Order my published books at WARRANJ SUAREZ MONASTERIO on Facebook.
—
Chapter 47
Jealous
Ngayon pa lang ay gusto ko nang umuwi sa bahay. Hindi ko alam kung bakit narito itong si Dustine. Sa reaksyon pa lang ni Lalaine kanina, nasisiguro ko nang siya ang nagpapunta kay Dustine dito.
Paano? Close na silang dalawa?
Bumuntonghininga ako matapos ibagsak ang sarili sa upuan. Pinagkrus ko ang mga braso sa ibabaw ng aking dibdib habang diretso ang tingin.
Pumasok sina Lalaine at Intoy sa loob ng kusina, sinabing kukuha lang ng mga plato pero hindi ko na pinansin pa. Wala akong ibang iniintindi ngayon kung hindi si Dustine at ang presensiya niya malapit sa akin.
"Can I sit beside you?" tanong niya.
Pasimple kong iginala ang mga mata ko, naghahanap ng bakanteng upuan na puwede sa kaniya dahil ayaw kong magtabi kami. Kaya lang, wala akong makita. Maliit lang rin ang bahay nina Lalaine at ang silya sa harapan ko ay para sa kanila ni Intoy.
Tumango ako nang hindi nagsasalita.Narinig ko ang malalim niyang buntonghininga bago naupo sa tabi ko. Palihim akong napasinghap nang yumakap sa ilong ko ang amoy nang mamahaling pabango niya. Pabangong palagi kong sinisinghot sa kaniya sa tuwing magkasama kami noon sa Maynila.
Tila may kumiliti sa tiyan ko nang hindi sinasadyang magbungguan ang mga tuhod namin. Katulad ko ay nakamaong na pantalon rin naman siya pero para bang ramdam ko ang balat namin na nagdidikit sa isa't isa.
"Anong ginagawa mo dito?" basag ko sa katahimikan.
Diretso akong nakatingin sa harapan pero nakikita ko pa rin siya sa gilid ng mga mata ko. Katulad ko, nasa iba rin ang direksyon ng mga mata niya.
"Lalaine invited me."
Natawa ako sa pagiging kaswal ng sagot niya. "Kailan pa kayo naging close?"
"Kagabi lang."
Nilingon ko siya, masama ang tingin. Naabutan ko siyang nakatitig sa akin habang nakasandal at magkakrus ang mga braso. Bumaba ang mga mata niya sa mga hita ko, tinitigan iyon saka nagtaas ng kilay.
Kumurap kurap ako nang marahang sanggiin ng binti niya ang binti ko dahilan para magtikom ang mga ito. Nagbaba ako ng tingin doon.
"Close those thighs. I'm getting horny with the way you sit."
Namilog ang mga mata ko sa sinabi niyang iyon! Nilingon ko siya at tila ba baliwala itong nakatingin sa harapan.
"Kumportable ako sa ganitong upo! At anong horny! Huwag ka umastang maayos tayong dalawa para maramdaman mo iyan-"
"You being mad at me won't stop me from feeling this way towards you, Elianna."
Magsasalita pa sana ako nang lumabas na sina Lalaine at Intoy bitbit ang mga plato. Nagbubulungan sila. Sa itsura at paghaba pa lang ng nguso ni Lalaine, mukhang iritado na siya.
"May problema ba, Lalaine?" tanong ko, pilit binabaliwala ang naging usapan namin ni Dustine.
Ngumiwi siya saka tiningnan si Dustine. Nang tingnan ko rin ito ay tamad siyang nakatingin kay Lalaine. Hanggang ngayon ay hindi ko talaga alam kung paanong naging magkasundo itong dalawang ito. Hindi ko magawang tanungin si Lalaine dahil wala pang pagkakataon.
"Ito kasing si Intoy, niyaya niya palang pumunta dito si Jared, iyong may gusto sa'yo. Hindi niya kasi alam na... nandito si Dustine-"
"Hindi ko talaga alam, Elianna, na pupunta dito ang boyfriend mo. Sasabihin ko na lang na hindi tayo natuloy-"
BINABASA MO ANG
Monasterio Series 7: The Dare Not To Fall
RomanceThe start of the third generation Monasterio Series 7: The Dare Not to Fall Walang ibang gusto si Elianna kung hindi ang maiahon sa kahirapan ang pamilya niya. Nga lang ay alam niyang hindi magiging sapat ang kinikita niya sa pamamasada ng tricycle...