Chapter 16

598 30 8
                                    

Claire

Dinala nila ako sa isang maliit na barko pagkatapos ko ihatid si Nate. Nag iisip ako ng paraan para makatakas, naghihintay ng tamang pagkakataon.

" Nagiisip kana naman ba tumakas Claire?" nandito na naman ang walang kwenta kong ina.

" Ano ba talagang kailangan mo sakin ha! Mukhang mapera ka naman, bakit kailangan mo pa guluhin ang buhay namin ng kapatid ko!" ipinasok nila ako sa isang kwarto.

" Gusto mo ba na ba malaman kong anong silbi mo sa akin? Malaki actually Claire! You see malaki ang pagkakautang ng asawa ko sa isang business partner namin sa negosyo. " nagsindi ito ng sigarilyo." Alam mo bang handa siyang kalimutan ang milyon naming utang pero bilang kapalit magiging asawa ka niya. " bigla akong nanlamig sa narinig ko.

" Nababaliw ka na ba? Anong akala mo, basta nalang ako magpapakasal sa kung sino!" tumawa ito.

" Hindi lang siya basta kung sino, Claire. Mayaman siya at maraming negosyo. Now, listen to the best part. Matanda na siya, ang gusto niya lang naman magkaroon ng tagapagmana. You see hindi lang naman kami ang makikinabang, lalong lalo kana! At ang mga magiging anak mo. " wala pa man nandidiri na ako sa mga naririnig ko.

" At bakit ako ha! Bakit hindi nalang ikaw ang magpakasal sa kanya, total alam naman natin na ikaw lang ang mukhang pera! " sinampal niya ako. Buong tapang ko siyang hinarap.

" Bakit!, hindi ba totoo? Iniwan mo nga si Tatay dahil sa pera. Iniwan mo si Nate na sanggol palang at alam mong may sakit! Ikaw ang walang kwentang ina na ipinagpalit ang pamilya niya dahil sa pera! Tapos ano babalik ka! Para saan, para ulit sa pera! " pero wala akong makitang kahit kaunting emosyon galing sa kanya.

" Sabihin mo na ang gusto mong sabihin, Claire. Pero papasalamatan mo din ako sa huli, makikita mo. " napansin ko na umuusad na ang sinasakyan naming barko.

Naisip ko si Ian. Marahil nagtataka yon kung bakit, basta ko nalang iniwan sa kanya si Nathan. Pero nakakasiguro akong mas ligtas sa kanya ang kapatid ko. Isa pa mahal niya ang kapatid ko. Kung may mangyari man sakin, nasa mabuting lugar si Nate.

Dinalhan nila ako ng pagkain ng mag gagabi. Pinilit kong kumain kahit grabe ang kabang nararamdaman ko. Alam kong ngayon ay nasa gitna na kami ng dagat. Nabigla ako ng biglang gumalaw ang barko. Nahulog ang basong nasa lamesa dahil  doon.

Tanaw ko sa salamin na tila malakas ang ulan. May pumasok na lalaki at binigyan ako ng life jacket.

" Hindi maganda ang panahon. Isuot mo yan." agad naman akong sumunod.

Mahalaga ang safety ko. Kahit anong mangyari ay babalik ako kay Ian at sa kapatid ko. Gagawin ko ang lahat para makabalik ako sa kanila.

Medyo nahihilo na ako dahil sa paggalaw ng barko. Mayamaya ay nakarinig ako ng malakas na pagsabog. Lumabas ako ng kwarto, puro usok ang nakikita ko, saka nakakarinig ako ng hiyawan. Pagkatapos ay may kung anong mainit at nakakapasong tumatama sa balat ko. Hindi rin maganda ang amoy. Parang amoy chemical.

Sinubukan kong maglakad. Naginhawaan ang pakiramdam ko ng makalanghap ako ng hangin. Pero isang malakas na pagsabog na naman ang narinig ko, tumilapon ako sa dagat.

Napahiyaw ako dahil sa hapdi ng balat ko dahil sa tubig dagat.

Sobrang sakit.













One year later...

Alexa Isabelle

Inis na tinignan ko ang sarili ko sa rear-view mirror. May kong ilang beses nang nangyari ito sa loob ng isang taon.

" Bilisan mo Manong Ronald. Baka pagdating natin doon ay lumpo na siya. Nong nakaraan ay halos mabalian siya ng braso."   never in my beautiful existence na naimagine kong magkakaganito siya.

Naghanap ng parking si Manong Ronald pagdating namin sa Bar. Sinabihan ko nalang siya na sumunod sa loob.

