Chapter 37

10 0 0
                                    

Napangiti ako sa hawak na lunch box. Clay gave me a lunch. Hindi ko aasahan na pupunta pa talaga siya sa opisina ko at ibigay ito. I was smiling like an idiot. Tapos na itong kumain kaya nandito siya sa opisina ko at nanonood sa akin.


"Eat now, Hill."

Suminghap ako. Sinimulan ko nang kumain at naganahan pa talaga na kumain dahil andito siya.

Habang kumakain ako ay pasulyap sulyap ako sa kaniya. Nakasoot ito ng white long sleeve at black pants. Pinilit ko na sabayan niya akong kumain pero umayaw siya. Biglang sumagi sa isipan ko na baka kumain siya kasama ni Ariene ay mediyo umasim ang mukha ko.

"Sabay kayo ni Ariene na kumain?" tanong ko.

He gave me the expression 'here we go again'

"I'm just asking!" agap ko.


"No. Kumain ako sa opisina ng magisa."


"Bakit hindi ka na lang sumabay sa akin?" tanong ko.


"Maaga akong naglunch and you texted me earlier that you are busy so I decided to just eat in my office. Next time I will adjust my sched," aniya na parang wala lang sa kaniya ang huling sinabi.

"No!" Napasigaw pa ako.

Damn. Ayokong makaabala. Hindi na dapat siya nagadjust ng sched para lang sabay kaming dalawa na kumain.


"It's okay, Clay. You don't need to do that."

Pinagpatuloy ko na ang kumain. Nang matapos akong kumain ay umalis na siya. He just wanted to watch me eat lunch before he leave. Uminit ang pisngi ko dahil sa sinabi niyang iyon. He never failed to make blush, Damn it.


Mediyo gabi na nang makauwi ng hapon. Hindi na ako nasundo ni Claine dahil may meeting siya. I know that he is tired too.


He texted me after I take a shower. Mediyo gabi na iyon at nanonood kami ni Perth nang paborito niyang TV show.

Claine

I'm home now. Kumain ka na?

Ako:
Oo, kumain na ako. Ikaw?

Claine:
Yes. Can I call?

Kinagat ko ang pangibabang labi habang nilingon ang aking kapatid na seryosong nanonood. Ayaw kong masira ang mood niya ngayon. Napilit ko siya na hindi sumama sa pinsan niya. Tinanong ko kung anong gusto niyang gawin at sinabing gustong manood. Masaya siya nang pumayag ako. He wants us to watch together.


Nilingon ako ni Perth nang mapansin na tinitignan ko siya. Tinaas niya ang kaniyang kilay. I smiled and shook my head. Ilang segundo niya ako tinitigan bago lumipat ang tingin sa pinapanood. Bago pa ako makatipa ng reply ay nagvibrate na ang phone ko.

Claine:
May ginagawa ka?


Ako:
Nanonood kami ni Perth. Pwede mo akong tawagan mamaya.


He replied quickly.


Claine:
No. Just continue watching.


Hindi na ako nagreply pa. I want to hear his voice right now pero hindi ko gustong iwanan ang kapatid ko dito na nanonood magisa. Baka ano pang isipin niya kapag umalis ako.I texted Claine after we finish watching TV. I sent him a good night text before I sleep.


IntentionWhere stories live. Discover now