Chapter 6

2.8K 112 79
                                    

Ian's POV

HINDI man madalas magsalita si Claire pero alam ko na masama padin ang loob niya sa akin. Kahit nakangiti siya, alam ko tutol padin siya sa sitwasyon. Thanks to God and to the great Doctors naging successful ang operasyon ni Nate. He's recovering now.

" Troy Adrian? are you listening." si Dad.

" Yes.., Dad." kahit wala naman talaga akong narinig sa mga sinabi niya. Pinatawag niya ako for an urgent meeting about RGC Estate.

" No, you're not, tell me Son, anong bumabagabag sayo nitong mga huling araw at tila wala ka sa focus? Not that I'm complaining about your work but tell me. Anong problema?" wala nga ba ako sa focus?

" Wala naman Dad, actually hindi na ako gaanong nag aalala lalo na at maayos na ang lagay ni Nate. I'm only worried about him this past weeks. " which is true..

" Ah babae ba? Is it Claire? Seryoso ka na ba sa kanya? " I only smiled in response.

" Anak, you already had a lot to learn from pagdating sa relasyon, sa amin ng Mommy mo pati narin sa mga kapatid mong babae. Give it your best shot lalo na kung mahal mo." tinapik ako ni Dad sa balikat.

Inabala ko ang sarili ko sa trabaho buong araw para maiwasang isipin ang mga bumabagabag sa utak ko. Dumaan ako ng Pharmacy para bilhin ang ibang gamot ni Nate bago umuwi sa condo. Napaisip ako sa sinabi ni Dad, mahal ko nga ba si Claire?

Tumigil si Claire sa trabaho pansamantala para asikasuhin ang kapatid para nadin mapabilis ang paggaling ng bata. She most of the time reminds me of how caring Mommy is, pagdating sa pagaalaga nito kay Nate. She's a beauty kahit pa madalas ang mga kupasing damit lang ang suot, wala din itong make up unlike my sister's na grabe ang obsession lately sa skincare lalo na si Isha.

Pipindutin ko palang dapat ang doorbell nang biglang bumukas ang pinto.

" Lalabas ka ba?" alanganin kong tanong kay Claire.

" Ilalabas ko lang ang basura." maikli nitong sagot. Napatingin ito sa plastic bag ng Pharmacy na hawak ko.

" Yong ibang gamot ni Nate, binili ko na." tumango lang ito at nilagpasan ako.

Pumasok na ako sa loob, masaya naman akong sinalubong ni Nate, unti unti ay nanunumbalik na ang lakas nito.

" Kua Yan." ang tawag nito sa akin madalas.

" Hi Buddy, kamusta ang araw nyo ni Ate mo? " umupo ako sa sahig katabi nito. Agad naman itong lumapit sakin at yumakap. Hinaplos ko ang likod nito.

" Nate wag magulo, baka pagod si Kuya Ian." saway dito ni Claire na nakabalik na mula sa labas. Ito ang madalas magturo dito ng kung anong itatawag sakin.

" Ayos lang Claire. Uhm, baka gusto ninyo lumabas, kahit dyan lang sa park sa malapit." agad pumalakpak si Nate. Napatingin naman dito si Claire. 

" Gusto mo ba lumabas Nate? " tanong nito sa kapatid.

Tumango ang bata. " Opo, Bas.." pautal nitong sagot. Inantay ko nalang sila habang nagpapalit ang mga ito ng mas maayos na damit. Kung ako lang ayos lang naman ang suot nila pero mapilit si Claire.

Tuwang tuwa si Nate pagdating namin sa Park. Alam kong maraming ibang bata ang naglalaro dito kapag ganitong oras, madalas akong magjogging dati dito kapag libre ang oras ko. Hinayaan namin na makipaglaro si Nate pagkatapos bilinan na bawal muna tumakbo. Bawal pa ito mapagod ng husto habang nagpapagaling ng tuluyan.

Naupo naman kami ni Claire sa ilalim ng puno malapit sa kung nasaan si Nate.

" Galit ka ba sa akin, Claire?" mahinang tanong ko sa kanya.

His HEARTWhere stories live. Discover now