Chapter 7

176 7 5
                                    

"MAY PROBLEMA ba, Genaro?" tanong ni Aurora nang hangos na pumasok ang lalaki sa pinto ng bahay panuluyan.
"Umalis si Thalia kanina at hindi na nagbalik sa opisina. Inakala kong baka umuwi siya rito. I tried to call you up pero recording ang sumasagot sa akin."
"So, umuwi ba siya rito?"
"Oo. At nagmamadali rin siyang umalis."
"Where did she go? Sinabi ba niya kung anong oras siya babalik dito?"
"Hindi na siya babalik dito, Genaro. Umalis na siya dala ang kanyang maleta."
"Damn! Hindi mo siya dapat pinayagang umalis,"
"Wala akong karapatang pigilan siya," mahinahong tugon no Aurora. "Bakit, ano ba ang nangyari? Hindi basta basta lilipat ng matutuluyan si Thalia nang walang mabigat na dahilan."
Sa disperadong tono ay isinalaysay ni Genaro sa babae kung ano ang nangyari.
"Dios mio, hijo!" bulalas ni Aurora at napailing. "Bakit mo naman ginawa iyon? Hindi nga kataka-takang magalit sa iyo si Thalia. You kissed her in front of so many people, at hindi mo man lang isinaalang-alang ang kanyang ama."
"I only wanted to tag her with my name, para hindi na siya pakialaman pa ng mga tauhan ko sa minahan. And I expected her to take it lightly, after all she's a very liberated woman. Hindi ko inaasahang seseryosohin niya ang ginawa ko. It's just a kiss, you know."
"For you, it's just a kiss. Pero sa tulad naming mga babae, sagrado ang halik. Walang matinong babaeng basta na lamang magpapahalik sa labi sa isang lalaking hindi naman niya nobyo, lalo na sa isang lalaking ang layon ay hiyain siya. At paano ka nakasisiguro na ganoon ka-liberated si Thalia?
She may look like it the way she dresses, pero hindi nangangahulugan iyon na ganoon na siya."
"And what do you expect from a stubborn, spoiled brat like her? You think she's a saint?"
"Genaro, hindi iyon ang ibig kong sabihin. Look, ang mabuti pa, tawagan mo ang listahan ng mga lodging houses and hotels para malaman mo kung saan siya nag check-in. Sinadya kong ibigay sa kanya ang listahan ng mga lugar na maaari niyang tuluyan for the night para madali natin siyang makita."
"For the night?" bunot-noong tanong ni Genaro.
"Ang sabi niya'y gusto na niyang bumalik sa Maynila. Sinabihan ko na nga lang siya na ipagpabukas na ang biyahe dahil delikadong abutin siya ng gabi sa daan."
"Damn! Hindi siya dapat makabalik sa Maynila nang hindi kami nagkakausap. I don't want to jeopardize my relationship with Don Sebastian because of my stupidity!"
"Ngayon, inamin mo ring isang malaking kalokohan ang ginawa mo," pa buntong
-hininga ng sabi ni Aurora.
Marahang tumango si Genaro habang sa isip ay naroon ang pagsisisi. He always acted on impulse. Isang ugali niya na hindi mawala-
wala. Magkagayon man, hindi niya lubos na pinagsisisihan ang ginawang paghalik kay Thalia dahil ngayon alam na niya kung gaano katamis ang mga labi nito. It was like a mixture of lemon and honey. At ang mainit na hininga nito ay simbango ng pumpon ng mga rosas sa hardin ni Aurora.
"What are you waiting for? Hanapin mo na siya kung hahanapin mo," taboy sa kanya ng babae nang mapansin marahil na natitigilan siya. Iniabot nito sa kanya ang listahang kaparis ng ibinigay kay Thalia.
"Thanks, Aurora. You're an angel," sabi niya. matapos kunin ang papel at kapalit ng pag-asang ibinigay sa kanya ng babae ay hinagkan ito sa pisngi.
"Oh, huwag mo na akong bolahin pa. Just go!"
Paglabas ng mansion ay deretso ang binata sa kinapaparadahan ng Musso. Gamit ang cellphone, kinontak niya ang telephone number ng bawat lodging house and hotel na nakalista sa papel. Itinanong kung may nag-check-in doong isang magandang babaeng nagngangalang "Thalia Rodriguez". At kung sakaling nagpalit ng pangalan ang dalaga ay ginamit naman niyang pagkakakilanlan ang pisikal na anyo nito.
Ngunit nabigo siyang makakuha ng impormasyon kung saan nag check-in ang dalaga. Lahat ng tinawagan niya'y pawang "wala" ang isinagot.
At hindi na nga niya makikita si Thalia dahil nang mga sandaling iyon ay pababa na ng Baguio ang dalaga.

