Chapter 27

12 0 0
                                    

"You need to meet them, Perth... "


He sighed. He has no choice but to meet them.


This scene reminds me when I tried to hold him in my arms. Ang akala niya ay sasaktan ko siya. May trauma kaya nang una ko siyang makita, hindi ko makausap at mayakap man lang.


"Perth," I called his name when he wanted to escape.


"It's m-me. Your sister..." I tried again but he doesn't want come near me.


Pinabayaan ko siyang magisa habang nakasakay kami sa airplane. Nanginginig ito sa takot. Gustong gusto ko siyang lapitan at aluhin pero hindi ko magawa. Pang ilang beses ko siyang kausapin at lapitan pero mas lumala lang ang takot nito. Sa likod niya ay ang isang bodyguard. Sa tabi ko naman ay meroon.


May dalawang bodyguard na pinadala para sa amin ni Tito Matt. Nang makausap ko siya bago kami aalis ay pinasalamatan ko siya ng husto. Dalawa sila ni Tita Flor. I owe them a lot.


I owe them my brothers' freedom. They've done a lot even when my mother was still alive. Pero hindi iyon naging utang na loob. Gusto kong ibigay ang kompaniya sa kanila. They never agreed to that. Basta pinaalala ng parents ni Miya na magiingat kami ng kapatid ko. They never asked in return.


I was very thankful that they are part of my life. Bukod sa pamilya ni Miya, meron rin si Tita Rita na tumulong sa akin nang nanirahan kami sa US. She's my father's sister. Ang ibang relatives rin sa aking father side. They were with me when I needed them the most. Tinulungan nila akong tatagan ang sarili habang si Perth ay under therapy.


Perthgiel has been through a lot. Traumatized and abused by his own father. Pinatingin ko sa isang psychiatry at dahil doon nagkaroon siya ng therapy. Two years past before his therapy is done. Nakapaghalubilo na siya ng maayos. It was all worth it. Noong una akala ko hindi na magbabago ang ugali niya.


"Hu-Huwag kang lumapit. Please!"


Isang linggo na ang nakalipas nang makarating kami dito sa US pero wala man lang nagbago sa ugali niya. Iiyak ito kung lalapitan o di kaya ay sisigaw. I was so scared that I might lose him again.


But when the therapist came it there comes the change that I've been waiting for.


Noon kung may kailangan ay hindi sinasabi pero nagbago iyon. He always told me what he wants. Kung nasa grocery kami ay sinasabi niya ang gusto nito pero hindi demanding. Tinatanong kung okay lang ba na bilhin namin and I always say yes.


"Of course!" I said when he asked if we could buy, he's favorite snacks.


He smiled a bit. Iyon na lang yon. Kahit mediyo mailap ay masaya na ako dahil kinausap niya ako. I am very happy everytime he asked something.


Nang gumagaling na siya ay tuluyan na talagang nagbago ang lahat pero kung sa pakikipag halubilo sa mga tao ay tahimik siya. I don't know if that's what he's personality is. Kahit ganoon ay pinipilit ko siyang makipagusap sa kaedad niya lalo nang magaaral na ito.

IntentionWhere stories live. Discover now