Chapter 4

30.4K 671 46
                                    

Chapter 4: Ulan

Dahil sanay gumising nang maaga, alas kwatro pa lang ay nakaligo na ako at handa na para sa araw na ito. Hindi nga ata ako nakatulog nang maayos sa nagdaang gabi. Marahil ay namamahay ako o dahil naiisip ko ang sinapit na kahihiyan kanina sa harap ni Dustine.

Kung bakit naman kasi doon pa ako pumasok sa banyo para sa mga babae. Nawala sa isip ko na lalaki ako at sa panglalaki rin dapat ako.

Pagkapasok ko ay may lalaki rin na umiihi doon. Nagkatinginan kami at isang tango lang ang iginawad ko bago nagkunwaring nasakit ang tiyan. Kinailangan ko umarteng ganoon ang sitwasyon para magamit ko ang inidoro sa cubicle. Hindi naman puwedeng umihi ako ng patayo ano!

Lumabas ako ng kwarto. Madilim pa sa buong mansyon. Nasisiguro kong tulog pa ang lahat. Maaaring may gising na pero hindi pa lumalabas ng kwarto.

Tahimik ang bawat yabag ko, takot na makagawa ng ingay. Mabuti na lang at bukas naman ang lampshade at kita ko ang dinadaanan. Hindi ko pa saulo ang pasikot sikot dito kaya posibleng maligaw ako.

Halos mapatalon ako nang may kumaripas na dalawang pusa sa harapan ko. Malakas ang kabog ng puso ko at mabuti na lang at hindi ako napasigaw!

"Itong mga pusang ito. Ang aga kung maglampungan. Pustahan bukas makalawa buntis na ang isa." bulong ko habang sinusundan sila ng tingin.

Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makarating ng kusina. Ngunit hindi pa man ako tuluyang nakakalalapit ay natanaw ko na ang makisig na bulto ni Dustine na nakasandal sa counter. Sa gilid niya ay naroon ang isang tasa ng kape.

Nakatalikod siya kaya naman hindi niya rin kita ang presensya ko. Mula sa gawi ko ay pansin ang pagkakakrus ng mga bisig niya at tila nakatingin sa kung saan.

Ang aga niya rin pala magising. Paano kaya ito? Magkakape na sana ako pero dahil nariyan siya ay mamaya na lang. Mas madalang na encounter namin, mas kaunti rin ang tyansa na mabuking ako.

Huminga ako nang malalim at maingat na tumalikod.

"You need anything?"

Isang hakbang pa lang ang nagagawa ko nang marinig ang baritonong boses niya. Nakagat ko ang labi at pumikit nang mariin. Huminga ako nang malalim saka unti-unting pumihit paharap.

Nakatalikod pa rin siya, tila napilitan lang ang magsalita dahil naramdaman ang presensya ko.

"S-Ser... magtitimpla lang s-sana ako ng kape." malaki ang boses na sagot ko.

Tumungo siya. Sandali lang 'yon bago tumunghay at bahagyang iginilid ang ulo dahilan para makita ko ang kalahati ng kaniyang mukha. Kahit sa malayo ay tanaw ang tangos ng ilong niya.

"Why don't you do it then?"

Paano ko ba sasabihin na mamaya na lang kapag wala na siya? Pero kapag sinabi ko 'yon ay baka kung ano ang isipin niya.

"Ayos lang po ba? N-Nariyan pa kasi kayo. Nakakahiya po sumabay sa isang amo." pilit na katwiran ko.

"I used to have my morning coffee with your uncle. I have no issue with my employees getting along with me as well," kaswal na sagot niya sa matigas na Ingles. "Depende na lang kung ikaw ang may ayaw na makihalubilo sa akin."

Tinamaan ako sa sinabi niyang 'yon. Pakiramdam ko tuloy ay nahahalata niya nang may itinatago ako sa kaniya. Hindi naman siguro. Baka paranoid lang rin ako.

Hilaw akong natawa. "Hindi naman po sa gano'n, ser. Medyo nahihiya lang po dahil bago pa lang ako dito. Masasanay rin po ako."

Nagkamot ako ng ulo, ramdam ang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa pinaghalong kaba... at estrangherong emosyon na ngayon ko lang naramdaman. Masiyadong nakakailang ang presensiya niya. Idagdag pang tahimik siya at bihira lang talaga kung magsalita.

Monasterio Series 7: The Dare Not To FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon