Chapter 27: Ride
Hindi na naghiwalay pa ang mga labi namin ni Dustine kahit pa nang makalabas kami ng elevator. Mabuti na lang at walang ibang tao ang sumakay at nakakita sa amin.
"Give me your keys." bulong niya sa pagitan ng halikan namin matapos ko maramdaman ang pintuan sa mismong likod ko.
Slacks ang suot ko ngayon at sa bulsa ko lang inilagay ang susi ng condo. Madali ko itong naibigay kay Dustine at eksperto niyang naipasok sa seradura.
Nabuksan niya ang pintuan, hindi pa rin naghihiwalay ang aming mga labi. Itinulak niya ito at paatras akong pumasok habang mahigpit na hawak ang kwelyo ng polo niya.
Muli niyang sinipa pasara ang pintuan, ang mga kamay ay mahigpit na hawak ang aking bewang habang ang isa ay nasa likod ng ulo ko. Kontrolado niya ang galaw naming dalawa na tila ba ipinaparating niya sa akin na siya ang dominante.
Marahas akong napaupo sa mesa kung saan nakalagay ang ilang papeles na inuwi ko noong isang araw para sana trababuhin. Dumiin ang likod ko sa pader nang mas lumalim ang mga halik niya. Maging ang dila niya ay halos alisin na ang katinuan sa buong pagkatao ko.
Awtomatikong naglalagan ang mga papel sa sahig dahil sa likot naming dalawa na tila ba nagmamadali.
"Damn it. This turns me on so fucking much." napapaos ang boses na bulong niya.
Bumaba ang mga halik niya sa aking panga hanggang sa makarating ito sa leeg ko. Halos magkiskisan ang mga daliri ko sa paa nang maramdaman ang init ng dila niya na humahagod roon.
Naging mabilis ang bawat galaw ng mga kamay niya. Iniangat niya ang suot kong blouse at hinubad ito mula sa aking leeg. Itinaas ko mga kamay ko nang siya mismo ang mag-alis noon.
Nga lang, hindi niya tuluyang hinubad ang damit ko at nanatiling nasa mga palapulsuhan ko lang, tila iyon naging posas. Nakataas pa rin ang mga kamay, isinandal niya ito sa dingding bago ako madilim na tinitigan sa mga mata.
Tumaas ang gilid ng labi niya, gwapong gwapo sa ganoong ngiti. Itinagilid niya ang ulo saka ako pinatakan nang mainit na halik sa labi.
Bumaba iyon sa leeg ko hanggang sa makarating sa mismong dibdib. Tanging itim na bra na lang ang mayroon sa akin at ang slacks na suot ko.
Napasinghap ako habang pinapanood siyang hilahin pababa ang bra ko gamit ang kaniyang ngipin. Titig na titig siya sa akin dahilan para mag-init ang pisngi ko sa intensidad ng mga mata niya.
Lumantad ang dibdib ko. Kaagad iyon sinalo ng bibig niya at pinaglaruan ang tuktok. Hindi ko na naiwasan pa ang humalinghing nang maramdaman ko ang pag ikot ng dila niya roon.
Lumiyad ako, literal na walang makapitan dahil hawak niya pa rin ang mga kamay ko na siyang nakaangat pa sa pader.
"Dustine, iyong mga k-kamay ko..."
Pinagsawa niya ang bibig sa aking dibdib, nilalaro ito ngunit tila nagmamadali. Pakiramdam ko ay sinasadya niyang huwag bitawan ang mga kamay ko. Nang-aasar dahil alam niyang gustong gusto ko na siyang hawakan.
"Beg."
Marahan niyang kinagat ang dibdib ko, sa mismong gitna na mas lalo kong ikinaliyad.
"Ah! Dustine... p-please!" ungol ko matapos bumaba ng mga labi niya sa tiyan ko kasabay ng pagkakabitaw niya sa mga kamay ko.
Marahas niyang sinira ang slacks ko at hinubad iyon pababa kasama ang underwear ko. Kasabay ng pagkakabagsak ng mga damit ko sa sahig ay siya paghagod ng labi niya sa binti pataas sa hita ko.
Bago pa man ako makagawa ng reaksyon ay nasa pagitan na siya ng mga hita ko at marahang humahalik doon.
Humawak ako sa ulo niya, mas inilapit ang mukha niya roon lalo pa nang maramdaman ang kiliting dulot ng mga halik niya.
BINABASA MO ANG
Monasterio Series 7: The Dare Not To Fall
RomanceThe start of the third generation Monasterio Series 7: The Dare Not to Fall Walang ibang gusto si Elianna kung hindi ang maiahon sa kahirapan ang pamilya niya. Nga lang ay alam niyang hindi magiging sapat ang kinikita niya sa pamamasada ng tricycle...