Chapter 19

28.9K 712 72
                                    

Chapter 19: Secretary

Hindi mapuknat ang ngiti sa mga labi ni Nanay habang pinagmamasdan ang malaking pera sa mesa. Ni hindi na rin niya kinuwestyon pa kung bakit ako tinanggal ni Dustine sa trabaho. Ang sabi ko na lang ay hindi niya nagustuhan ang serbisyo ko at naghanap na lang ng iba.

"Grabe rin talaga ang mga Monasterio kung magpasahod sa mga empleyado nila ano? Aba'y wala ka pa ngang dalawang buwan doon pero heto at pang isang taon pa ang ibinigay sa'yo!"

Wala akong maisagot. Hindi ko alam kung bakit bigla akong nawalan ng pakialam sa pera. Ang tanging nasa isip ko lang ngayon ay wala na ako sa mansyon at hindi ko na makikita pa si Dustine.

Napanguso ako sa naisip. Bakit ba kasi iniisip ko pa 'yon? Bakit hindi na lang ako maging masaya na may pera kami ngayon para magsimula ng negosyo? Isa pa, ang hirap magpanggap. Dapat nga ay magtatatalon ako sa tuwi dahil sa wakas, paalam piluka na ako.

"Hoy, Elianna! Bakit mukhang hindi ka masaya diyan? Kanina ko pa napapansin iyang pagkakatulala mo!" pukaw ni Nanay sa atensyon ko.

Nagkamot ako ng ulo saka bumuntonghininga. Nahiga ako sa sofa na yari sa kawayan at tumulala sa kisame.

"Medyo pagod lang ako, nay. Isa pa ay naisip ko na hindi naman magtatagal at mauubos ang perang iyan. Kakailanganin ko pa rin magtrabaho."

"Hindi ba nga at magtatayo tayo ng negosyo? Karinderya para siguradong patok! Pagkatapos ay magtitinda rin ako ng mga gulay, manok at isda."

"Puwede naman. Pahintuin n'yo na rin si Tatay sa pagiging construction worker at hayaan n'yong tulungan kayo sa negosyong sisimulan natin."

"At bakit ikaw ay hindi tutulong?"

"Maghahanap ako ulit ng trabaho, Nanay. Kahit paikutin n'yo ang perang iyan sa negosyo, dadating ang araw na kukulangin pa rin iyan."

Narinig ko ang paghinga niya nang malalim. "Ako ay may napapansin sa'yo simula nang umuwi ka mula sa mansyon ng mga Monasterio. Para bang malungkot ka."

Nilingon ko siya saka natawa. "Bakit naman ako malulungkot, nay? Hindi lang naman iyon ang puwede kong pasukan na trabaho. Kahit highschool lang ang tinapos ko, may tatanggap pa rin naman sa akin."

Hinila niya ang silya sa ilalim ng mesa at naupo nang hindi inaalis ang mga mata sa akin. Naningkit pa iyon at para bang may iniisip na kakaiba.

"Nararamdaman kong may itinatago ka sa akin, Elianna. Ikaw ba ay may pagsintang pururut doon sa boss mo?"

Natawa ako sa salitang ginamit niya. "Sintang pururut talaga? Wala, nay. Nanghihinayang lang naman ako sa trabahong iyon. Ibig ko sabihin ay wala akong ginagawa doon at petiks lang. Tapos biglang nawala sa isang pitik."

Ayaw ko sabihin sa kaniya ang tungkol sa naging alitan namin ni Dustine bago niya ako pinaalis. Alam kong sa mga sandaling ito ay nagugulahan siya at aaminin ko nang nanghihinayan ako dahil... bakla siya. Pero natutuwa rin na nagawa niyang mahulog sa akin.

Posible palang ang isang dating lalaki ay biglang magiging bakla? Pero sandali... ang sabi nila, mas malakas makiramdam ang puso. Hindi kaya naramdaman ng puso ni Dustine na babae ako kaya nahulog siya sa akin?

Ay, ewan! Ano pa man iyon ay hindi ko na rin dapat pang bigyan ng halaga dahil wala na ako sa Argao at hindi na babalik pa.

"Magpahinga ka na muna sandali sa trabaho at gamitin na natin itong pera sa puhunan. Huwag ka nang mag emote riyan." sabi ni Nanay na hindi ko na nagawa pang pansinin.

Sumapit ang hapon. Lumabas ako sa maliit naming gate ay mabagal na naglakad. Wala akong magawa sa loon ng bahay at naiirita lang ako na wala na akong ibang maisip kung hindi siya.

Monasterio Series 7: The Dare Not To FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon