kanina, dumiretso ako sa kwarto, nag timpla, at bumalik na may dalang kape na request niya na hindi pa rin siya nililingon.

Tatalikod na sana ako ng hinigit niya ang kamay ko at hinila patungo sa sofa. Umupo siya habang nakatayo ako sa harap niya, hawak niya pa rin ang aking kamay.

“Why are you avoiding me, County?” mahinang tanong nito.

“Hindi kita iniiwasan.”

“Bakit ayaw mo akong kausapin? You won't even look at me.”

“Si Erish ang kausapin mo.”

“But she's not here.”

So kung 'andito si Erish, siya ang kakausapin at don't let anyone disturb us na naman? Ouch, ha.

“Call her then,” I said, sounds bitter. But I doubted if he can sense it, manhid siya eh.

Tinanggal ko ang nakahawak niyang kamay sa kamay ko at akmang tatalikod pero hinigit niya ulit ito.

Kung kanina ay hawak niya lang ang kamay ko, ngayon ay nakayakap siya sa bewang ko. Nakasubsob ang kanyang ulo sa tiyan ko. My heart thump so fast. Ang gulo-gulo mo Sancho Etienne!

“Love, why are you mad at me, hmm?” he sweetly asked.

What's with him today? Why is he so clingy?

“Itanong mo kay, Erish,” I mumbled for him not to hear it pero narinig pa rin niya.

Namula ako. He look at me without removing his hand in my waist, still hugging me. I can see that he is amused in what he heard. Shortly, his laugh echoed in his office.

“All this time you are jealous of Erish?” tanong niya habang pinipigilang humalakhak. Namula ako lalo.

“Masaya ka na niyan?” maktol ko. Pinilit kong tanggalin ang nakapalibot niyang kamay sa aking baywang.

“Seriously, love, you don't have to be jealous of my sister,” he laughed again.

My forehead crumpled. His what?!

Gano'n, nasaktan lang ako dahil sa maling akala? I even think that they are doing some horrid things!

Faultlessly Captivated  [Completed]Where stories live. Discover now