Chapter 30: Shoes
Hindi pa kaagad ako iniuwi ni Dustine sa condo. Inakala kong ganoon ulit ang gagawin namin. Papasyal siya sa condo, magkakape at...
Huminga ako nang malalim sa naging takbo ng utak. Umaayaw pa ako nung una pero heto at iyon pa talaga ang pumapasok sa isip ko. Totoo ba talaga ang kasabihan na kung sino ang makauna sa babae ay iyon na ang hahanap hanapin niya?
Maaari. Siguro. Iyon ang nangyayari ngayon kaya malaki ang posibilidad.
Sa isang sosyal na restaurant niya ako dinala. Sa mga kulay gintong chandelier sa kisame, halata nang hindi basta-basta ang presyo ng pagkain.
"Wala akong ipangbabayad dito, ah? Inuunahan na kita." sabi ko nang maupo kami pangdalawahang mesa.
Ibinigay na sa amin ang menu. Isang hagod lang ng mga mata ko, alam ko na kaagad na masakit sa bulsa ang halaga ng mga pagkain.
Mula sa menu ay nahagip ko ang supladong tingin sa akin ni Dustine na para bang may nasabi akong hindi maganda.
"Hindi ko rin naman sinabing babayaran mo ang kakainin mo dito." supladong aniya.
Nagkibit balikat ako. "Sa susunod, sa mga mumurahin na lang. Mas trip kong kumain sa karinderya o kaya ay fast food. Gusto ko nga sana sa Jollibee."
"Fast food are unhealthy, Elianna."
Ibinalik ko ang menu sa waiter na nakatayo sa harapan namin.
"Minsan lang naman kakain at hindi palagi. Kuya, kahit anong rice meal po. Ikaw na ang bahala pumili."
Tiningnan ko si Dustine at tipid itong nginitian. Nakita ko ang paghinga niya nang malalim bago binalingan ang waiter.
"Glazed beef tenderloin and cucumber juice for her. Medium rare stake and kani salad for me."
Matapos ulitin ng waiter ang naging order ni Dustine ay tumalikod na ito. Tiningnan niya ako, malamig ang ekpresyon ng mukha kagaya ng kung paano ko siya nakilala at nakasama noon sa Argao.
"What food do you prefer in Jollibee?" tanong niya.
Wala na siguro siyang maisip na puwede naming pag-usapan kaya maging ang gusto kong pagkain doon ay itinatanong niya.
"Lahat. Pero pinakagusto ko doon ay 'yung chicken joy na spicy. Iyong may red flag?" natawa ako nang maalala ang lasa no'n. "Bihira ako makakain no'n nung wala pa akong trabaho. Pero masarap talaga. Nasubukan mo na ba?"
Tumango siya. "During my younger days. My mother used to bring us all in that food chain."
Tumango tango ako. Hindi ko pa alam kung ilan silang magkakapatid. Nawalan na ako ng pagkakataon na itanong 'yon kay Tiyoy Agapito.
"Ilan kayong magkakapatid?"
"Ten."
Namilog ang mga mata ko. Ganoon kadami?
"Wow," hilaw akong natawa. "Marami pala kayo. Ilan kayong lalaki?"
"Six boys and four girls."
"Ikaw ang pinakamatanda?"
Elianna, bakit may pa interview ka? Akala ko ba hindi ka puwedeng makipaglapit sa kaniya? Bakit ngayon ay may pa question and answer portion ka diyan?
Natawa ako lalo pa nang makita siyang titig na titig sa akin.
"Sorry, naparami ata ang tanong ko. Huwag mo na lang sagutin-"
"It's alright. I actually like hearing personal questions from you. It only means that I have your interest."
BINABASA MO ANG
Monasterio Series 7: The Dare Not To Fall
RomanceThe start of the third generation Monasterio Series 7: The Dare Not to Fall Walang ibang gusto si Elianna kung hindi ang maiahon sa kahirapan ang pamilya niya. Nga lang ay alam niyang hindi magiging sapat ang kinikita niya sa pamamasada ng tricycle...