PINAHID ni Thalia ang luhang naglandas sa kanyang pisngi. Zigzag ang Daan kaya kailangan niya ng ibayong ingat sa pagmamaneho. Hindi dapat mangibabaw ang kanyang emosyon sa mga sandaling ito.
Kaninang umalis siya ng bahay-panuluyan ni Aurora ay inisip niya kung susundin ang payo nito. Sa bandang huli, nagdesisyon siyang bumalik na sa Maynila noon din. Ayaw na niyang magpalipas pa ng gabi sa Baguio pagka't tiyak niyang hahanapin siya no Genaro.
Pagkatapos ng nangyari ay ayaw na muna niyang makaharap ang nag-iisang lalaking naglagay sa kanya sa kahihiyan.
"Shit! Why am I crying because of that arrogant brute?" malakas na sabi niya sa sarili na siya ring sumagot sa tanong niya.
Dahil hindi mo matanggap na ikaw ang nahulog sa sarili mong bitag. Bagkus na makaganti ay naisahan ka pa niya, panunuya sa kanya ng isip niya.
"Shut up, will you?" sigaw niya sa sarili. "Magbabayad ang Genaro na iyon. Magbabayad siya!"

MAKALIPAS ang walong oras na biyahe ay narating ni Thalia ang mansion ng mga Rodriguez sa Forbes Park. She was tired, emotionally exhausted and hungry. At dahil sa mabigat na trapikong dinanas niya ay lalong nag-init ang kanyang ulo.
Pagkababa mula sa kotse ay agad siyang tumawag ng kawaksi. Lumapit ang isa sa mga katulong na gising pa at agad nataranta nang sigawan ng dalaga at utusang ipaghanda siya ng hapunan.
"Gising paba si papa? mataray pa ring tanong niya sa nakababatang babae.
"Opo."
"Where is he?"
"Naroon po sa den at nag babasa."
"Pupunta na ako sa den, dalhin mo nalang doon ang pagkain ko."
"Opo."
Matapos kausapin ang kawaksi ay agad nang nagtungo sa den si Thalia. Naabutan niyang nagbabasa ng business book ang ama. Nagulat ito on ang makita siya kahit nang nakaupo na siya sa silyang nasa tabi nito ay tila hindi parin makapaniwala na naroon siya.
"Hija, what are you doing here? I thought you were in Baguio?" nagtataka pa ring tanong ng matanda.
"After what happened at GMC, you think I'll spend another day in that damn place?"
"So, it's really true?"
"Why would I lie about it, Papa? Hinalikan ako ni Genaro. Pinahiya niya ako."
"Well..." Inilapag ni Don Sebastian ang libro at hinubad ang suot na antipara. "What do you want me to do about it?"
Hindi nakaimik si Thalia. Sa haba ng biyahe ay hindi pa rin niya napag-isipan kung ano ang kaparusahang ipapataw kay Genaro.
"I want you to punish him, Papa. Gusto kong isalba niya ako sa kahihiyang ginawa niya."
"Hija, why not forget about it? Hindi kana bata. At siguro nama'y may dahilan si Genaro kung bakit niya ginawa iyon."
"Anuman ang dahilan niya, Papa, wala pa rin siyang karapatang gawin sa akin iyon!" nagmamaktol pang sabi ni Thalia.
"Hija... ano nga ang gusto mong gawin ko? Hindi ko siya maaaring ipakulong nang dahil lamang sa hinagkan ka niya."
"I don't care kahit anong parusa ang igawad ninyo sa lalaking iyon, Papa. Ang importante ay makaganti ako sa kanya.
"All right, gagawa ako ng hakbang para parusahan siya. Pero huwag mo akong sisisihin."
Nang gabing iyon, habang nakadungaw sa terasa at nagpapahangin, ay pinag-isipan no Don Sebastian ang mga bagay-bagay na may kinalaman sa ipinagsesentimyento ng anak
Maliit na bagay lang kung tutuusin ang ginawang panghahalik ni Genaro sa dalaga, at makakalimutan din naman ng mga tao ang pangyayari. Pero napag-isip-isip ng matanda, maaari niyang gawing dahilan ang ginawa ni Genaro upang maisakatuparan ang mga plano niya sa anak na kaisa-isang tagapagmana ng kanyang mga ari-arian.
Kung ipakakasal niya si Thalia sa isang magaling na lalaking katulad ni Genaro ay nakatitiyak na siyang maiiwan sa mabubuting kamay ang kanyang dalaga at ang lahat ng pinaghirapan niya. Bago pa naging stock holder sa GMC ang lalaki ay naipa background check na niya ito. Genaro graduated with honors from the prestigious Harvard University. Nagmula sa isang kilalang angkan at ang mga magulang ay mabubuting tao.
Hmn, that's a good idea. ani Don Sebastian sa sarili. Gayunman, sakaling tumanggi ang lalaki ay hindi niya ito pipilitin.

