Chapter 3

119 5 0
                                    

NAGKAROON ng problema sa minahan tungkol sa hindi pagsunod ng ilang minero sa rules of safety kaya ipinatawag ni Genaro ang lahat nang araw na iyon.
Nasa gitna palang sila ng pagpupulong nang pumasok sa gate ang pulang sports car at huminto malapit sa covered area kung saan nagkakatipon ang mga minero. Hindi napigilan ang pag-alimbukay ng alikabok kaya napatingin ang lahat sa direksyong kinaroroonan ng mamahaling sasakyan.
    "Who's that?" amused na tanong ni Kiel, ang mining engineer na isa sa tatlong tauhan ni Genaro. Tall and handsome, at maputi ang pagka dahil sa amerikanong ama.
Hindi sinagot ni Genaro ang lalaki. Naiiling na inantay ang pagbaba ng inaasahang "bisita".
    Bumukas ang pinto ng sports car. Kasunod noo'y bumaba si Thalia na nakasuot ng dark glasses. At kung balot na balot ng sweatshirt ang itaas na bahagi ng katawan ay halos lumitaw naman ang punong-hita sa suot na micromini.
    Nagsisipol ang mga lalaki na awtomatikong napatuon ang mga mata sa makinis at mahubog na mga binti ng dalaga. Si Genaro ay nais sakalin si Kiel sa ipinakitang paghanga sa bagong dating.
    "Stop it guy's!" sigaw ng binata na ikinatahimik ng lahat. "Is that the proper way to treat a lady?"
    "Come on, Genaro," ani ni Kiel na sa porma'y halatang agad nang nagbabalak na makadaupang-palad ang dalaga. "That's the least we can do. Besides, hindi namin siya binabastos humahanga lang kami."
    Tiim ng bagang ang tinugon ni Genaro sa lalaki. Sapat upang mapangiwi ito at tumahimik gaya ng iba.
    Sa likod ng suot na dark glasses ay mabuting pinagmasdan ni Thalia ang mga lalaki, ngunit partikular na nakatuon ang pansin niya kay Genaro.
    Kabaligtaran noon una niya itong makaharap sa conference room, ngayon ay nakasuot lamang ng tight jeans at polo shirt ang lalaki. From where she stood, tingin niya ay naging haggard ito at ang buhok na dati'y maayos na naka-gel ay magulo. But it didn't make him less handsome. Mas gumuwapo pa nga ito sa anyong para bang nanggaling sa ilalim ng minahan.
    "Mag hintay nalang muna kayo rito Mang Isidro," ani ni Thalia sa driver.
Kaninang bago umalis ng Maynila, plano niya'y tumuloy na muna sa address na ibinigay sa kanya ni Gracie.
    Magpahinga ng ilang oras bago magpunta sa minahan.
    Pero kaninang mapadaan sila roon ni Mang Isidro ay nagpasya siyang tumuloy. Bukod kay Genaro ay nasasabik na rin naman siyang makita ang minahan.
    Sinalubong siya ng may paghangang tingin ng mga lalaki. Sana'y na siya roon at hindi niya iniisip na kabastusan ang hangaan ng mga ito ang kanyang kagandahan. Ngunit napalis ang kasiyahan niya ng makitang madilim ang mukha ni Genaro.
    "Hello, Miss Rodriguez," bati ni Genaro na nakakubli ang panganib sa tono. "I'm not expecting you this early."
    "Maaga kami umalis ng Maynila. Gusto kong makarating agad dito.
Hinubad niya ang dark glasses at ipinakita sa lahat ang maganda niyang mata.
    "Hi, I'm Kiel Smith," pakilala ng lalaking katabi ni Genaro. Inextend ang kamay na tinanggap naman niya. "Any relation to Don Sebastian Rodriguez?" tanong nito in a playful mood.
    "No, nagkataon lang na pareho kami ng apelyido," anang dalaga at matamis ang ngiting isinukli sa lalaki. Sa ginaway lalo namang nagdilim ang ano ni Genaro. Kung nakamamatay lang ang tingin nito ay namatay na siya.
    "Si Miss Rodriguez ang bago kong sekretarya," pahayag ni Genaro sa lahat. "I expect you to respect her as you respect me. She may prefer shorts and revealing clothes but she is still observant of her morality.
Nagtawanan ang lahat sa sinabi ng lalaki at hindi niya nagustuhan iyon. Binabastos siya nito at sa harap pa naman ng mga minero!
    Naramdaman niya ang pag-akyat ng dugo sa ulo, gayun man ay pinigil niya ang sariling huwag magalit. Hindi niya binigyan ng kasiyahan ang hudyo na ito. Isa pa, kasalanan din naman niya kung bakit nito nasabi iyon.
    Sinadya niya talagang magsuot ng maiksing damit para makita kung ano ang magiging reaksyon nito. Obviously, hindi na na-empress ang lalaki sa legs niya ay nagalit pa ito.
    "Thank you very much for your concern, Mr. Sacramento, pero hindi ko sinasadyang magsuot ng maiiksi at revealing na mga damit. Nagkakataon lang na laging kinakapos ang budget ko sa tela," aniya sa pabirong tono at nagkunwang bale-wala sa kanya iyon upang makabawi sa pagkapahiya.
    Sa tinuran niya'y lalo lamang nagsalubong ang mga kilay ni Genaro.

GENAROWhere stories live. Discover now