Order my published books at WARRANJ SUAREZ MONASTERIO on Facebook.
—
Chapter 58
Ingredient
Hindi matanggal sa isip ko ang mga sinabi ni Grant sa akin nang mag-usap kami. Ang tungkol sa pagkakaroon niya ng nararamdaman sa akin... at ang katotohanan tungkol kay Claire.
Paanong hindi siya ang ama at ang kapatid nito? Hindi ko alam na may iba pa siyang kapatid. Kung sa bagay ay hindi rin naman namin napapag-usapan ang tungkol sa personal niyang buhay. Palaging si Dustine ang tema namin noon. Bilang kaibigan, nakalimutan ko na rin alamin ang tungkol sa kaniya.
Minsan kasi, ugali ko na ang maghintay kung kailan lang ako gusto kausapin ng tao. O, kung kailan lang nila gusto magkwento sa akin.
Pero madalas, tsismoso ako. Bl
"You are thinking of him."
Napalingon ako kay Dustine nang sabihin iyon. Nasa kama niya kami, nakahiga habang bukas ang tv. Nagpaalam siya kina Nanay na dito ako matutulog. Nakakatuwa na nagpapaalam pa rin siya kahit pa halos lantaran na kung ipamigay ako nito.
"Si Grant? Oo, iniisip ko siya." diretsong sagot ko at muling ibinalik sa palabas na hindi ko naman naiintindihan magmula pa kanina.
Bahaw na natawa si Dustine. "So honest."
"Bakit? Mas gusto mo bang magsinungaling ako sa'yo tungkol doon? Sa iniisip ko naman talaga siya."
"Change of hearts then?"
Nilingon ko siya, salubong ang kilay. Busangot ang mukha niya habang nakatitig sa harapan, ang panga ay patuloy sa pagkuyom.
"Anong change of hearts? Nagkausap lang change of hearts na kaagad? Hindi ba puwedeng may sinabi lang siya sa akin na hindi ko magawang makalimutan?"
Inirapan ko siya. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang ako naiirita dito kay Dustine. Alam ko namang seloso siyang tao pero hindi ba dapat at makampante na siya dahil pumayag akong magpakasal sa kaniya? Wala ba siyang tiwala sa akin?
"What did he tell you that you can't easily forget? Hmm?"
Umikot muli ang mga mata ko, mas lalong nairita sa kaniya.
"Sinabi niyang hindi siya ang ama ng batang dinadala ni Claire at iyong kapatid niya ang ama!"
"And why does it concern you?"
Tingnan mo ito. Hindi ko na nga sinabing inamin ni Grant na may nararamdaman ito para sa akin para hindi na siya magalit. Sa tono ng boses niya, parang kahit pa anong sabihin ko basta may kinalaman si Grant ay magagalit siya.
"Kasi palagi ko silang nakikita sa office noon. Base sa pagtitig ni Grant kay Claire, halatang mahal na mahal niya ito. Ganoon rin siya kay Grant. Kaya paanong hindi siya ang ama, Dustine?"
Kunot noo ko siyang nilingon, naghahanap ng kasagutan. Titig na titig siya sa akin, tila naguguluhan sa inaasta mo. Pero lamang doon ang iritasyon dahil kaming dalawa ang magkasama pero ibang tao ang pinaguusapan namin.
Wala naman sigurong masama doon, hindi ba? Isa pa sawa na rin akong pag-usapan ang tungkol sa amin. Paulit ulit lang rin naman.
"I have no idea, Elianna. That's out of my concern anymore."
Oo nga. Alam ko naman na hindi siya pakialamerong tao. Curious lang talaga ako. Naaawa rin ako kay Grant dahil sa itsura niya kanina, para siyang pinagbagsakan ng langit. Pakiramdam ko rin, hindi totoong may gusto siya sa akin. Baka broken hearted lang siya kaya sa akin niya ibinubuhos ang sama ng loob niya.
BINABASA MO ANG
Monasterio Series 7: The Dare Not To Fall
RomanceThe start of the third generation Monasterio Series 7: The Dare Not to Fall Walang ibang gusto si Elianna kung hindi ang maiahon sa kahirapan ang pamilya niya. Nga lang ay alam niyang hindi magiging sapat ang kinikita niya sa pamamasada ng tricycle...