"NASAAN ang papa?" tanong ni Thalia sa kawaksi nang bumaba bandang alas-onse ng tanghali.
"Maaga po siyang umalis, Senyorita."
"Nagpunta sa opisina?" aniya habang paupo sa harap ng breakfast table. Nagsalin ng kape sa tasa at kumuha ng creamer.
"Sa palagay ko po'y hindi dahil iponagbilin niyang sabihin ko sa inyo na importante ang lakad niya."
"Ganoon ba? Sige, iwan mo na ako."
Tatalikod na ang nakatatandang babae nang tawagin niya at utusang ihanda ang kanyang bathtub. Pagkatapos ng nangyari nang nagdaang araw ay wala siyang gustong gawin kundi ang mag-relax.
Hindi pa katagalan nang umalis ang kawaksi ay nilapitan naman siya ng isa at sinabing may tawag siya sa telepono mula kay Genaro.
Pagkarinig pa lamang sa pangalan ng lalaki ay nagbangon na ang galit sa dibdib niya.
"Sabihin mong wala ako, Minerva."
"E... nasabi ko na pong nandito kayo."
Imbes na magalit sa katulong ay napa- buntong-hininga na lamang si Thalia at sinabi, "Then, tell him that I don't want to talk to him."
"Opo, Senyorita."
Nang mapag-isa ay muling sumalit sa alaala niya si Genaro. His handsome face ang adorable body.
Wala sa loob na nasalat niya ng daliri ang mga labing hinalikan nito. Sa kabila ng pagtutol ng kalooban ay napangiti siya. Magkahalong galit at excitement ang nararamdaman niya para kay Genaro, ngunit aaminin niya sa sariling ginagawa niya lamang iyon dala ng matinding pagkagusto niya sa lalaki.
Kaya nga sinundan niya ito sa Baguio. Hindi niya matanggap na pagkatapos ng maikling pagkikilala ay hindi na sila muling magkikita pa. At kung hinintay naman niyang ligawan siya ng lalaki ay malayong mangyari dahil sa simula pa lang hindi na siya pinansin nito.

GENAROTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon