Chapter 24

378 18 11
                                    

ALEXA ISABELLE

I'm on my way home, galing ako kina Ate Chloe, kahit anong pilit ko kay  Jacob, ayaw niya talagang umuwi. Nangako kasi akong tutuparin ko kahit anong wishes niya yaman na birthday niya naman kahapon at naisahan ako ng sarili kong anak. He wanted to sleep with his cousins and Zion was so happy about the idea. Weekdays at may pasok sila kaya ayoko sanang pumayag. Ate Chloe promised me na silang mag asawa na ang bahala.

I was about to enter the gate with my car ng may mapansin akong figure sa gilid. Itinuloy ko na ang pagpasok ng kotse sa garahe saka binalikan yong nakita ko.

"Excuse me, okay ka lang ba? Do you need help." Medyo nag aalangan akong lapitan siya. What if masamang tao siya?

" Miss Isabelle, tulong." Yon lang narinig ko sa kanya bago siya nawalan ng malay.

She knows me? Agad ko siyang nilapitan. Babae pala ito.

" Miss! Miss!" nataranta ako. Nagkataon pa namang mag-isa ako. Nasa Manila si Enzo saka pinag day off ko ang mga kasambahay ko. Si Lexine naman nakina Mommy.

Gamit ang buo kong lakas, naipasok ko siya sa bahay, she's actually very light. Ang payat niya. Agad ko nilock ang pinto nang maihiga ko siya sa sofa, baka may mga gustong manakit sa kanya.

Kumuha ako ng bimpo para punasan ang mukha niya. Agad akong nabahala, part of her face had a scar. Patuloy kong nilinis ang mukha niya. Napatigil ako ng mag register sa akin ang itsura niya.

" Claire?" Muli kong tinitigang mabuti ang kabila ng mukha niyang walang pilat. Imposibleng magkamali ako. She's Claire.

" Claire, dadalhin kita sa Hospital. " sabi ko sa kanya.

" Huu--wa-wag Miss Isabelle." mahina pero malinaw kong narinig. Kalunos lunos ang sitwasyon niya.

Kumuha ako ng water, pagbalik ko ay bahagya na itong nakaupo. Tinulungan ko siyang makaupo ng maayos, saka pinainom ng tubig. Maging sa paglunok ng tubig ay tila hirap na hirap ito.

" What happened to you?" tanong ko. Tila hinang hina ito.

Ngumiti siya ng mapait. I was really worried. Tinawagan ko yong kaibigan ko sa Medical City. I asked for a Doctor na papuntahin dito sa bahay. And I was right, her health in not doing good. Agad itong nilagyan ng swero. The Doctor also told me, she's malnourished and dehydrated.

May mga bruises din na nakita sa katawan niya. Sabi niya pa, posibleng pinahirapan ito ng matagal na panahon. May malaking pilat ito sa mukha at mayroon din sa mga braso niya. I told her na kung pwede ay wala munang ibang makaalam tungkol kay Claire hang'gat hindi ko pa siya nakakausap.

Tiningnan ko siya ulit habang natutulog, God knows kung ano ano pa ang pinagdaanan niya. Awang awa ako sa lagay niya. Pinigilan ko ang sarili ko na tawagan si Ian. Sa ngayon ay sisiguraduhin ko munang magiging maayos ang kalusugan ni Claire.

The next day ay inayos ko ang mga gamit ng mga anak ko, pagdating ni Yaya April ay pinapunta ko siya kina Mommy at sinabihang doon muna sila ng mga bata. I called my Mom at sinabi kong iiwan ko muna sa kanila ang mga anak ko at may importante lang akong aasikasuhin. Si Ate Chloe nalang ang maghahatid kay Jacob kina Mom.

Halos buong araw na tulog si Claire. Muling bumabik si Doc Trina para tignan siya, siya din ang nag recommend ng Nurse na tumitingin tingin kay Claire.

After two days ay saka lang ito nagkamalay, hindi narin ito naka dextrose. Her complexion is a lot better, kung dati putlang putla ito kahit paano ay nagkakakulay na siya. Light meals palang din ang pwede niyang kainin. The Doctor said she's been starved. Who has the heart to that?

His HEARTWhere stories live. Discover now