And there I spotted my twin brother, but of course he's wasted. All he did was get drunk, halos araw araw.

" One moorre rouundd of that expensive Vodka please.." sabi nito sa Bartender na si Cris.

Senenyasan ko na wag na bigyan. Sa dalas ni Ian dito at sa dalas ko din siyang sunduin. Kilala na kami dito and besides they knew who we are. Rosales has an empire here in Cebu.

" Look who's here, my my eveer beautifuullll twin sister. Hmmmm." saka ito tuluyang nilamon ng kasalingan.

" Ako na Ma'am." si Manong Ronald. Nasa tabi ko na pala ito. Tinulungan na din siya ng bouncer na ilabas ang kapatid ko.

" Thank you for calling me' Cris. "  I gave her my number and in case my brother got so wasted she already know what to do. Binayaran ko ang tab ni Ian and add a gracious amount of tip.

Tinulungan ako ni Manong Ronald na ipasok siya sa kwarto. I really hope Mom won't wake up, she'll be upset again seeing Ian in this state.

Then, Manang Josie help me clean Ian and change his clothes. We've been doing this many times already and I think I have enough. He will heard a lot from me tomorrow and I mean it.

Ian has drastically change over a year. It begin from one drink to another that lead to another and another. It all started when Claire just vanished. And although I have nothing to do with it. Ian blames me. Sure, I didn't want the girl for him pero wala naman akong kinalaman sa pagkawala niya.

Binisita ko ang mga anak ko na mahimbing ng natutulog. Lexine was cuddling with her favorite doll. She just turn one.

Jacob's foot was over Nathan's tummy. Dahan dahan ko iyong inayos. The two of them gets closer, as if they were brothers.

Nathan has been staying with us, mula nang basta nalang maglaho ang Ate niya. Wala din namang pupuntahan ang bata, isa pa. We adore him. He's a good kid.

Pumasok na ako sa kwarto kung saan natutulog ang asawa ko. Mahimbing na si Sungkit. Mabuti at hindi ko siya nagising sa mga galaw ko. I snuggled myself to him, automatic niya naman akong niyakap. We've been staying here sa bahay nila Mom pansamantala. I can't leave knowing Ian is being difficult. Pati si Mommy nahihirapan na sa kanya.

The next day inasikaso ko muna ang mga bata pati na ang asawa ko. I'm glad my husband is nothing but supportive which is dapat lang. He's with the best.
May pasok si Jacob at Nathan sa Kindergarten. Naayos ng lawyer namin ang guardianship ni Nathan at pansamantala siyang nasa pangangalaga ko. It was supposed to be Troy Adrian pero sa sitwasyon niya malabong ibigay sa kanya ng korte ang pangangalaga sa bata.  Si Enzo na ang naghatid sa mga bata.

" Umuwi ba ang kapatid mo, anak?" si Mom, naabutan niya akong nagaalmusal.

" Good morning Mom, opo Mommy, napansin ko na umuwi siya kagabi." I lied. I was lying to Mom about Ian, may kung ilang beses na.

" Mabuti naman'anak. Kumain na tayo. Mamaya nga pala pupunta ako kina Ate Chloe mo. Sisilipin ko lang ang mga bata, alam mo namang busy ang Ate mo. " busy si Ate dahil halos siya narin ang nagmamanage ng Adrian Suites.

Ian had been neglecting his duties at wala kaming choice kundi saluhin ang mga responsibilities niya. Dad is in Singapore for a business trip, na dapat ay si Ian din ang aattend. Inantay ko munang makaalis si Mom bago puntahan si Ian sa kwarto.

" Wake up!" niyogyog ko siya. " Troy Adrian, wake up!" pasigaw kong tawag sa kanya.

" What the hell' Isabelle, what do you want? Leave me alone! " napaihilamos ko ang palad ko sa frustration.

" Hanggang kailan ka magiging ganyan ha! Till when are you going to ruin your life? I know nasasaktan ka parin sa pagkawala ni Claire pero tang' ina naman Troy Adrian, isang taon na. " inis na bumagon ito at humarap sa bintana.

" Do you think babalik siya sayo sa sitwasyon mo ngayon? Do you really think by getting wasted almost every fucking night she will magically appear? You don't even know kung buhay paba siya or safe ba siya? Kasi basta ka nalang sumuko." tinignan niya ako ng masama.

He's going to change his habits whether he likes it or not.

Itutuloy.....


His HEARTWhere stories live. Discover now