Chapter 4

51 2 0
                                    


"Ayy 'te hindi, ba't mo gagaslightin sarili mo? Siya ayaw magbigay ng label kaya anong inaancha niya dyan kung 'di siya unang naiisip mo pag kailangan mo ng tulong?" Pagrereklamo ni Lilo kay Cassiel.


"Di naman sa ganun—"


"Ahh—shhhhh" Agad na tinakpan ni Lilo ang labi ni Cassiel dahilan para 'di na ito makasagot pa.


"Isang gaslight mo pa sisindihan na kita," Sagot niyang muli na inirapan lamang ni Cassiel.


"Alam niyo sa mga ganitong bagay dapat ako yung kinukunsulta niyo. Tama ako 'di ba, Heidi?" Tanong niya na sinagot ko lamang ng pagkunot ng noo.


"Lasing ka ba?" Tanong ni Marion na ikinatawa lamang ni Lilo.


"Dami mo namang ingay Lilo," Natatawang pang-aasar ni Maru na inirapan lamang nito.


"Yabang mo naman, porket mukhang bagong bili yang t-shirt mo," Sabi ni Bless noticing his white printed shirt.


"Ano ka ba naman? Ako lang 'to," Sagot ni Maru na tinawanan rin nila.


"Saan tayo kain mamaya? Naiistress ako," Tanong ni Bless. Adapting med school is just so hard, weeks might have passed yet we're still confused and lost. Kaya naman every after class ginawa na ata naming coping mechanism ang kumain o magkape. Minsan sumasama ako dahil doon na rin ako nagdi-dinner.


Because aside from my problem with med school. I'm also having a dilemma with being independent. After years of being sheltered, this new environment is just so overwhelming. Tila ba nangangapa ako sa mga dapat kong gawin. I was too cultured at home that my only duty was to study and be a perfect daughter. That's why when I became independent, I didn't know any household chores.


Luckily, Maru is with me, he often cooks for our food and washes the dishes though 'di naman pwedeng lagi akong umasang siya gagawa ng mga yun.


Yesterday I volunteered to wash our dishes but ended up as disaster, nabasag ko lang yung mga baso at plato. Maru even joked na sa susunod magdisposable nalang raw kami.


"Pass may lakad ako," Sagot ni Maru dahilan para mapatingin ako sakanya na busy ayusin ang mga gamit niya. Walang magluluto ng dinner mamaya—Should I go?


"May lalakarin ako ngayon, sumama ka nalang sa kanila mag-dinner at baka mamaya wala na akong mabalikang apartment," Natatawang bulong niya na sinamaan ko lamang ng tingin.


"Una na ako," Sabi ni Maru nang makuha na ang gamit niya.


"Wag muna pre. Marami ka pang pangarap," Sagot ni Kane. Maru raised his middle finger and shoved it at Kane. When our eyes met, he immediately put his hands down.


"Alis na ako, ingatan niyo yang baby natin," Pang-aasar niya na sinamaan ko lamang ng tingin bago siya tuluyang umalis.

The Medicament RemedyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon